Ulan. Mataas na heels. Basang pavement. At ako—nakaupo sa likod ng black sedan, habang hawak ang phone na naka-silent. Tumunog ito, pang-walo. Si Ryan ulit. Hindi ko sinagot. Nasa gala kami kanina. Fundraising event ng Iconic Financial Group. Dapat sabay kaming aalis. Pero nagpaalam siyang may “kausap lang na investor.” Limang minuto lang daw. Hindi na siya bumalik. Bumubuhos ang luha ko pero walang ingay. Sa sarili kong isip, may marahas na bumubulong. “You don’t abandon me and expect to come back unpunished.” Pinilit kong i-lock ang pinto mula sa loob. Isang uri ng symbolism. Kung kaya niyang iwan ako para sa isang mas “strategic” na babae, kaya ko rin isara ang pintuan na para sa kanya. Kinabukasan, isinara ko rin ang puso ko. Dahil ang Ava Marquez na iniwan niya… hindi na babali

