“‘Junior Analyst?’ ‘Yun lang nakalagay sa desk mo?” tanong ni Jai habang nilalapag ang kape niya sa table sa pantry. “Mas maliit pa nga ‘yan sa title ng intern,” sagot ko, habang hindi inaalis ang tingin sa ranking board na nakakabit sa pader. May bullet points. May kulay. May hierarchy. At siempre wala pa ang pangalan ko. Ito ang unang linggo ko sa Iconic Financial Group. Si Adrian, of course, nasa taas—#1, naka-bold pa. May emoji pang crown. “Hindi ka ba naiinggit?” tanong ni Jai. “Hustisya?” sagot ko. “Hahahahaha. Wala ‘yan dito. Dito, kung sino ang may spotlight, siya ang hari.” Tinawanan lang niya ako noon. Hindi niya pa alam. Hindi pa siya sanay. Pero ako, mula sa umpisa, alam kong para makaakyat sa top rankers ng mga halimaw sa opisina, kailangan mo munang maglakad

