Noong unang beses kaming nagkasabay ni Enzo sa elevator, tahimik siya. Hawak ang kape, habang naka-suot ng luma pero maayos na polo, hindi ko man lang napansin agad. Biglang nadulas ang baso niya—nagkalat ang kape sa sahig, at sa sapatos ko, sa loob ng elevator. Tumingin siya sa ‘kin, parang hinihintay kung magagalit ako. “Clean it up,” sabi ko, hindi man lang umiwas ng tingin. Sumunod siya. Walang tanong. Walang reklamo. Kinabukasan, may chismis na agad sa floor. Elevator Queen daw ako. Matapang. Mataray. May pagka-b*tch. Hindi ko tinanggi. Kasi minsan, mas madaling hayaan na lang silang matakot kaysa ipaliwanag kung bakit kailangan mong maging matatag. At si Enzo? Hindi ko inasahan na ‘yung lalaking ‘yon—‘yung walang sinabi kundi “okay po”—ay magiging pinakamalakas kong kakampi ng

