FLASHBACK: Isang linggo pa lang mula nang maagaw sa akin ang promosyon. Pagbalik ko sa opisina noon, ramdam ko na agad ang bigat ng katahimikan. May balloon pa sa desk ko—may nakasulat pang “Congrats, Adrian!” Sa kulay pilak nitong gilid, may tinta ng marker na parang nanunukso: “Team Leader Era!” Tinanggal ko lang ‘yon nang walang imik. “Morning,” bati ko sa mga dumadaan. Walang sumagot. Si Carla na nga lang ang tumango. Pilit pa. “Welcome back, Ava,” sabi ni Jai, may hawak na cup noodles, nakangiti. “Thanks,” sagot ko. “Kahit hindi naman talaga ako nawala.” “Grabe ka, parang ghost lang. Nandito ka, pero di ka nila nakikita.” “Then let me haunt them properly.” Tumayo ako. Nag-ayos ng gamit. Binuksan ang laptop. Pinitik ang lumang Post-It sa gilid: “Remind them who you are.” At doo

