Anim na buwan bago ang kasalukuyang gulo, sa isang marangyang conference sa Singapore, magkakasama na nandun sina Celeste, Adrian, at Ryan. “Nice keynote,” sabi ni Celeste kay Adrian, lumapit habang may hawak na flute ng champagne. “Magaling ka ring magpanggap na may pakialam,” sagot ni Adrian, hindi man lang tumingin sa kanya. Mula sa dulo ng ballroom, si Ryan, naka-blazer pero walang name tag, tahimik na pinagmamasdan ang dalawa, parang chess player na hindi pa tumitira. Walang bumati sa kanya. Walang nakapansin. Pero sa gabing iyon, tatlong tao ang nagkasama—na balang araw, sila din ang magsisimula ng giyera. Present day. Sa loob ng isang private booth sa penthouse restaurant, may ambient jazz na malalim ang tunog, parang panimulang note ng pagtataksil. Tatlong baso ng alak. Tatlo

