{Buzzzzz...buzzzzzz}
"Lady C, oras na po para bumangon baka po ma late kayo"
Nagising ako sa paulit-ulit na paggising sakin ni ate Mel sa papamagitan ng intercom na konektado sa kwarto ko at sa sala namin at sa kusina. Si ate Mel ay personal maid ko dito sa bahay anak siya ng isang kasambahay namin dito, halos kasabay ko ng lumaki si ate mel parang totoong kapatid na rin ang turing ko sa kanya.
Pinindot ko naman yung buzzer button na naka dikit sa dingding katabi ng kama ko habang naka higa pa rin pikit ang mata at naka dapa pa.
"Ok, thanks ate . (beadroomvoice)" - sagot ko sakanya
" GOOD MORNING PHILIPPINES AND GOOD MORNING EARTH!!!!! " - I said cheerfully at nag inat inat pa ng katawan what a good morning.
"Good morning too young lady, but you better get up and fix yourself if you don't want to be late on your first day " - biglang singit ng aking loving mother na hindi ko manlang namalayan na pumasok sa aking kwarto.
"Hehe yes mom, goodmorning " - sagot ko kay mommy sabay tayo sa kama ko . Nag-kiss nalang ako sa cheek ni mommy at pumunta na sa bathroom ko para maligo.
-----------------
"Bye darling take care "- paalam saakin ni mommy sabay kiss saaking cheek at ganun din ang ginawa ko bago ako lumabas at sumakay sa sasakyan na maghahatid saakin sa school.
“Manong dito nalang po!” - pag pigil ko sa driver naming ni manong Gary ng matanaw ko na malapit na kami sa school na papasokan ko.
“Ho? Lady C medyo malayo pa po tayo, delekado po”- ani manong na nagulat sa sinabi ko.
“Manong naman parang hindi ikaw ang nag hahatid saakin dati eh” - tukso ko kay manong habang ngiting ngiti sabay pa cute para pumayag na hehe.
“Lady C, hindi pa rin po pala kayo nagbabago, siya po sige na ho’t bumaba na kayo at mag lakad titignan ko na lamang kayo hanggang sa maka pasok kayo sa gate.” - pagsusuko ni manong saakin.
“Yay, thank you manong you’re the best talaga hehe, huwag po kayong mag-alala mag iingat po ako, kayo din po ingat kayo pabalik. E tetext ko nalang po kayo mamaya pag pwede niyo na akong sunduin, dito po ulit manong ah? Tsaka secret lang po natin ah, bye manong!” - I said childishly bago lumbas at masayang naglakad patungo sa school, nakita ko naman si manong sa napailing nalang haha.
Ganito kasi ako eh simula elementary at nung nag highschool ako, hinahatid ako ni manong pero hindi ako nag papababa sa mismong tapat ng gate, pinapahinto ko sa medyo malayo sa gate at maglalakad nalang ako. Ewan ko, hindi naman sa ayaw kong malaman ng mga tao na ang estado ng buhay kundi ayoko lang ipangalandakan yun kasi hindi naman kailangan, ano naman makukuha ko kung malaman nila o hindi diba?
Paplastikin lang ako ng mga tao, ok na sakin ang konting kaibigan atleast hindi plastik at hindi lang dumidikit sakin dahil doon kundi dahil gusto talaga nila akong maging kaibigan dahil sa ugali ko at sa totoong ako, alam niyo yun? Yung ako lang, ganon.
Tsaka isa pa ayoko lang din magaya ako sa kinahantungan ni dad, he was betrayed by his friend because of money, kaya nahihirapan din akong mag tiwala.
Nung nalaman ni mommy dati yung ginagawa ko nagalit siya but I explained to her and she perfectly understand ang sabi niya lang ayaw niya lang daw na kawawain ako o insultuhin but I said I don’t care and I can perfectly handle myself, tsaka hindi ko naman tinatago eh, hindi ko lang pinangangalandakan, magkaiba naman yun diba?
"Ok Sam kaya mo to this is it so relax ok? hoo!!"
Muntanga ako dito sa tapat ng gate habang nirerelax yung sarili kong wag kabahan kasi first day ko dito sa school tsaka 2nd week na simula ng pasokan ngayon lang ako papasok madami pa kasi akong inasikaso sa states kaya medyo natagalan ako ng uwi.
Waddup ANDERSON ACADEMY! Yep that’s the name of my school, cute right? Dito ko pinili kasi dito din nag aaral ang mga kaibigan ko.
"Saaaammmmm!!!!!!! OMG you're here na nga! " - biglang sigaw naman ng kaibigan kong papalapit saakin, si Audrey kasama sina kate at Jane.
"WELCOME BACK SAM! "- Kate shouted
"Aray ko naman kate makasigaw parang bundok pagitan nating dalawa ah"- inirapan ko siya ko bigla, walanjo ba naman kasi kung makasigaw wagas eh magkatapat lang naman kami.
Nagtitigan muna kami ng mga five seconds…
1
2
3
4
5
"Aaaaahhhhhhh!!!!!!!!"- biglang sigawan naming apat at nagyakapan, mga baliw ata ang peg namin eh saka lang nag register sa brain cells namin na nagkita-kita nanaman kami. Finally, after three years.
Wala kaming paki kung pinagtitinginan na kami ng mga tao dito dahil sa ingay at yakapan portion namin. I just missed my freaking bestfriends! Three years ko silang hindi nakita boi, three years!
"Oh my god! I badly missed you guys! "- sabi ko sa kanila bago kumalas sa yakap nilang mahigpit pa sa sinturon ni darna.
"We missed you too!"-sabay-sabay na tugon nilang tatlo ng nakangiti sabay tingin saakin from head-to-toe and toe-to-head, napataas naman ako ng kilay sa ginawa nila. What's with the look?
"Nothing has changed you’re still you. And you’re color bluesss"-untag ni Kate pagkatapos suriin ang buo kong pagkatao charrr OA ng suot ko lang pala . Pero napangiti na din ako.
Alam ko na kasi kung ano sinasabi nila. Ang porma ko ngayon. Nakasuot ako ng white tshirt na may kaunting design sa upper left part at naka insert sa denim skirt ko, cyan nike shoes a blue backpack. Yep haha my color, blue.
"Of course pinaglihi ata ako dyan "- I confidently said with a heart CHAROOT .
"Parang hindi ka galing sa states sa suot mong yan eh. Hindi ka mukhang bilyonarya mas mukha kang scholar"- natatawang sabi ni kate.
"May problema ba sa mga scholar? "- sabat ko naman sa kanila. Natahimik naman saglit silang tatlo sa sinabi ko.
"Tssk, it’s still you . The Great Cyan Samantha Samaniego"- napapiling namang sabi ni Audrey
"The one and only "- with matching flip hair pa, alam din kasi nila ang gusto ko at kilala na nila ako, sila yung tinutukoy kung ok na yung konting friends basta hindi plastik. Nakilala at minahal nila ako bilang ako.
"6 minutes before the bell, let’s go girls?” Jane said nonchalantly, we looked at each other for seconds and smile widely. “eady Sam?” - they asked.
"Let's go!"- We said in chorus
Habang naglalakad kami sa hallway ay hindi ko mapigilang ma awkward. Eh sino ba'ng hindi kong sa pag lakad namin eh nakatingin halos lahat ng mga taong nadadaanan namin saamin or should I say saakin? Ok ako na feeling pero siguro talaga karamihan saakin nakatingin kasi sa mata ng iba bago ako, which is true naman.
"Who is she?"
"Sino yan? Ang cheap ha!"
“Pangit naman niyan, maputi lang.”
“Bakit kasama niya ang tatlong members ng cheering squad?"
"Transferee lang ah, bakit niya kasama sila Jane?"
"What is she wearing? Ang poor ha!"
"Bagong student kaya yan, in fairness ha maganda siya"
Napangiti naman ako sa huli kong narinig na nag complement saakin meron pa din naman kasing mabubuti taon, yung maganda lang nakikita nila, pero medyo na inis sa mga una kong narinig grabe makapang husga ha, perfect?
"Don't mind them girl, ganyan talaga mga tao dito"- Audrey, giving me a sweet smile bago pumasok sa loob ng classroom .
Napatingin naman saamin lahat ng tao sa classroom kaya napayuko ako sa hiya . The heck I feel like they're going to eat my brain.
Naglakad na sila Jane kaya sumunod naman ako. Umupo kami sa fourth row sa gilid. Bakante pa ang fifth row sa likod namin wala pa ba ang mga naka upo diyan? Malapit na mag start ang klase ah.
Biglang may pumasok na matandang babae na nasa 50's ang edad at sa aura niya she's our professor at mabait siya. Well, I hope so.
"Good morning class"- biglang bati niya, nagulat naman ako ng magsitayuan ang lahat ng mga kaklase ko at sabay-sabay na bumati.
"Good morning Mrs . Ramirez"- my classmates greeted in unison
Napatingin naman saakin si Mrs. Ramirez daw ng mapansin niyang ako lang ang nakaupo, para akong naubosan ng oxygen at natigil bigla sa pag hinga. Am I causing a scene here? Nagulat naman ako ng ngumiti siya saakin kaya nakahinga ako ng maluwag.
"You can take a sit… and you Miss… " tanong ni niya habang nakatingin saakin
"Can you introduce yourself in front?"- tanong niya, uso pa pala yun dito?
Tumango na lamang ako at tumayo tsaka lumakad patungo sa harap. My gosh nakakahiya I hate this, akala ko ligtas na ako sa introduce introduce yourself kasi second year college na ako hindi pa pala, sa states wala naman nito eh, wala pakialamanan nasasayo na yan kung mag aapproach ka o iaapproach ka .
"Uhm------ {blag!!!!!}
Magsasalita na sana ako ng biglang bumakas ng malakas ang pinto at pumasok ang limang lalaking naka uniform, charoot pare-parehas kasi silang naka itim ng damit, sunod sunod silang pumasok. Pumunta silang lahat sa likod ng row namin which is the fifth row, sila pala ang mga nakaupo doon kaya pala kanina pa bakante.
“Sorry we're late"- one of them said ng nakatayo.
Nag smile lang naman si Mrs. Ramirez kaya umupo na yung men in black. She's supposed to get mad right? So ok lang palang ma late dito ngingitian ka lang, nays sana all hahaha.
"I--------" - mag-uumpisa nanaman sana akong magpapakilala ng biglang bumukas nanaman ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaki, lalaking matangkad, maputi, malinis ang katawan, maganda ang porma at higit sa lahat gwapong nilalang.
"I know, I'm late "- ani ng lalaking bumukas ng pinto na may napaka seryoso at blankong mukha. Wow attitude ka sir? Siya na yung late siya pa galit.
And wait, I think I know this guy.
OMG!!!!
Dale? Siya ba yun? Napalingon naman siya saakin at medyo nagulat, ngunit bumalik agad ito sa blankong mukha. Sigurado ako, siya yung lalaking naka bunggo ko kahapon sa mall, yung natapunan ko ng frappe.
"It's ok , you may take your seat Mr. Anderson"- Mrs . Ramirez said then smiled again, remind me to be late next time hihi. Naglakad naman si Dale at umupo na sakanyang upuan which is sa dulo ng fourth row na katabi ko!? OMG
What is he doing here!? Siya ba talaga 'tong nakikita ko o kinain lang ako ng stained niyang damit kagabe dahil iniisip ko kung pano ko iyon mababalik. Pero kung siya nga yun, sobrang liit naman talaga ng mundo.
Nagtataka naman ako kasi lahat ng babae including my best friends are looking at him at namumula na sa kilig. Ok, so is he some kind of a heartthrob here? Including those five guys beside him kasi napansin ko din ang impit na tilian ng mga kababaihan sa kanila kanina pero hindi ko lang pinansin kasi wala akong pakialam.
"Continue miss..."- sabi saakin ni Mrs. Ramirez na ikinabalik ng diwa ko sa reyalidad na this is my first day and introducing myself will get into my nerves the whole day I’ll go to different classes and meet different students and professors, nice, really nice.
"Ah, hi I'm Samantha Samaniego, just call me Sam for short. Yun lang, thank you"- nakangiti ngunit awkward kong pagpapakilala. Nagulat naman ako sa weird na tingin saakin ng mga kaklase ko, may dumi ba ako sa mukha?
“Is that all, Miss Samaniego? “ - tanong ni Mrs. Ramirez na tila naghihintay pa ng sasabihin ko.
“ahh, yeah?“ - hindi ko sure na sagot pero ngumiti na lamang ako at bumalik na sa upuan ko , bago umupo ay nakita ko si Dale na nakayuko at nakapatong yung ulo sa arm chair niya, tulog yata. Pwede ba yan dito, di ba magagalit prof nyan?
"What's with him?"- bulong ko sa mga kaibigan ko na ngayon ay nakatingin nanaman kay Dale. Well, maliban kay Jane
"His handsome and angelic face"- Kate
"His Rosy cheeks "-Audrey
"And his pink kissable lips.... that I want to taste "- Kate
Shock naman ako sa huling sinabi ni kate, kahit kailan talaga ang landi nito. At para silang tanga habang sinasabi yun ah kasi para silang nag de-daydream. Kadiri, pinag-nanasaan ba naman ‘tong katabi ko.
"Stay away from him, Sam"- Jane said nonchalantly.
"What, why?"- taka kong tanong sa sinabi ni Jane. Why would I stay away from him anyways eh hindi naman siguro siya nangangain, well, not that I want to be with him also. Hindi naman yun problema kasi hindi ko naman siya kilala talaga.
"Just stay away, you don't know him… he's ----"-Audrey
"Girls, if you're not interested in my class you may go"-biglang singit ni Mrs.Ramirez na may iritableng mukha, aish hindi na pala ako papa-late sakanya, bilis mag bago ng mood mag memenopause na ata.
"Sorry ma'am"- my best friends say in chorus.
Nagtataka pa rin ako sa sinabi nila na layuan si dale, Hindi naman siya mukhang nakakatakot hindi naman siya masungit kasi ang bait niya nga kahapon lagi pa nga siyang nakangiti. Pero sabagay nakakahiya rin namang pansinin siya baka snobin niya lang ako sabihin feeling close.
Tsaka parang wala naman siyang pakialam eh. Hindi niya nga ako pinansin kanina hindi na siguro ako tanda, pero ang bilis naman ata niyang makalimot. Sabagay I really can’t tell, hindi ko naman siya kilala eh.