bc

Rewrite

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
time-travel
second chance
drama
tragedy
like
intro-logo
Blurb

Paano kung bigyan ka ng pagkakataong bumalik sa nakaraan upang baguhin ang hinaharap, Tatanggapin mo ba ito?Ako si Vance, at marami akong mga kamalian na nagawa sa aking buhay. Isa na rito ang pagkamatay ng aking girlfriend na si Mara.Nagsisisi ako sa mga nangyari, at kung maibabalik ko lang ang oras, sisiguraduhin kong babaguhin ko ang hinaharap."KUNG MAIBABABALIK KO LANG ANG ORAS"

chap-preview
Free preview
IF ONLY I COULD TURN BACK TIME
Naniniwala ka ba sa Time travel? Noong una hindi rin ako naniniwala rito, hanggang sa mangyari ang hindi inaasahang pangayayari na nagpabago nang aking buhay. Sinasabi nilang Time is Gold, wag mong sayangin ang bawat segundo na nabubuhay ka dito sa mundo dahil ang buhay ay maikli lang kaya't palagi kang ngumiti. Tsk, kahangalan, para sa akin ang buhay ay walang kwenta, puno nang problemang walang lunas. Yun ang paniniwala ko nung una ngunit, sa hindi inaasahang pangyayari nagbago ang takbo nang buhay ko. Isang babaeng highschool student ang nagalalakad patungo sa isang upuang walang tao. Walang tao ang paligid at tanging mga huni ng mga ibon lamang ang iyong maririnig. Lumakad sya papunta sa upuan at nakita ang isang librong sa tingin nya ay naiwan. Umupo sya rito at kinuha ang libro sa kanyang gilid, tumingin-tingin sya sa paligid at nakitang wala namang tao kaya't sigurado syang naka alis na ang may ari nang libro. Habang hawak-hawak ang libro sa kanyang palad pinagmasdan nya ito at binasa ang nakasulat sa cover nang libro. "Rewrite"?? bigkas nang babae habang nagtataka sa title nang libro. Binuksan nya ang libro at sinimulan itong basahin, habang sya ay nakaupo sa malapad na upuan na sa likod ay malaking kahoy, na syang dahilan kung bakit ang init nang araw sa kanya ay hindi tumatama. CHAPTER 1 "Hoi! Vance ano namang kapalpakan ang ginawa mo!" sigaw nang kalbo kong manager sa loob nang opisina. Para sa kanila, puro nalang mali ang aking nagagawa. Lintik na buhay to! sa inis at sa aking galit nasagot ko ang aking manager. "Ikaw kaya ang gumawa, tignan natin ang kung hindi ka mahihirapan!" sigaw ko sa kanya at kitang kita ang galit sa aking muka. Nagtinginan nalang ang aking mga kasamahan sa akin dahil sa ginawa ko. "Ang lakas nang loob mong sumagot!" sigaw nya pabalik sa akin na kitang kita ang pagkainis sa kanyang muka. "Wag mong isiping palalampasin ko lang ito Vance!" bigkas nya sabay talikod "Alam kong hindi mo ito palalampasin." bigkas ko habang kinukuha ang papel sa aking bag "Tsk, sige kung hihingi ka nang tawad, at sisiguradohing hindi na mauulit ang mga bagay na ito, ay patatawarin kita at iisiping walang nangyari sa araw na ito." bigkas nya habang nakatalikod na nakaupo sa kanyang upuan habang sya ay nakaharap sa bintana na kitang kita ang mga ibong lumilipad. "Anong patawad? dami mong sinasabi!" bigkas ko sabay lapag nang resignation letter sa kanyang table. Matagal ko nang iniisip ang bagay na ito, sawa na ako sa ganitong buhay. "Tapos na ako sa kompanyang to" bigkas ko sabay talikod at labas sa kanyang opisina. nakita ko pang nagbubulungan ang aking mga katrabaho na akalain mo'y perpekto. Mga siraulo, sumakay ako sa elevator at pagkatapos ay bumaba na, lumakad ako papuntang pintoan na sana'y lalabas na sa malaking building na ito. Pagbukas nang automatic door ay akmang tatapak na sana ako sa labas, ngunit may tumawag sa akin sa likoran at nakita si Mara na kinakaway ang kanyang mga kamay. "Vance" bigkas nya habang kinakaway ang mga kamay, hindi ko alam kung bakit nasa loob sya nang building na ito. Nilapitan ko sya at sinabing, " O, bakit ka nandito Mara" sabi ko sa kanya habang dahan-dahang lumalakad palapit sa kanya. "Halika" bigkas nya sabay hablot nang aking kanang kamay, at sabay kaming tumakbo palabas nang malaking building . "Mara? saan ba tayo papunta?" tanong ko sa kanya habang hawak-hawak nya ang aking kamay at nakatingin lang ako sa kanya na tumatakbo. Tumakbo lang kami nang tumakbo, hanggang sa umabot kami sa lugar na pamilyar sa aking paningin. Isang kalsadang walang kahit isang sasakyang dumadaan, at walang ingay na maririnig, ang gilid ay malalaking kahoy na syang pumipigil sa pagpasok nang sikat nang araw. "Mara? asan na tayo?" tanong ko sa kanya habang nakayuko at humihingal, na ang aking dalawang kamay ay nakapatong sa aking dalawang tuhod. Lumingon ako sa kanya dahil wala akong narinig na sagot sa aking mga tanong. Pagtingin ko, nakita ko si Mara na naka upo sa lupa, habang ang kanyang ulo ay nakayuko. Naririnig ko nalang ang malakas na hagulgol ni Mara, na syang dahilan nang aking pagtataka kung bakit sya umiiyak. "Mara? bakit ka umiiyak? may nang yari ba sayo?" tanong ko sa kanya na halata sa aking tono ang pagtataka, at once again wala na naman akong narinig na sagot. "Mara? Bakit? at syaka nasaan naba tayo?" Ulit kong tanong sa kanya na umaasa na marinig ang kanyang tinig, kahit manlang isang salita. Habang akoy nakatitig sa kanya, mga ilang segundo rin ang lumipas nang dahan-dahan nyang iniangat ang kanyang ulo. Nakita ko pa ang kanyang mga luhang panay tulo sa kanyang mga mata. Akoy nalungkot nang aking masilayan ang kanyang mukang puno nang kalungkotan, At sya'y tinanong ulit kung bakit, sya umiiyak at kung bakit nandito kami sa lugar na sa aking isipan ay pamilyar, ngunit bakit hindi ko matandaan. Sa aking mga tanong narinig ko rin ang kanyang sagot. "hindi mo alam kung nasaan tayo?" Tanong nya sa akin habang ang mga luha sa kanyang mga mata ay tumutulo nang walang tigil. "ah, nasaan na ba tayo?" tanong ko sa kanya sa mahinang boses para hindi na lumala ang kanyang pag-iyak. "Hindi mo na matandaan?" Wika ni Mara sa patanong na boses. "pasensya na, maaari mo bang sabihin kung nasaan na tayo? Mara" bigkas ko habang nakatingin sa nakakaawang muka ni Mara at mga luhang umaagos sa kanyang mga mata. "Ang lugar na ito" Bigkas nya sa mahinang boses habang dahan-dahan syang tumitingin sa aking mga mata. "Ay ang lugar kung saan ako namatay" Wika ni Mara sa mahinang boses, kasabay nang kanyang pagbigkas ay ang malakas na ihip na hangin na sa akin ay humahampas. Tumingin ako sa kanya at dun ko lang napansin na ang kanyang muka ay napupuno pala nang dugo. Wala akong masabi, hindi ako makagalaw sa aking kinatatayoan, dun ko lang naalala ang nangyari. Gumising ako sa aking pagkakatulog, at umupo sa aking kama, habang ako ay humihingal dahil sa bangongot na iyon. Hindi ako pinapatulog nang bangongot na yon, kitang-kita na sa aking muka ang puyat at malalaking eye bags. Sa tuwing binabangongot ako nang ganon, naaalala ko ang trahedyang, isang buwan na ang nakalipas. "Nag resigned ka raw sa trabaho?" Tanong ni Mara sa akin, na nakatayo sa aking harapan. "O, ano ngayon? Tumabi ka nga dyan! hindi ko makita ang pinapanood ko" Bigkas ko habang nakahiga sa malambot na sofa at nanonood nang telebesyon. "Ganyan ba ang gusto mong buhay? Yung humihilata na lang?" tanong ni Mara sa akin. "Oo, bakit ano bang gusto mo? tumabi ka nga!" malakas na sigaw ko sa tahimik na gabi "Nagbago ka na Vance, hindi na ikaw yung dating nakilala kong Vance na nakangiti." Wika ni Mara sa mahinang boses habang dahan-dahang tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata. "Ano bang gusto mo? Mara?" maghiwalay nalang kaya tayo? bigkas ko sa kanya habang nakahilata sa malalambot na sofa, na kitang kita sa aking muka ang galit at inis. "Kung yan ang gusto mo" bigkas nya sa mahinang boses kasabay nito ang malakas na kulog sa tahimik na gabi. Isa-isa nyang kinuha ang kanyang mga gamit, at hindi katagalan ay lumakad na sya palabas nang bahay. "Aalis na ako Vance" wika nya sa mahinang boses na halata sa tono na sya'y umiiyak parin. "Umalis kana, wag kanang magpapakita sa akin at wag kanang babalik" wika ko habang nanonood nang telebesyon Narinig ko ang mahinang pagsarado nya nang pinto nang bahay, pagkatapos sya ay lumabas. Habang tumatakbo si Mara palabas, ang mga luha sa kanyang mga mata, ay patuloy parin sa pag-agos. Mga ilang minuto rin ang lumipas isang malakas na tunog ang narinig ko sa hindi kalayoan. Bumangon ako at lumabas nang bahay, at tiningnan ang madilim na kalsadang hinding kalayoan sa aming bahay. Nakita ko pang isang malaking truck ang mabilis na humarurot pa alis. At aking nakita ang isang taong nakahiga sa kalsada, agad akong lumapit papunta rito. At aking nasilayan ang muka ni Mara na puno nang dugo. Hindi ako makagalaw, puno nang takot ang aking muka. Ilang minuto rin siguro ang lumipas, pagkatapos sya'y aking nilapitan at niyakap. Pagsisi at lumbay ang naramdaman ko nung gabing iyon, umiyak ako nang umiyak habang yakap-yakap ang bangkay ni Mara, tumingin ako sa kanyang dugoang muka at nakita ang luha na tumutulo parin sa kanyang mata. Hindi ko alam ang aking gagawin. Napansin kong meron syang yakap-yakap na bagay, dahan-dahan ko itong kinuha sa kanyang mga kamay, at nakita ang litrato naming dalawa na magkasama at nakangiti. Umiyak ako habang iniisip, na kahit sa huling sandali nang kanyang buhay, hindi nya parin binitawan ang aming larawan. Kasabay nito ang malakas na ulan, na parang nakikiramay sa aking nararamdaman. Humagolgol ako nang malakas nang gabing iyon at talagang akoy nagsisi sa aking nagawa. Hindi ko kayang kalimutan ang trahedyang yun, habang ako ay nakaupo sa aking malambot na kama. Nagsisi at iniisip na sana'y bigyan pa ako nang isang pagkakataong makita si Mara, para humingi nang sorry sa aking nagawa. Hindi pala totoong walang kwenta ang buhay, ako lang siguro ang walang kwenta. Tanging kapakanan ko lang ang iniisip ko. Hindi ko nakikita ang halaga nang isang tao. Nabatid ko lang ito, pag-katapos nitong maglaho. Ako'y nagsisi sa aking nagawa, habang akoy nakatulala sa magulo at madilim kong kwarto. Akoy nakatitig sa kisame at hinihiling na sana'y bumalik ako sa oras nung hindi pa nangyari ang trahedya. Habang ang aking mga luha ay tumutulo sa aking mga mata. Sa aking isipan ang muka lang ni Mara ang tanging tinitingala. Kung maibabalik ko lang ang oras sisiguradohin kong hindi kana iiyak pa Mara. Kung maibabalik ko lang ang oras sisiguradohin kong mamahalin kita nang sobra. Wika nang aking isipan habang dahan-dahang pinipikit ang aking mga mata, at iniisip na kung "MAIBABALIK KO LANG ANG ORAS" babagohin ko ang nakatakdang mangyari. At ang aking mga mata ay akin nang isinara, kasabay nito ang pagtulo nang aking luha at ako'y humiga na ulit sa luma at malambot kong kama.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.3K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.2K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.8K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook