THE LOST PRINCESS

1065 Words
"Vance?! Vance?! natutulog kana naman!" pamilyar na tinig ang aking naririnig, iminulat ko ang aking mga mata at aking nakita, ang matanda at kalbo kong guro nung ako'y nasa koleheyo pa lamang, kitang-kita ko ang galit sa kanyang muka. Tumingin ako sa paligid at nakita, ang mga pamilyar na muka na nakatingin sa akin. Doon ko lang nabatid na mga kaklase ko pala ito noong akoy nasa kolehiyo, anong klaseng panaginip ito, parang totoo. "Hoi! Vance!" sigaw nang aking guro habang nakatingin lang sa akin at kitang kita ko ang galit sa kanyang muka "Bro! Nangyayari sayo?" bigkas nang kaklase ko sa aking likuran Nilingon ko ito at nakita ang muka ni Mark, kaibigan ko nung kolehiyo. "Ahahahahahahaha! anong klaseng panaginip ito napaka detalyado" bigkas ko nang malakas sabay tawa "Hoi! sumisigaw kapa?!" Bigkas nang kalbo naming guro sa harapan, nakita ko pa ang mga kaklase ko sa akin ay nagtitinginan "Bro! anong ginagawa mo?" tanong ni Mark sa aking likuran sa mahinang boses kitang kita ko ang pagtataka sa kanyang muka "Vance! sumunod ka sakin!" pasigaw na bigkas nang kalbo naming guro, at sya'y naunang lumakad palabas nang classroom. Wala akong idea sa nangyayari, tumayo ako at sumunod nalang. Lumabas na ako nang aming silid-aralan, at nakita ang aking guro na pumasok sa opisina nang principal. Sumunod ako sa kanya, bago paman ako makapasok nakita ko ang principal at ang kalbo kong guro na nag-uusap. Pumasok ako at sinarado ang pinto. "O, bakit ka naman sumigaw sa gitna nang klase?, Vance." tanong nang principal sa akin habang ang kanyang kamay ay nakapatong sa lamisa. Hindi ako sumagot, wala namang dapat sagutin sapagkat isa lang naman itong panaginip. "O, sige palalampasin ko ito, pero pag nangyari pa ito ulit, alam mo na." wika nang principal sa hindi kalakasang boses Matapos yun, ako'y bumalik na sa classroom, pagpasok ko nakita ko pa ang mga kaklase kong nag-titinginan. Lumakad ako papunta sa aking upuan at umupo. "Bro?! nyari sayo?" tanong ni Mark sa aking likuran at sya'y tumayo at umupo sa aking tabi. Tiningnan ako ni Mark at kitang-kita ko ang pagtataka sa kanyang muka. "Bro?! ba't ang tahimik mo ngayon?" tanong ni Mark sa akin habang naka-upo at ang kanyang siko ay nakapatong sa lamisa at ang kanyang ulo sa kanyang palad nakasandal. Hindi ko na ulit ito pinansin, dahil para sa akin para akong baliw na nagpapatansya. At gumagawa nang himala sa panaginip, ako'y nakatingin lang sa labas nang bintana nang classroom at tinatanaw ang madalim na mga ulap. "Bro" bigkas ni Mark sabay hampas sa aking ulo "Aray" wika ko dahil sa sakit nang kanyang ginawa. "Kanina ka pa ah" Wika ni Mark na kitang kita ang inis sa kanyang muka dahil kanina ko pa ito hindi sinasagot. Lumaki ang aking mga mata, nang aking mabatid kung bakit pati sa panaginip ang salitang "sakit" sa akin ay hindi parin umaalis. Pwera nalng kung hindi ito panaginip, imposebleng panaginip ito!? Agad akong humarap kay Mark, at sya'y agad na tumakbo na akalain mo'y nakakita nang multo. "Hoi, halika ka dito!" bigkas ko sa kanya habang sya'y patuloy na lumalayo sa akin. "gaganti ka lang sa akin, eh" wika nya na nag-aakalang gaganti ako sa ginawa nya. "May-itatanong lang ako!" Wika ko sa malakas na boses dahil wala naman nang mga tao dito sa Classroom dahil nagsikainan na. Lumapit si Mark sa akin at tinanong ko sya kung anong taon na ba ngayon. Umupo sya sa aking harapan, at sinagot nya ang tanong ko na kitang kita ang pagtataka sa kanyang muka, " Ano kaba Bro! 2013 na tayo ngayon" bigkas nya kasabay nito ang kanyang pagtayo at sinabing "Kain nalang tayo, baka gutom lang yan" sabay labas nang pintoan nang room. Ako'y nababalisa parin, nagtataka sa mga nangyayari, totoo bang nasa 2013 pa ako? papano nang-yari to? ang dami kong tanong na hindi ko alam ang sagot. Ang aking ulo ay aking inilabas sa bintana nang room at tiningnan ang ibaba, nakita ko ang mga estudyanteng naglalakad at ngumingiti. Ako'y tumingin-tingin sa paligid at aking nasilayan, ang magandang dalagang nagbabasa nang libro sa ilalim nang puno nang kahoy at yun si Mara. bumilis ang t***k nang aking puso nang mga oras na iyon. Wala na akong pake kung panaginip ba ito o reyalidad agad akong lumabas at bumaba nang malaking eskwelahan na ito. Tumakbo ako papunta sa kanya, habang ako'y palapit binagalan ko ang aking paglakad. "Mara!" Sigaw ko sa kanya at sya'y aking nilapitan at niyakap. "ah, anong ginagawa mo?" tanong nya sa akin habang sya'y walang idea kung ano ang aking ginagawa, dun ko lang natandaan na hindi pa pala ako kilala ni Mara, nung kami ay nasa kolehiyo pa lamang. Binitawan ko sya at ang aking kaliwang tuhod ay aking iniluhod at sinabi " Bini-bini hayaan mong ako'y magpakilala, ako si Vance estudyanteng walang gana sa eskwela" "Ako'y namangha sa angkin mong ganda, Ngayon ko lang nalaman na may isang kolehiyala na ang alindog ay maihahambing sa dyosa." sabi ko sa kanya habang dahan-dahang ini-angat ang aking ulo, na seryuso ang muka. "Ah, s-salamat pero bakit kaba nandito?" tanong ni Mara sa akin sa pautal-utal na pagsasalita, kitang-kita ko pa ang pagpula nang kanyang muka. "Ako'y naparito, para sabihin sa iyo na humihighi ako nang patawad sa nagawa ko." wika ko at nakita ko sa kanyang muka ang pagtataka "A-ano bang pinagsasabi mo?" tanong nya sa akin sa pautal-utal nyang bigkas Nakalimutan kong hindi pa pala alam ni Mara ang nangyari, nasayang lang yung magandang linya ko. Akoy nag-salita muli at sinabi ang gustong sabihin nang aking puso. "Mara, walang oras na hindi kita maalala" "Sa gabi ako'y natutulala, iniisip ang maganda at malalambot mong mga labi" "At ako'y..................." hindi paman ako nakatapos nang pagsasalita, ay sinampal ako ni Mara at kanyang sinabi "Manyak" at syaka sya'y umalis at kinuha ang kanyang librong nahulog sa lupa. Aking hinawakan ang aking pisngi na namumula. May mali ba sa sinabi ko? tanong ko sa aking sarili habang nakatulala at nakaharap sa malaking puno nang kahoy. Hindi bali na, ang kanyang sampal ay hindi pa sapat sa mga pasakit na aking nagawa sa kanya. Hindi ako susuko, at kung totoo ngang bumalik ako sa nakaraan, ibig sabihin lang nyan mababago ko pa ang nakatakdang mangyari. Ako'y tumayo na at si Mara ay aking sinundan, hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataong sya'y akin muling nasilayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD