KNIGHT WHO WANT TO BE A PRINCE

1353 Words
Akin nang sinundan si Mara, at kitang-kita ko pang lumilingon sya sa likuran. Tinatawag ko sya nang tinatawag. "Mara! Mara!" sa pagsunod ko sa kanya nakarating kami sa loob nang paaralan. Kasabay nito ang pag-tunog nang bell, hudyat na magsisimula nang muli ang klase. Huli ko syang nasilayan na papasok na sa kanyang silid-aralan. Nakita ko pa na lumingon sya sa akin, Ako'y huminto na sa pagsunod, hindi ko pa nasasabi pero si Mara ay isang matalinong estudyante. Palagi siyang top 1 sa klase, ewan ko ba kung bakit nahulog sya sa katulad kong lalaki. Pero iibahin ko na ngayon, akoy magsisikap at bibigyan ko nang magandang buhay si Mara. Ako'y naglakad na papunta sa aking silid-aralan, nakita ko pa na wala pang guro ang nagtuturo. Pumasok na ako at nakita ang mga kaklase kong busy sa pagbabasa nang libro. Ako'y umupo na at kinuha ang librong sa aking bag. Akin itong binuksan, dahil ang mga nakasulat rito ay gusto kong matutunan. "Bro, himala nagbabasa kana ngayon nang libro" bigkas ni Mark sa aking likuran habang sya ay nagbabasa rin nang libro. "Wag kang maingay, hindi ako maka focus" Wika ko habang titig na titig sa binabasa kong libro "Wow, Bro, nung dati nga ikaw yung nagdidistract sa akin" wika nya habang takang-taka ang muka "Ah, Bro! sinong susunod na guro ang papasok" nilingon ko sya at tinanong at pagkatapos itinuloy ko ang pagbabasa nang libro. "Si Mrs. Andalez" bigkas nya habang ang mga mata ay nasa librong kanyang binabasa. Si Mrs. Andalez, yung matanda naming guro sa siyensya. Ako'y napapatanong, bakit karamihan nang guro sa kolehiyo ay matatanda na? Maka lipas ang ilang minuto nang pagbabasa, isang magandang kolehiyala ang pumasok sa pintoan nang aming silid-aralan. Siya ay nagwika at sinabing" Hindi makakapasok si Mrs. Andalez ngayon, ngunit inatasan nya akong bantayan kayo, at wag kayong mag-alala dahil meron syang pinadalang gawain para sa inyo." Wika nang mgandang binibini sa harap, at ang babaeng iyon ay si Mara ang iniibig kong dalaga. Hindi katagalan nagpakilala si Mara sa aming lahat at kanyang isinulat sa pisara ang mga tanong sa librong kanina ay aming binabasa. "Sinong gustong sumagot sa unang tanong?" Tanong ni Mara habang lumilingon kung meron bang gustong sumagot. Itinaas ko ang aking kamay at sinabing" Ako! Ako! Bini-bini gusto kong sagutin ang unang tanong" Habang ang aking kamay ay aking itinataas Nakita nya ang aking muka, at nakita ko ang pagpula nang kanyang pisngi. "O- o sige ikaw" pautal nyang wika sa harapan habang nahihiyang tumingin sa akin. "bini-bini maaari mo bang?, basahin para sa akin ang unang katanongan" Wika ko habang nakatayo sa aking pwesto "O-o, s-sige" pautal nyang wika sa hindi kalakasang boses "Question 1: What is a natural compound that gives the plant its green color?" pagbasa ni Mara at pagkatapos tumingin sa akin Agad akong ngumiti at sumagot "Chlorophyll" hayaan mong ipaliwanag ko pa nang mabuti ang functions nito" " The green pigment called chlorophyll is found in the chloroplasts, which are where photosynthesis takes place. Chlorophyll's job is to absorb solar light energy and transform carbon dioxide and water into glucose and oxygen.” Nakita ko ang pagnganga nang bibig nang mga kakalse ko, dahil for the first time I'd answer it correctly. Hindi paman ko umuupo, bumigkas ako nang huling salita, "Mara, katulad nang Chlorophyll binigyan mo nang kulay ang madilim kong mundo, ikaw ang nagbigay sakin nang dahilan upang mabuhay sa mundong puno nang problema at lumbay" Wika ko kasabay nito ang pagtinginan nang mga kaklase ko sa akin at kitang-kita ko ang pagpula nang muka ni Mara sobrang cute tingnan parang kamatis. "T-tama ka, maaari ka nang umupo." Wika nya sa pautal na boses at tumalikod Ako'y umupo na sa aking upuan. "Bro, ano yun?" bigkas ni Mark sa aking likuran nilingon ko lang ito at sinabing "Ayos ba?" Tanong ko sa kanya at binalin ulit ang tingin sa magandang dalaga sa harapan Mga hindi katagalan at ang lahat nang aking mga kaklase ay isa-isa nang nagsiuwian, nakita ko si Mara na nagliligpit nang kanyang gamit. "Bro! tara uwi na tayo" Bigkas ni Mark habang naghihintay sa akin "Sige, Bro! mauna kana" Sabi ko sa kanya at agad naman itong naunang lumakad Ibinalin ko ulit ang aking tingin sa isang, kolehiyalang nagliligpit nang kanyang mga gamit. Sya'y aking nilapitan at sinabing " meron kabang kasama sa pag-uwi Mara?" Tanong ko sa kanya at sya'y tumingin sa akin kitang-kita ko parin ang pula nang kanyang pisngi "W-wala," bigkas nya habang nagapapsok nang gamit sa kanyang bag "Ayos! kung ganon, maaari ba kitang maihatid sa iyong palasyo aking kamahalan." wika ko habang nakatayo at nakatitig sa kanyang mga mata "P-pwede namang wag na, baka may importante kapang gagawin" wika nya sa pautal na boses habang ang mga pisngi nya ay kasing pula nang mga kamatis Ako'y muling nagsalita at sinabing" Para sa akin, wala nang ibang bagay na mas importante pa kaysa sayo aking prinsesa" wika ko sa maangas na boses habang ang mga kamay ay nasa aking dib-dib at nakayuko ang ulo "A- sige kung ganon, pwede naman" wika ni Mara sa aking harapan "Salamat, hayaan mong dalhin ko ang iyong mga kagamitan." bigkas ko sabay kuha nang kanyang bag, bweset hindi ko inaasahang ang bigat pala nito. Napakurot nalang ang noo ko dahil sa bigat, "Ayos ka lang ba" wika ni Mara habang sabay kaming lumalakad palabas nang paaralan "Ayos lang ako, aking bini-bini" Wika ko habang nangangalay na sa bigat nang bag, Paano nya nagagawang buhatin ang mga bagay na ito, sobrang bigat. Nakalabas na kami sa gate at kaming dalawa ay sabay na naglalakad patungo sa kanila, sobrang tahimik nang gabi may mga ilaw naman ang dinadaanan naming kalsada. "A-ano nga ulit yung pangalan mo?" tanong ni Mara sa akin sa pautal na bigkas halatang kinakabahan sya sa tuwing kinakausap ako "Bini-bini ulit kong sasabihin ang aking pangalan, ako si Vance ang kabalyerong gustong maging prinsipe nang buhay mo." wika ko sa kanya habang kaming dalawa ay naglalakad sa madilim at tahimik na gabi "At aking bini-bini, pwede bang wag kanang mauutal pag nagsasalita ka, ako'y hindi isang multo at hamak lamang na tao." sabi ko sa kanya habang binubuhat ang mabigat na bag Mga ilang minuto rin siguro ang tumagal, nang makarating kami sa tapat nang kanilang bahay " A, salamat sa paghatid" Wika ni Mara, habang kami ay nakatayo pa sa labas nang kanilang gate ay lumabas ang kanyang ama. Ang ama nya ang nagbukas nang gate, at ang kanyang ina ay naghihintay lang sa tapat nang kanilang pintoan, malaki ang bahay nila Mara. "Mara, ang lalaking ito ba ay iyong kasintahan" tanong nang ama ni Mara habang nakatingin sa akin Inilapag ko ang gamit sa aking kinatatayoan, at ako'y nakipagkamay sa ama ni Mara "Ako nga po pala si Vance" bigkas ko sabay abot nang aking kamay sa kanyang ama. Tumingin sa akin ang ama ni Mara syaka kinuha ang aking kamay at nakipagkamay. "Maaari ko bang malaman kong anong relasyon mo sa anak ko?" Tanong nang ama ni Mara habang nakangiti Tumingin lang si Mara sa akin at tiningnan ko rin ito tapos ibinalin ulit ang tingin sa kanyang ama "Ako po ay isang hamak na estudyanteng umiibig sa inyong anak" bigkas ko sabay tingin sa ama ni Mara Ngumiti ang ama ni Mara at sinabing "gusto ko ang mga katulad mo, ganyang-ganyan ako nung kabataan ko." wika nang ama ni Mara sabay kuha nang gamit na kanina ay aking binubuhat, Hindi rin katagalan at nakipagkamay ako sa ina ni Mara, ako'y nagpakilala at aking kinatuwa na hindi parin nagbabago ang kanilang ugali, mabait at masayahin. Nag-paalam na ako sa kanila para umuwi na, dahil siguradong hinihintay na ako nang aking lola "Salamat po" Wika ko sabay kaway sa kanila at kasabay nito ang pagsarado nila nang kanilang gate, sa wakas nasilayan kong muli ang ngiti ni Mara na matagal ko nang gustong makita. Sobrang gaan nang pakiramdam ko, ang sarap sa pakiramdam pag nailabas mo yung nararamdaman mo. Ako'y naglakad na pauwi, sa madilim at tahimik na gabi. At tanging kuliglig lamang ang iyong maririnig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD