Sa totoo lang hindi ko na masyadong maalala ang muka ng aking lola.
Bago paman ako makarating, tanaw ko na si lola na nakaupo sa lumang upuan.
Halatang hinihintay nya ako, kasi ako lang naman ang nag-iisa nyang apo.
Tumakbo ako papunta kay lola at sya'y aking niyakap, kitang kita ko pa ang ngiti sa kanyang muka.
"Lola, pasok po tayo sa loob, malamig po kasi dito sa labas" wika ko at agad namang tumayo si lola at sinamahan ako papasok nang bahay
Simple lang ang bahay namin, gawa sa kahoy, napapalibutan nang tanim at mga makukulay na bulaklak "Apo, nakahanda na yung pagkain sa lamisa" wika nang aking lola at sya'y tumingin sa akin
"Lola, ikaw ba kumain na?" tanong ko sa kanya habang papaupo na sa kawayan naming sahig, at ang pagkain ay nakapatong sa maliit at maiksing lamisa
"Tapos na akong kumain, apo" wika sa akin ni lola bago paman ito umupo sa upuang gawa sa kahoy at nagsimulang mag -gansilyo, yun nalang ang ginagawang libangan nang aking lola
Mga ilang minuto pa at ako'y natapos nang kumain niligpit ko ang aking pinag-kainan at pagkatapos ay pumasok na sa aking kwarto upang matulog.
Ako ngayoy nakahiga sa kama, at iniisip ko ang mga nangyari ngayong araw.
Sobrang bilis nang pangyayari, hindi parin ako makapaniwala na bumalik ako sa nakaraan.
Hindi ko na gagawing muli ang aking mga kamalian, nung dati kasi ako'y isang pasaway na estudyante.
Sa pagkakataong ito hindi ko na paiiyakin si Mara, sisiguradohin ko na ang ngiti sa kanya muka ay hindi na mawawala pa.
Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata, kasabay nito ang mahimbing na pagtulog ni lola, sa tahimik at madilim na gabi.
Ako'y biglang gumising nang aking marinig ang boses ni lola, na tinatawag ang aking pangalan, pagmulat nang aking mga mata umaga na pala.
Agad akong bumangon at binuksan ang kurtinang nakatakip sa bintana.
Bumungad sa akin ang sinag nang araw kasabay nito ang pagtilaok nang manok, nilanghap ko ang malinis at mabangong simoy nang hangin.
"Apo, maligo kana at may pasok kapa" bigkas ni lola at kanyang binuksan ang pintoan nang aking kwarto.
"gising ka na pala" "maligo kana at baka mahuli kapa sa klase" paalala ni lola sa akin at kanyang sinaradong muli ang pintoan at lumakad papunta sa kusina
Ako'y naligo na at nagbihis, kumain na ako pagkatapos ako'y nagpaalam na kay lola.
Naglakad ako papuntang kalsada naghihintay nang masasakyan, sa hindi rin katagalan nakita kong may paparating nang sasakyan.
Agad akong sumakay rito, mga ilang minuto rin ang lumipas nang makarating ako sa skwelahan, ako'y pumasok na sa gate at meron pang gwardyang nakabantay sa labas.
"Good morning" sabi ko sa gwardya at akin itong nginitian ang sarap pala sa pakiramdam kapag ngumingiti.
Bago paman ako makapasok sa malaking building may tumapik sa aking likuran paglingon ko, si Mark pala halatang hindi naligo hindi basa yung buhok.
"Bro! hindi ka na naman ba naligo?" tanong ko sa kanya habang sabay kaming naglalakad paakyat nang hagdan.
"Napatagal gising ko eh, hayaan mo naligo naman ako nang dalawang beses nung isang araw" wika nya sabay tawa habang nakaakbay sa akin
"Gagong to isang araw pa yun" sabi ko sa kanya at hindi rin katagalan sa aming paglalakad nakita ko si Mara na nagbubuhat nang libro.
"Bro! mauna ka na muna" sabi ko kay Mark
"Bakit bro!?" tanong nya sa akin at tumingin sya sa aming harapan at nakita si Mara na naglalakad na may dala-dalang libro
"Ah, sige sige bro!" sabi nya sa akin sabay bitaw sa pagkaka-akbay, kumaway-kaway pa sya habang naglalakad
Pag-alis nya, agad kong nilapitan si Mara at tinulungan.
"Ako na" wika ko sabay kuha nang dala-dala nitong mga libro.
"Salamat" sabi ni Mara sa akin at ako'y kanyang nginitian
"Walang ano man, aking bini-bini" sabi ko sakanya sabay ngiti
magkasabay kaming naglalakad patungo sa library para isauli ang mga libro, kami ay pumasok na sa library at isa-isang nilagay ang mga libro, habang ako ang nagdadala at si Mara naman ang naglalagay.
Meron namang ibang mga estudyante ang nagbabasa rin nang libro dito sa loob, "O, tapos na" sabi ni Mara sabay tingin sa mga librong nasa maayos na pwesto.
"Tara na" bigkas ni Mara sabay hawak nang aking kamay at sabay kaming naglakad palabas, inihatid ko sya sa tapat nang kanilang silid aralan dahil mas una namin itong nadaanan "Salamat Vance" sabi nya sa akin at ako'y kanyang niyakap "walang ano man" wika ko at sya'y bumitaw na sa pagkakayap bago pa sya pumasok kumaway sya sa akin at ngumiti, ang ganda tignan.
Ako'y lumakad na para pumasok sa aking silid-aralan, bago paman ako makapasok ay nakita ko na wala pang guro.
Naglakad ako patungo sa aking upuan, at nakita ko si Mark na natutulog, agad akong umupo at sya'y aking ginising.
"Bro! Bro!" wika ko sabay tapik-tapik sa kanyang pisngi, gumising rin sya sa hindi katagalan, kita ko pa ang laway sa kanyang bibig na tumutulo sa lamisa.
"Kadiri ang gago" Wika ko kasabay rin nito ay pinahiran nya ang kanyang laway.
"Tagal mo sigurong natulog kagabi? noh?" tanong ko sa kanya habang sya ay mukang inaantok parin
Ngumiti lang sya at sinabing "Night shift ako kagabi eh" wika nya sabay ngiti
Hindi ko alam na may trabaho pala si Mark, kaya pala antok na antok sya,
ngayon ko lang napagtanto na may mas pagod pa pala kaysa sakin.
Pero sa hinaharap si Mark ay naging successful na tao, deserve rin nya iyon napaka sipag nyang tao.
Swerte ako at may kaibigan akong ganito.
"Bro, may pinag-iiponan kaba?" tanong ko sa kanya dahil nagtataka ako kung bakit sobrang hardworking nyang tao.
"Ah, kailangan ko kasi nang pera, para makabayad sa bills nang hospital"
"Kung hindi ko yun mababayaran agad, ay posibleng hindi na nila maasikaso si mama roon" wika nya kasabay nito ang kanyang pagngiti ngunit malungkot ang kanyang mga mata.
"Bro! dapat nagsasabi ka, malay mo may maitutulong ako" sabi ko sa kanya at ako'y kanyang sinagot "Ahaha, ngek ano naman ang maitutulong mo?" tanong nya sa akin
"Wag kang mag-alala, may mga tanim na gulay si lola, pwede natin yung ibenta" sabi ko sa kanya at ako'y kanyang tinawanan "baka ako pa yong mapagalitan nang lola mo, wag nalang" Sabi nya habang tumatawa
"Hindi yun, syaka napakarami nun yung iba nga nabubulok na, mas mabuting pakinabangan nalang yun, kaysa mabulok nalang" sabi ko sa kanya at sya'y aking nginitian.
"O, sige ikaw ang bahala, kaylan ba?" tanong ni Mark sa akin
"Bukas, wala naman tayong pasok bukas eh" sagot ko sa kanya kasabay nito ang boses nang aming guro na pumasok na sa aming silid-aralan.
Nakakatuwa lang isipin, na kahit maraming problema na kinakaharap si Mark ay hindi parin sya sumusuko at patuloy parin sya sa pagngiti.