Marky James's POV
MASYADO kong dinamdam ang pakiusap ni Tanya. Hindi ko kayang magawang hindi siya makita, kahit isang araw pa. 'Di pa rin ako titigil, ipaglalaban ko ang nararamdaman ko para sa kanya. Wala akong pakialam kung magagalit siya sa akin. Ipagtabuyan man niya ako o sigawan, hindi ako patitinag. Mahal ko siya at gagawin ko ang lahat para patunayan at ako naman ang mahalin niya. Hindi si Marky na best friend niya.
Mula 'nong magising ako sa coma ay palagi na siyang nasa isip ko. 'Di ko man siya nakakaharap sa personal. Minahal ko na si Tanya mula sa mga panaginip ko. Sobra akong nasasaktan dahil nahahati ang puso ni Tanya sa akin at sa best friend niyang si Marky.
"Pare, tama na 'yan. Lasing na lasing ka na," saway ni Vincent sa akin. Habang panay ang tungga ko sa bote ng alak. Ni hindi ko pinapakinggan ang mga sinasabi niya. Nasa bar ako ngayon at nagpapakalasing. Ipinagdiriwang ko ang pagkakaroon ng pusong sawi. Nakakatawa talaga. The womanizer, Marky James Lim, nagpapakalunod sa alak dahil sa isang babae.
Gusto kong makalimot. Gusto kong maging manhid. Ano bang mali sa 'kin? Mahirap ba ako magalin? Kaya ganoon si Tanya sa akin. Sobra ang hinanakit ko. Ayokong mawalan ng pag asa dahil hindi ako ganoon na basta na lang susuko. Pero nakakapagod na umasa, kung alam mo na wala namang patutunguhan ang lahat ng ginawa mo. Hindi ka pa rin kayang mahalin ng taong mahal mo. Dahil nakakulong pa siya sa alaala ng dating minamahal.
"Nagsosolo ka, James? Huhulaan ko pa ba kung sino ang dahilan ng paglalasing mo?" mga tanong ni Vincent saka umupo sa tabi ko.
Tumungga muna ako bago ko pabagsak na ibinaba ang bote ng beer.
"Hindi ko siya kayang maging akin. Andoon pa rin ang walanghiyang Marky na 'yon sa puso ni Tanya!" Naiinis ako na kahit anong gawin ko 'di ko mapalitan si Marky sa puso niya. Para akong inutil na isang babae lang ay 'di ko pa magawang mahalin ako. Samantalang, marami d'yang mga babae na gustong gusto ako at halos magkandarapa sa akin sa kahahabol.
Tinapik niya ako sa balikat. "Sumusuko ka na agad. Akala ko ba mahal mo?"
"Mahal ko kaya nga ako naglalasing. Ako, hindi niya kayang mahalin. Dahil mahal pa niya ang Marky na kaibigan niya. Replica lang ako ng Marky niya. Kaya sobrang masakit."
Hindi ko matanggap ang pakiusap ni Tanya sa akin. Nasasaktan siya ng sobra. Kung puwede lang na hindi niya maramdaman ang sakit baka sakali na mahalin din niya ako. Katulad ng pagmamahal na ibinigay niya kay Marky.
Napailing iling ang kaibigan ko sa sinabi ko. "Matulog ka na. Hayaan mo na muna, mahal ka rin 'non. Hindi ka duplicate ni Marky, ikaw talaga si Marky. Kaya sinasayang mo lang ang alak sa lalamunan mo sa pagdadalamhati mo sa kasawian mo."
Napatunghay ako kay Vincent. "Paano mo naman nasabi 'yon?"
"Dahil ikaw si Marky James. At ang isang Marky James ay malakas ang loob. Mataas ang self confidence, hindi kayang pasukuin. Babae lang 'yan. Marami ka pa naman na mahahanap na iba d'yan."
Masama kong tinignan ang kaibigan ko. Hindi ko alam kong matutuwa va ako o maiinis sa mga sinasabi niya. Maganda na sana ang dating sa akin ng mga salita niya pero iyong huli ang 'di ko matanggap. Nasasabi niya lang 'yon dahil hindi pa siya nakakaranas ng totoong pagmamahal. Isa rin si Vincent sa mga kaibigan ko na for fun lang ang hanap. At never nagseryoso sa isang relasyon.
Nagpasya kaming umuwi na lang sa Manila. 'Di na rin magiging masaya ang aming bakasyon. I will give what Tanya wants, and she wants me to stay away from her. Hindi ko na mababago pa ang desisyon niya.
Nasa labas kami ng resort at naghihintay sa mga kasama naming babae. Naghihintay na rin ang sundo namin para ihatid kami sa airport.
Hindi sinasadya na mahagip ng mata ko si Tanya. Wala itong kasama at hila hila ang maleta nito. Gusto ko sana siyang lapitan pero nag aalangan ako.
It really kills me, na nakikita ko siya sa malapit pero hindi ko man lang siya mahawakan. Ang mga panaginip ko na sana hindi na lang totoo. Sana ay coincidence lang lahat ng mga nangyayari.
Pasimple ko siyang tinatanaw mula sa malayo. Mayamaya ay dumarating ang ibang mga kaibigan niya at 'di nila ako napansin nang dumaan sila sa haraparan ko. Tumalikod ako para hindi nila ako makita. Napansin ko na lang na pumasok na sila sa van na service namin.
Ilang sandali pa ang hinintay ko at dumating ang mga kaibigan ko.
"James, sigurado ka bang hindi ka sasabay sa amin pauwi sa Manila?" tanong ni Nickson sa akin.
"Oo, pare. Ikaw na ang bahala sa kanila, lalo na kay Tanya. Pakihatid na rin siya sa bahay nila. Nangako ako kina tita at tito na ako rin ang maghahatid kay Tanya pauwi sa kanila."
Tinapik ako sa balikat ni Vincent. "We will see in Manila, James." Tumango ako at tipid na ngumiti.
Umalis na sila at pumasok na sa van. Habang ako ay naiwan. Sinunsundan ko na lang ng tanaw ang papalayong van, sakay ang kaibigan ko at sina Tanya. Pumarada naman ang kotse na maghahatid sa akin sa airport. Naka-private plane ako pauwi sa Manila. Sinadya ko na magpaiwan na lamang muna. At mauuna rin na makakarating sa Manila.
After ng halos trenta minutos na biyahe ay narating ko rin ang Manila. Andito na ako ngayon sa opisina ko. Dumiretso ako rito sakay ng helicopter.
"Alex, puwede ka bang magpapunta ng kahit na sino sa condo ko mamaya?" bungad kong sabi sa selretaryo ng kaibigan kong si Peter. Tinawagan ko ito, gusto ko lang makalimot kahit sandali.
"Sir James?"
"Yes. And make sure na hindi ito malalaman ng amo mo," sagot ko sa kabilang linya.
"Baka nabibigla lang kayo, sir."
Umiling ako. "Hindi. Sigurado ako. At gusto ko na i-hide mo ang identity ko ss kanya." Bilin ko pa.
"Alright, sir. Mga 12am, andoon na siya sa condo mo."
"Thanks," nawika ko saka pinatay ang tawag.