APAT na araw na silang nasa private resort nina James. Ngunit hindi ganoong kasaya dahil 'di kami nag iimikan ng binata. 'Di pa rin maalis ang mapaisip sa mga nangyayari. Ang hirap ipaliwanag, coincidence lang ba o sadyang nagbalik si Marky para tuparin ang pangako sa kanya.
Hindi iyon lingid sa mga kaibigan namin, ang hindi pagkibuan. Ayaw nilang makialam at usisain kami ukol sa problema. Respeto na lamang sa katahimikan ng kalooban namin ni James.
Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari. Hindi ko alam ang iispin ko at tamang desisyon ang gagawin.
Marky has a bigger place in my heart. Dati ay iisa lang ang laman noon ng puso. Pero, unti unti ay natutunan ko na rin na makita ang totoong Marky James Lim na kakikilala ko pa lang.
"What are you doing here, Tanya? Masyado ng malamig dito sa labas. Baka magkasakit ka pa," tanong ni Olive. Hindi ko napansin na nakalapit na pala ito sa akin.
Nagpasya kasi akong lumabas ng kuwarto namin at maglakad lakad mag isa sa tabing dagat. Nang mapagod ang aking mga paa'y naupo ako sa buhangin at nakatingin sa dagat na tanging munting mga ilaw galing sa bangka ang aking natatanaw.
"Nagpapahangin lang at nag iisip isip pa rin. Hanggang ngayon parang hindi ko kayang paniwalaan ang nangyayari. 'Yong sa amin ni Marky at si James."
Naupo si Olive sa tabi ko.
"Ano ba ang nararamdaman mo para kau James?" tanong niya.
"Hindi ko pa rin alam. Nahahati kasi ako, kung si Marky ba o di James?"
Mahirap mamili sa dalawang taong may espesyal na puwang sa puso ko. Nagtatalo ang isip at damdamin ko sa kanilang dalawa. Isang minahal ko simula pa noong nasa elementary ako at si James, sumisibol sa puso ang pagtingin para rito.
"Si Marky ay six years ng patay, Tanya. Set yourself free from the past and let him go. Move on ka na dapat sa anim na taon ang dumaan. Huwag mo ng pabuhayin ang patay. 'Di na babalik si Marky sa'yo at si James ang nariyan. Mahal ka 'nong tao."
"Pero bahagi pa rin ng buhay ko si Marky. One great love ko siya."
"Magpasalamat ka na lang na nagtagpo kayo at nagkakilala. Pero hanggang doon na lang 'yon. Kasi si Marky ay 'di na kailanman babalik sa mundo nating mga buhay. Pinaku-komplikado mo lang ang lahat. Pero ang simple ng problema mo. Mahal mo rin si James, 'di mo lang 'yon maamin sa sarili mo."
Dumaloy ang masaganang luha sa mata ko. "Ang hirap lang. Bakit niya binawi agad sa akin si Marky? Wala naman akong ginagawang masama sa ibang tao. Naging mabuti ako. Kulang pa ba lahat ng 'yon para hindi niya kunin sa akin si Marky?" Panaghoy ko. Isinisigaw pa rin siya ng puso ko. Gusto kong magwala, kahit na anim na taon na ang nakakaraan. Sariwa pa rin sa akin. Sariwang sariwa kung paano ko siya minahal 'non.
Hinagod ni Olive ang aking likod. "Sorry sa mga nasabi ko. Alam ko na mahal mo pa rin si Marky. Pero mas masasaktan ka kung patuloy mong iispin na babalik siya at tutuparin ang pangako niya. Dahil ang buhay natin ay iisa lang. Tanggapin mo si James sa buhay mo, Tanya. Hindi pa naman huli ang lahat para maging masaya ka."
Dapat ko na ba talagang kalimutan si Marky?
Napalingon ako sa kaibigan ko. Matiim ko siyang tinitigan. "Sa tingin mo, mahal ba talaga ako ni James?"
"Hindi lang sa tingin, ramdam na ramdam namin. Ikaw lang 'tong hindi siya napapansin kasi ang utak mo naka-sentro pa rin kay Marky. Pati ata ang mata mo. Tatanda kang dalaga sa ginagawa mo."
Hindi naman problema ang tumandang mag isa. Hindi natatakot na tumandang dalaga. Nakaya ko nga mamuhay na wala ang parents ko. Sa si Marky lang ang tanging lalaking minahal ko at minamahal pa ron hanggang ngayon.
Napabuntong hininga ako. Muli kong itinuon ang aking mga mata sa mga munting ilaw mula sa malayo.
"Pag isipan mong maigi ang desisyon mo. Kung wala ka talagang nararamdaman para kay James ay 'wag mo na siyang paasahin. Mabuting lalaki si James, nakikita namin. Buti pa kami dilat na dilat ang mga mata. Sige na. Babalik na ako sa kuwarto natin. Pagkatapos mong magmuni muni, matulog ka na," litanya ni Olive saka tumayo. Tumango ako rito at pilit na ngumiti.
Naiwan ako mag isa. Nanuot ang lamig sa aking katawan. At niyakap ko na lang ang sarili. Nakalimutan kong kumuha ng jacket bago pumunta sa labas.
Napasinghap ako dahil may naglahay ng jacket sa akin. Tinunghay ko ito. Mukha ni James ang nakita ko.
"Kanina pa ako naghahanap sa'yo. Kung hindi ko pa nasalubong si Olive, hindi ko malalaman na andito ka lang sa labas." Wika nito.
Nagbaba ako ng tingin. Hindi kumibo. Nramdaman ko na tumabi ito sa akin.
"Natahimik ka na. Masama pa rin ang loob mo sa akin, di ba? Tanya, inamin ko sa'yo na nakikita kita sa mga panaginip ko. Pero hindi ibig sabihin 'non, ako na si Marky na best friend mo. Hindi ko mapapalitan si Marky sa puso mo. Pero subukan mo aakong mahalin. Kaya kong higitan ang pagmamahal niya sa'yo."
Wala nang hihigit sa pagmamahal na ibinigay ni Marky sa akin. Hindi nito mapapantayan kahit ano pa ang gawin ni James.
"Sana ga'non lang 'yon kadali. Kakalimutan ko si Marky tapos sasagutin kita. Hindi mo ba naiintindihan na nahihirapan ako! Gusto kong matahimik ang mundo ko. Ayoko kitang makita muna, James. Hangga't 'di ko pa kayang tumbasan ang ino-offer mong pagmamahal."
Napabaling bigls sa akin si James. 'Di niya sukat akalain na bibitawan ko 'yon. Gusto kong tumahimik ang mundo ko, hindi mangyayari hangga't nagkikita kami ni James. Mas maganda na muna ito. Kanya kanya kami.
"Hindi ko ata kaya ang gusto mong mangyari. Parang sinabi mo na dapat n akong lagutan ng hininga. Puwede bang iba na lang ang hilingin mo sa akin. Iyong makakayanan ko, Tanya. 'Wag iyon na hindi ko alam kung pano gawing madali na 'di ba muling nakipagkita sayo."