Chapter 10

1520 Words
PAGKATAPOS naming kumain ay naglakad lakad kami ng mga kaibigan ko sa labas sa may tabi ng dagat. Malamig ang simoy ng hangin na parang nanunuot sa buo kong katawan. Nagpasya kaming naupo sa buhangin. Nakaharap kami sa dagat. "Ang tahimik mo, Tanya?" tanong ni Olive sa akin. Napalingon ako sa kanya habang nililipad ang hibla ng buhok ko. "Wala lang. Napanaginipan ko na naman si Marky. Iniisip ko lang ang mga sinabi niya," sagot ko. "Ano bang mga sinabi niya? Nakakakilabot na iyang si Marky. Lagi na lamang nagpaparadam sa panaginip mo," tanong naman ni Ann sa akin. "Sabi niya lagi raw siyang nagbabantay sa akin." Nagtinginan ang mga kaibigan ko. "Naku, ipagdasal na lamang natin si Marky. Parang hindi siya matahimik sa kabilang buhay," komento ni Rachel. "Isa pa, nagising ako na nasa tabi ko na si James," saad ni Tanya. Nagtataka talaga siya. Sinadya ba o coincidence lang ang lahat. "Sabihin mo nga ang totoo. Ano ba kayo ni James?" tuksong tanong ni Ann. Para namang kinilig sina Rachel at Olive. "He said he likes me," kibit balikat na sagot ko. "E, ikaw ba, hindi mo rin ba siya gusto?" tanong ni Olive sa akin. Napaisip ako. "Nice guy naman si James. Pasensiyoso sa akin kahit tinatarayan ko. Saka gentleman," sagot ko. Pero hindi ko sinagot ng diretso ang tanong ni Olive sa akin. Nakita kong napaismid si Rachel. And she rolled her eyes. "Hoy, Olive, ha! Huwag mo nga akong maganyan. Dukutin kong mata mo, e," biro kong sabi na medyo napapangiti. "Hindi mo pa kasi aminin na gusto mo din si James")," bulalas nito sa akin. Ano ba talagang nararamdaman ko para kay James? Ayoko ng mag isip. Nakakapagod na. Hindi na nga ako pinatatahimik ng mga panaginip ko kay Marky. Pati ba naman si James ay magiging palaisipan pa sa akin. At magpapagulo ng puso't isipan ko. "Wala akong aaminin dahil wala naman akong gusto kay James," mariing tanggi ko. Para namang hindi kumbinsido ang mga kaibigan ko sa sagot ko. "Alam mo, Tanya. Huwag mong ikulong ang sarili mo kay Marky. Anim na taon ng patay si Marky. At si James, buhay siya. Si James na ang andito para sayo," ani Rachel. Masyado ko nga bang ikinulong ang sarili ko sa taong hindi na kailanman babalik? Hindi naman ako umaasa na babalik pa si Marky. Pero gusto ko lang makalimot bago ko ituon ang atensyon ko sa ibang lalaki. "Alam mo ang labo mo, Tanya. Huwag mong sabihing hanggang ngayon hindi kapa nakakamove on kay Marky. Ang tagal nang patay yun. Siguro magiging masaya si Marky kapag nakita ka niyang masaya," sabi naman ni Ann. Tiningnan ko sila at saka yumuko. Gusto kong itago ang sakit na nararamdaman ko pa din hanggang ngayon. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. "Tanya, huwag ka nang umiyak. Gusto lang namin na magising ka na. Hindi mo kasalanan kung bakit nawala si Marky. Kaya hindi mo kailangang magluksa ng mahabang panahon. Cheer up! Gusto ka naming maging masaya. Kaya sana pag bigyan mo si James," sabi naman ni Olive. Umupo ito sa tabi ko para yakapin ako. Kumalas ako sa pagkakayakap ni Olive At pinunasan ang mga luha ko sa aking mga mata. "Susubukan ko. Pero hindi ako mangangako na masusuklian ko ang pagtingin ni James sa akin," pagpayag ko na din na bigyan ng chance si James. Ngumiti sila. Alam ko naman na kapakanan ko lang ang iniisip ng mga kaibigan ko. "Okay lang atleast you try. Ang gusto namin ay makalimutan mo na si Marky. Mabuhay kana, Tanya," bulalas ni Rachel sa akin. Napalingon kami sa likod namin ng may tumikhim. "Nakakaistorbo ba ako sa inyo?" tanong ni James sa amin. "No. Tamang tama nga ang dating mo. May makakasama na si Tanya dito sa labas. Papasok na kasi kami sa loob ng bahay. Di ba, girls?" tanong ni Rachel kina Ann at Olive. Pinandilatan ko naman si Rachel ng mata. "Ah, oo nga. Sige maiwan na namin kayo ni James, Tanya," sabi pa ni Ann. Tumayo na ang tatlo kong mga kaibigan at umalis. Habang si James ay tumabi sa akin na nakaupo pa din sa buhangin. "Ang sarap ng hangin dito sa probinsiya. Napakasariwa at sa gabi ang lamig ng simoy ng hangin" komentong sabi ni James. "Oo nga," pagsang ayon ko. "Tanya, would you mind if I ask you kung anong nangyari sa bestfriend mo?" Napatingin ako kay James dahil sa itinanong niya. Saka muling tumingin sa karagatan. "Namatay siya ng dahil sa akin. Dahil sa pagligtas sa buhay ko." "What a brave man. Kung andoon din ako. I will do the same thing to protect you." "Pero hindi niya kailangang mamatay nang dahil sa akin. Mahal ko si Marky. Siya ang nag iisang lalaking minahal ko sa buong buhay ko," mangiyak ngiyak na sabi ko. "Ang swerte niya kasi minahal mo si Marky. Nakakainsecure na karibal sa puso mo ang isang lalaking wala na dito sa mundo." "Hindi mo dapat iniisip iyan, James. Just give me time to forget. We dont know, maybe I will like you too," pampalubag loob kong sambit sa kanya. Ramdam ko ang lungkot sa kanya. "Kahit na, Tanya. Mahirap makipag kumpitensiya sa taong matagal ng patay. Pero gusto kong umasa na magugustuhan mo rin ako nalang araw," sabi niya saka humarap siya sa akin at hinawakan ang isang kamay ko. "Mahal kita. Mahal na mahal kita. I'll wait na maging tayo kahit na malabo," dagdag niyang sabi na ikinalaki ng aking mga mata. That's the exact words I hear from Marky noon. Yung huling araw na nagkausap kaming dalawa bago siya namatay. "Paki-ulit nga ang sinabi mo." "Ang alin?" "'Yong huling sinabi mo," naiiyak na sagot ko. "I'll wait kahit na malabong maging tayo. I'll be always loving you. Kahit nasaan man ako. Ikaw lang ang babaeng laman ng puso ko," ulit niya. Tuluyan akong lumuha ng marinig ko iyon mula kay James. It was Marky who also said that. "Oh, bakit ka umiiyak?" "Marky, ikaw ba iyan?" tanong ko habang pinupunasan niya ang mga luha ko sa aking mga mata. Pagkatapos ay ngumiti sa akin. "Paano kung sabihin kong ako nga si Marky? Mamahalin mo ba ako bilang si Marky o si James?" Napaisip ako. Hindi ako handa sa itinanong niya. Mahal ko si Marky ang bestfriend ko. Pero paano si Marky James? Ano bang totoong nararamdaman ko para sa kanya? "You don't have to answer. I will tell you a story," sabi niya sa akin at inihilig ang ulo ko sa dibdib niya. "About a boy and a girl. They we're bestfriend since the girl is ten years old. Iniligtas ni boy ang girl sa mga goons. Parang movie di ba? Kaya simula noon minahal na ni girl si boy," napaiyak na naman ako sa ikinuwento niya. Kami iyon ni Marky. "Pero si boy may girlfriend. At nabuntis niya. Inamin ni Girl na mahal niya si boy. Pero sinabi ni boy na hindi sila puwede," patuloy na kwento niya. "Ang sabi niya, 'just close your eyes. At makikita mo ako diyan sa puso mo. Kasi palagi kang nasa puso ko. Do you remember, Tanya?" tanong ni James sa akin. Humarap ako sa kanya na hilam ng luha ang aking mga mata at niyakap siya ng mahigpit. "Nagbalik ka na, Marky. Alam mo ang tagal kong naghintay sayo. Mahal na mahal pa din kita," bulong ko sa kanya. Gumanti siya ng mahigpit na yakap sa akin. Kumalas na si James sa pagkakayajao ko sa kanya. At tumingin sa akin. "Tanya, ako pa rin ito si James. At si Marky matagal na siyang patay. Matagal na kitang nakikita sa mga panaginip ko. Kaya siguro minahal kita. I really didn't love any other girl except you na hindi ko pa nakikita. Natutunan lang kitang mahalin dahil sa mga panaginip ko. But I am not Marky Rodrigo. I'm Marky James Lim." "Pero, Marky promised me that he will comeback. At itutuloy na namin ang naudlot naming pagmamahalan." "Tanya, ang gusto ko mahalin mo ako bilang si James. Hindi bilang si Marky na bestfriend mo," nalungkot ako sa mga sinabi niya. Paano ko pa mamahalin si James kung si Marky ang laman ng puso ko? I want Marky pero si James ang nasa harapan ko ngayon. "I'm sorry, kung iyan ang nararamdaman mo. Pero puwede mo ba akong bigyan ng panahon na makalimutan si Marky?" biglang nag iba ang timpla ng mukha ni James. Alam ko na dismayado siya sa sinabi ko. Masasaktan ko lamang siya kung patuloy ko lang na mamahalin si Marky. Kapag nakikita ko siya. "It's okay. Alam ko naman na may oras talaga para sa ating dalawa. Mahal na mahal pa rin kita. Hindi na iyon magbabago at mawawala dito sa puso ko. At maghihintay ako na dumating ang oras na iyon," tugon niya, sa akin at inihilig ako ulit sa dibdib niya. Habang hawak niya ang kamay ko. Masaya ako na tinupad ni Marky ang pangako niya na babalik siya. Pero sa ibang katauhan. Iyon lamang ay magiging unfair para kay James. Dahil si Marky pa rin ang mahal ko hanggang ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD