NAKARATING na kami ng Siquior. At namangha kami ng mga kaibigan ko sa ganda ng resort na pagmamay ari ng pamilya nina James. Every year kami nuon nagbabakasyon ng buong pamilya ko. Nuong hindi pa ako ang namamahala ng kompanya namin.
Medyo dumalang na lang ng mag simula akong itrain ni Daddy tungkol sa negosyo. Hanggang sa hindi na kami nakakapag bakasyon na isang buong pamilya. Dahil lagi na akong busy sa kompanya namin.
"Wow! Ang ganda naman dito," sabi ni Ann na nasa tabi si Peter. Tinititigan nito ang kaibigan ko habang nakangiti.
Natatawa naman ako dahil doon. Kahit nang binalingan ko si James ay napapailing ng ulo. Habang si Rachel naman ay kasama na ni Vince at si Olive ay kasama si Nickson.
Partner na agad silang tatlong lalaki sa mga tatlong kaibigan ko. At napansin ko si James na napapangiti.
"Mukhang pagbalik namin ng Maynila. E, may mga jowa na ang mga kaibigan ko," natatawang naiisip ko iyon.
Lumapit si James sa receptionist.
"Good afternoon po, Sir Marky," bati ng dalawang babae kay James.
"Kumusta ang resort?" tanong nito na ala boss. Nakatitig naman ang dalawang babae sa Blboss nila. Mukhang pinagpapantasyahan pa nila si James sa mg tingin nila.
Hindi ko sila masisisi dahil gwapo naman talaga si James. At mayaman pa. Iyon lang makulit at hindi ko alam na may pagka-childish din pala ito.
"Okay naman po ang resort. At walang anuman po ang naging problema," sagot ng isang receptionist. At hinawi pa ang buhok nito papunta sa tenga niya.
Napairap ako. Lumalandi na si girl to the highest level.
"Good," cold sabi ni James.
"Sir, na ihanda na po namin ang mga magiging kuwarto ng mga kaibigan mo. Ipapaguide na lang po namin ang mga babae kay Bina. Habang ang mga lalaki po ay kay Thomas," inporma ng pangalawang receptionist.
Dumating naman ang isang pares ng babae at lalaki. At lumapit sa reception ang mga ito.
"Bina, pakihatid na lang ang mga guest ni Sir Marky," utos ng unang receptionist.
"At ikaw, Thomas, sa mga lalaki. Pakihatid na lang sila," utos din nito sa isang lalaking Thomas ang pangalan.
Nilapitan kami ng Bina at iginiya kami papasok sa isang bahay malapit sa resort.
"Ma'am, ito po ang magiging kuwarto niyang apat," sabi nung Bina at binuksan ang pinto ng kuwarto namin.
Pumasok kami sa loob at nakita namin na may dalawang kama doon na parehas king size. Malaki din ang kuwarto at may malaking buit in cabinet.
"Salamat," baling na sabi ko kay Bina.
"Heto po ang susi ng kuwarto. Para kung sakaling lalabas kayo ay may spare key kayong apat," abay abot sa amin tig isa ng mga susi na dala nito.
"Puwede niyo na pong ilagay ang mga gamit niyo sa cabinet. At magpahinga na po muna kayo dahil alam naming pagod pa kayo sa biyahe. Tatawagin na lang po namin kayo sa hapunan," sabi pa ni Bina sa amin.
Pagkapasok namin sa loob ay hinayaan na muna namin ang mga maleta namin at humiga sa kama. Pagod talaga kami sa haba ng biyahe kahit pa nasa Pilipinas lamang kami.
Naipikit ko na ang mga mata ko dahil sa pagod.
Nakita ko si Marky sa isang bahagi ng dalampasigan. Nakangiti itong lumalapit sa akin. Habang ako ay titig na titig sa kanya. Hindi ako makapaniwalang nakikita ko siya ngayon.
"Tanya," tawag nito sa pangalan ko at niyakap ako ng mahigpit.
Napaluha naman ako. Matagal ko ng pinapangarap na mayakap ko ulit si Marky. Sobrang miss na miss ko na siya. Nag uumapaw ang kaligayahan ko ngayon na andito si Marky ngayon sa akin.
Iniharap niya ako sa kanya. At pinunasan ang luha mga luha ko sa aking pisngi gamit ang daliri niya.
"Huwag ka nang umiyak, mahal ko," alo nito sa akin. Pero hindi nakikinig ang mga luha ko. Panay pa din ang pag agos nito sa aking mga mata.
"Sobrang miss na miss kita, Marky. Palagi kong ipinagdadasal na sana makita kita kahti sandali. Mayakap ka at ipadama sayo na mahal na mahal pa din kita."
"Ssshh," saway nito sa akin. At hinawakan ako sa aking mga kamay. Saka iginiya ako na maglakad sa tabi ng dagat.
"Alam mo 'nong inamin mo sa akin na mahal mo ako. Grabe ang pagsisisi ko. Ang dami kong sana pagkatapos 'non," napahinto siya at humarap sa akin.
Kinuha niya ang ilang hibla ng buhok ko na kumawala gawa ng hangin at iniligay iyon sa likod ng tenga ko. Pagkatapos ay hawak niya ang isang bulaklak ng gumamela. Saka inilagay sa tenga ko. Hindi ko alam kung paano napunta iyon sa kamay niya. Pero hindi na ako nagtanong pa kay Marky. Wala akong gustong gawin kundi ang makasama siya.
"Sana hindi ko niligawan si Santi. Sana hindi ko tinuruan ang puso ko na mahalin si Santi. Sana nagkaroon ako ng lakas ng loob para aminin sayo kung gaano kita kamahal," napaiyak na naman ako sa sinasabi niya. Dahil sa alinlangan ay 'di niya nagawa ang mga iyon.
"Mahal ko, gusto kong maging masaya ka na hindi ko nagawa noon para sa'yo. Dahil iba ang itinadhana Niya para sa akin," at itinuro ang langit.
"Hindi ka mawawala sa puso ko. Palagi ka pa din na doon. Hindi ako nagsisisi bagkus masaya ako. Kasi naging matapang ka. Natututo kang tumayo sa mga paa mo. Natututo ka na wala ako," kahit may lungkot sa boses niya ay alam kong masaya pa din siya para sa akin. Dahil sa mga narating ko.
"Mahal na mahal na mahal kita, Tanya. Tandaan mo na andito lang ako sa tabi mo at hindi mawawala," ngumiti siya sa akin.
"Mahal na mahal din kita, Marky," at kinabig siya para mayakap ko ulit. Inihilig ko pa ang ulo ko sa dibdib niya. Si Marky naman ay yakap sa beywang ko.
Kumalas siya sa pagkakayakap ko. At hinawakan ang kamay ko. Saka siya dahan dahan na humakbang papunta sa dagat.
"Marky!" tawag ko sa lalaking mahal ko habang nakikita kong unti unti siyang nawawala sa dagat.
"Marky! Marky!" panay ang tawag ko at iyak.
Napamulat ako sa taong yumuyugyog ng balikat ko. Panay pa din ang pagtulo ng luha ko sa aking mata.
"James," tawag ko sa pangalan niya at niyakap ako ng mahigpit. Gumanti na ako ng yakap sa kanya at umiyak sa, balikat niya.
"Tahan na. Andito na ako," alo nito sa akin. Saka iniharap niya ako sa kanya.
"Okay lang kahit hindi ka pa handang ikuwento sa akin ang tungkol kay Marky. Maghihintay ako, Tanya, na bukal sa loob mong tatanggapin mo ang ibang Marky sa buhay mo," sinserong sabi nito sa akin.
Napayuko ako ng ulo habang umiiyak. Hindi ko talaga kaya. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kung bakit nakikita ko si Marky sa mga mata niya.
Kanina habang nakatitig ako sa kanya. Sa mata niya ko unang nakikita si Marky. Hindi ko alam kung coincidence lang iyon. Pero hindi ako puwede magkamali si Marky ang nakikita ko sa mga mata niya. Ngayon ko lang napansin na pareho silang dalawa ng mata.
"I'm sorry," iyon lang ang nasabi ko sa kanya. At umiwas ng tingin kay James.
"You don't have to say sorry. Naiintindihan ko naman," wika nito at hinawakan ako sa baba ko para itaas ang tingin ko.
"I really like you, Tanya," mahinang sabi pa nito sa akin. Nahiya naman ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako handa para sa bagong pag ibig.
"Come. Kompleto na sila sa baba. At tayo na lamang ang hinihintay," aya nito sa akin. At hinawakan ako sa kanya para alalayan na makatayo sa kama.
Nasa baba na kami at papunta na nang kusina. Ang mga kaibigan ko ay nasa dining na para kumain ng hapon. Napasarap ang tulog ko at nahuli pa ako. Alam kong kaabot abot na kantiyaw dahil si James pa ang gumising sa akin.
Nasa pintuan pa lamang kami ng dining area ay nakatingin na agad sila sa amin ni James. Ang laki ng ngiti ng mga kaibigan ko. Pati na din ang mga kaibigan ni James. Alam ko na ang tumatakbo sa isip nila.
Iginiya na ako ni James sa upuan at ipinaghila pa ako ng upuan. Nang makitang maayos na akong nakaupo ay umupo din siya sa katabi kong upuan.
"Andito na sila kaya kumain na tayo" pambabasag ni Peter sa katahimikan naming lahat.
Nilagyan ko ng kanin ang plato ko. Nagulat ako nang nilagyan ni James ng kaldereta ang plato ko. Napatingin ako sa mga kaibigan ko. Lumawak na naman ang mga ngiti nila.
Sumubo na ako at hindi pa rin kumakain si James. Nakikita ko siyang naghihimay ng crab at inilalagay iyon sa plato ko.
"Kumain ka na," sabi ko kay James. Ngumiti lang ito sa akin at hindi sumagot.
"Ikaw ang kumain. Nangangayat ka na, oh. Nagda-diet ka ba?" balik na tanong nito sa akin na ikinalaki ng mga mata ko.
"Marky?" hindi ako makapaniwala na babanggitin ko at tatawagin si Marky kay James.
Napabaling naman ito sa mukha ko. At napatitig.
Nagbalik lang kami sa huwestiyo ni James nang may tumikhim.
"Kain na. Titigan kayo ng titigan d'yan. Napag iniwanan na kayong dalawa ni Tanya," turan ni Nickson sa amin ni James.
Napailing na lamang si James na natatawa ng mahina.