ARAW ng Sabado, nakahanda na ang isang maleta na dadalhin ko papuntang sa Siquijor island. I'm wearing a Zaida dress na crepe fabric at kulay black ito. Backless din ang suot ko na tinernuhan ko ng flip flops sandals na kulay itim din.
Kanina pa ako tinitingnan nila Mommy at Daddy. At hindi maalis ang ngiti nila sa akin. Hindi na rin nakatiis si Mommy at nilapitan na ako.
"My baby is grown up to a beautiful lady," nakangitong compliment na sabi ni Mommy sa akin na namumungay ang mata.
"Mom, binola pa ako," birong suway ko kay Mommy.
"Hindi kita binobola, hija. At hindi kita pinupuri dahil anak kita. Kundi dahil iyon ang nakikita ko ngayon sa iyo," at hinawakan ako ni Mommy sa pisngi ko.
Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Mommy at niyakap ito. Yumakap na din sa amin si Daddy.
"Ma'am Tanya, nasa labas na po ang sundo niyo," imporma ng katulong namin.
Napalingon naman kami dito at tumango ako ng ulo.
"Mom, Dad aalis na po ako," paalam ko sa parents ko. Hindi ko sila na kitaan ng lungkot kundi saya dahil siyempre kasama ko si James.
"Mag iingat ka doon, hija. Huwag masyadong maglangoy sa malalim," bilin ni Daddy sa akin. Habang si Mommy at muling yumakap sa akin. At si Daddy naman ay humalik sa noo ko.
Hinatid pa ako nina Mommy at Daddy sa labas. Lumabas naman ng van si James at lumapit sa amin.
"Good morning po tito and tita," bati ni James sa parents ko. Nakakairita ang pagiging feeling ng lalaking ito.
"Good morning din sa 'yo, hijo. Ikaw na ang bahala sa dalaga namin," bilin ni Daddy kay James at ngumiti rito.
"Makakaasa po kayo," magalang naman na sagot ni James.
"Let's go," nakangiting aya ni James sa akin. Ang angas ng datingan ngayon ni James. Naka-cargo shorts ito at white t-shirt. Lalaking lalaki ang porma.
Muling binalingan ko ang parents ko at tumango ng ulo sa kanila. At sabay na kami ni James na naglakad palapit sa van. Pinagbuksan ako ng pinto ni James.
"You are really beautiful," mahinang bulong ni James na ikinapula ng pisngi ko.
Nang makaupo na ako ng maayos ay umupo siya sa tabi ko. At pagkatapos ay sinenyasan ni James ang driver nila na paandarin na ang sasakyan.
Nagpalinga linga ako sa loob ng van. Nakita ko ang mga kaibigan ko na tahimik na nakaupo at may mga headset ang mga tenga. Mukhang hindi nila ako napansin o sinadya talaga nilang hindi ako pansinin?
Masama ba ang loob ng mga kaibigan ko sa akin dahil nauna na akong umuwi sa bahay namin at iniwan ko sila? Kailangan kong magpaliwanag sa kanila mamaya para hindi na sila magtampo sa akin.
Napaatras ako ng ulo ng dumukwang si James para buksan ang kurtina ng bintana.
"Ang bango," nasabi ko sa sarili ko at mas lalong sumimsim ng amoy ni James. Naamoy ko ang pabango nitong amoy na panglalaki na kay sarap amuyin. Napapikit tuloy ako ng aking mga mata.
Napamulat ako bigla ng aking mata ng sinundot sundot ni James ang pisngi ko. Napalingon naman ako sa kanya na nangangamatis na ang mukha. Masyado ba akong obvious?
"Nahuli ako," nahihiyang sabi ko sa sarili ko.
"Akala ko nakatulog ka na. Nakapikit ka kasi saka nakangiti," anito sa akin.
Napatakip ako ng aking mukha at itinatago ang pagkapahiya. Natatawa naman si James na sumandal sa headrest ng upuan.
Ilang sandali pa ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
"Tanya! Tanya! Gising na," nagmulat ako ng mga mata ko nang may tumatapik sa pisngi ko.
Nagulat ako nang nakasandal na ang ulo ko sa balikat niya. Bigla akong umayos ng upo at pinahid ang mukha ko. Baka kasi may panis na laway pa ako. Nakakahiya talaga kay James.
"Andito na tayo. Give me your passport," sabi nito sa akin.
"Nasaan na silang lahat?" tanong ko at kinuha ko sa loob ng bag ko ang passport ko.
"Kanina pa sila nasa labas," sagot nito sa akin.
"Huh? Bakit hindi mo ako ginising? Mamaya ma-late pa tayo sa flight natin. Dahil sa hindi mo ako ginising," tanong ko dito na nakangiti lang sa ito akin.
"Ang sarap kasi ng tulog mo. Saka don't worry dahil maaga naman tayo nakarating ng airport dahil walang traffic sa daan."
"Ganoon ba?"
Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at inilalayan akong makalabas ni James sa HiAce Van. Tinitingnan ko lang naman ito sa simpleng mga ginagawa niya para sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang kiligin.
Pumasok na kami sa loob ng airport at nagcheck in. Si James na ang pumila para sa akin.
"Rachel, Ann, at Olive. Galit ba kayo sa akin?" tanong ko sa mga kaibigan ko. Simula kasi ng sumakay ako sa van ay hindi nila ako pinapansin.
"Akala kasi namin kaibigan mo kami. Pero bakit nang iiwan ka?" nagtatampong tanong ni Ann.
"Kaibigan ko kayo," ang sabi ko. At mas lumapit sa kanilang tatlo.
"Hinila kasi ako ni James papunta sa park at nag usap lang kami," bulong ko.
Nakita kong nanlaki ang mga mata nila. At napaawang ang mga labi nila.
"Anong sinabi niya sa 'yo?" may pagtatakang tanong ni Olive sa akin.
"Nakita niya kasi ang kuwintas ko. Iyong binigay ni Marky sa akin. Mayroon din pala siya niyon. Suot din niya. Kaya nga nagtataka ako," kuwento ko sa kanila.
"Saan daw niya nakuha?" tanong naman ni Rachel.
"Bigay daw ng parents niya. At nasa kanya na iyon noong maliit pa siya," sagot ko.
"Curious na talaga ako sa James na 'yan," ani Ann.
Napatigil kami sa aming pag uusap ng lumapit na sa amin si James.
"Girls, let's go," aya ni James sa amin.
Tumango ako ng ulo. At ang tatlong kaibigan ko naman ay parang excited nang makarating ng Siquior.
"By the way girls, I want you to meet all of my friends," sabi ulit ni James.
Nilapitan nito ang tatlo din niyang mga kaibigan.
"This is Nickson, Vince at Peter," pakilala nito sa mga kaibigan niya at inakbayan sila.
"Ito naman ang mga kaibigan ko. Si Mary Ann, Olive at Rachel," itinuro ko sila isa isa kina James at sa mga kaibigan niya.
Hindi ko na ipinakilala ang tatlo kong kaibigan kay James dahil nakilala na niya ito kahapon.
Ngumiti naman ang tatlong lalaki sa amin.
"Okay, punta na tayo sa Gate 12. Doon na tayo maghintay. Ilang minuto na lang naman flight na natin," sabi ni James.
Sabay sabay na kaming mga babae na naglalakad samantalang nasa likuran namin ang mga lalaki.
"Exciting ito mga, pare. Buti na lang hindi kami nagdala ng date. Meron na pala tayong magiging date pagdating sa resort," mahinang sabi ni Peter. Pero tamang naririnig din namin siya.
Napalingon ako sa likuran namin at tiningnan ng masama si Peter. Napatutop naman ito sa kanyang bibig. At nag peace sign sa akin.
Nakarating na kami sa gate 12 at pumasok na, sa loob para hintayin ang eroplanong sasakyan namin papunta ng Siquijor.
Ilang minuto lang ang hinintay namin at dumating na din ang eroplano naming hinihintay.
Pinauna ulit kami ng mga lalaki naming kasama at nang makapasok sa loob ng plane ay hinanap namin ang aming mga seats.
Nakita ko ang upuan ko na malapit sa bintana at sumunod sa akin si James.
"Dito ba ang seat mo?" tanong ko dito.
"Yes," maikling sagot nito at umupo na sa tabi ko.
Hand carry lang ang dala namin at nasa luggage na ang mga gamit naming lahat.
Si Ann ay katabi si Peter. Habang si Olive ay si Vince ang katabi. At si Rachel ay si Nickson naman ang katabi nito.
"Ladies and gentlemen, welcome onboard Flight 120 with service domestic flights all over in the Philippines. We are currently third in line for take-off and are expected to be in the air in approximately seven minutes time. We ask that you please fasten your seatbelts at this time and secure all baggage underneath your seat or in the overhead compartments. We also ask that your seats and table trays are in the upright position for take-off. Please turn off all personal electronic devices, including laptops and cell phones. Smoking is prohibited for the duration of the flight. Thank you for choosing Montenegro Airlines. Enjoy your flight."
Pagkatapos ng announcement ang lahat ay tahimik na nakaupo na at mga nakaseatbelt na. Nilingon ko si James at seryoso lang itong nakatingin ng diretso.
"Do you need anything?" tanong nito sa akin ng hindi ako tinatapunan ng tingin. Akala ko hindi niya ako napansin na tinitingnan ko siya.
"Ah, wala," maikling sagot ko at sumandal na sa headrest ng upuan.
Ilang minuto pa ay nagtake off na eroplano at pagkatapos ay nagsalita ang piloto.
"Good afternoon, passengers. This is your captain speaking, Captain Carlos Montenegro. First I'd like to welcome everyone on Flight PR120. Welcome aboard. We are currently cruising at an altitude of 30,000 feet at an airspeed of 200 miles per hour. The time is 3:00 PM. The weather looks good and with the tailwind on our side we are expecting to land in Siquior approximately thirty minutes ahead of schedule. The weather in Philippines is clear and sunny, with a high of 28 degrees for this afternoon. If the weather cooperates we should get a great view of the city as we descend. I'll talk to you again before we reach our destination. Until then, sit back, relax and enjoy the rest of the flight," sabi ng piloto.
Tahimik lang akong nakaupo at nang mabore ay kinuha ko ang headset at binuksan ang monitor na nasa harapan ko. Naghanap ako ng music doon. Nang makapili na ako ay ipinikit ko ang mata ko at ninamnam ang music na naririnig.
Napamulat ako ng may naglagay ng pagkain sa upuan ko. At naibaba ang headset sa tenga ko. Saka lumingon kay James.
"Kumain ka muna. Baka kasi gutom ka na," sabi ni James na seryosong seryosong.
Tinititigan ko ang mukha niya. May konting similarities ang mukha nila ni Marky. Kaya pala ganoon na lang ang mga tanong ng kaibigan ko nang makita nila ito. Pero ako hindi ko iyon napapansin.
"Staring is rude. Baka hindi ako makapagpigil halikan kita," babala nito sa akin. Napatakip naman ako sa bibig ko nang mapagtanto ang sinabi niya.
Nakita ko na ngumisi ito at nagsimula ng kumain.