Chapter 7

1805 Words
NAPILI nila ang pinakadulong upuan. At magkatabi kami ni James. Pinagkaisahan na naman ako ng mga kaibigan ko. "Ako na ang mag oorder ng pagkain natin," prisinta ni James at tinawag na ang waiter na may dalang menu. Isa isang sinabi ni James ang mga pagkain. Kahit na hindi pa din nito tinitingnan ang menu na ibinigay ng waiter sa kanya. Halatang suki si James sa restaurant na ito. "Wow! Marky, memorize mo ang mga pagkain dito sa menu," humahangang sabi ni Ann. "Marami sigurong babaeng naidate tito kaya alam niya ang mga pagkain dito," sarcasm na sabi ko. At napaarko pa ang mga mata ko. "Hmmp.. If I know babaero ito," nakairap kong sabi sa isip ko. Pero parang hindi man lang nagreact si James kahit na ininsulto ko na siya. "Ikaw ba talaga si Marky? Naiintriga lang kami kung sino ka ba talaga," tanong ni Rachel. "I'm Marky James Lim. My parents are Mr. Anthony Lim and Susan Lim. My father is a business man. We have a lot of farm. At ang line ng business namin is farming. Pero may ibang business pa naman kami. I'm twenty nine and single," mahabang pakilala ni James sa sarili niya. Kulang na lang sabihin niya kung ilan ang aso nila sa bahay. At paano siya lumabas sa Mommy niya. "Wow! Ang bata mo pa pala. At hindi nalalayo sa aged naming apat. Pero si Tanya ang pinakabata sa amin. Twenty five pa lang siya. Matalino kasi kaya maaga nakagraduate sa University," komento naman ni Olive. Napatingin naman si James sa akin. "Ah girls, puwede bang James na lang ang itawag niyo sa akin? Mas gusto ko kasing James na lang kesa sa Marky. Naramdaman ko kasing parang ayaw ni Tanya na Marky ang itawag niyo sa akin," ani James. Napa oh ang mga labi ng tatlo kong kaibigan. "Tama ka ayaw niya talaga ng name na Marky kasi--" hindi na natapos ni Rachel sasabihin ng pandilatan ko siya ng mga mata. "Ay sorry," hingi ng paumanhin na lang nito na nakatingin sa akin. Napatingin naman si James sa akin. Saka binalingan ang mga kaibigan ko. Mga tingin na nagtatanong. "Why? Boyfriend ba ni Tanya ang Marky na iyon?" sunod sunod na tanong ni James. "No!" maaagap na sagot ko nang makitang kong ibubuka ni Ann ang bibig niya. "So?" tanong nito ulit. At tumingin ulit sa akin. Tiningnan ko lang siya ng masama. Bakit ba kasi tanong ng tanong ito? Saka bakit hanggang ngayon andito pa din siya sa lakad namin ng mga kaibigan ko? Masyadong epal talaga ang lalaki na ito. Nang dumating na ang dalawang waiter dala ang mga pagkain namin. Inilapag nila ang mga pagkain sa aming mesa. At umalis na sila. Halos lumuwa ang mga mata ko sa masasarap na pagkain na nasa ibabaw ng mesa namin. Galbi is a korean pork barbeque. And Osamgi is spicy korean barbeque. There is also gangnam chicken. And also bibimpob is a korean mixed with veggies. May korean rice at korean side dishes din. Like kimchi, stir fry fishcake, potato marble, ssangjang and gochujang. May fish tufo pa at crabsticks. May ramen din na kasama doon. At may tig iisa din kaming fruit juice and water siyempre hindi mawawala iyon. Sinimulan na naming kumaing lahat. At halos walang nagsasalita sa isa sa amin dahil busy sa pagkain. Pagkatapos kumain ay nagpaalam kaming mga babae na pupunta sa wash room. Kaya ang naiwan sa table namin ay si James. Napakamatiyaga naman ng lalaking ito. Habang pinagmamasdan ko siya mula sa pintuan ng washroom. Kinakalikot lang nito ang cellphone niya. "Tanya, he is nice at mukhang may gusto sayo," ani Ann habang naglalagay ng lipstick sa labi niya. "May nice bang makulit. Kanina pa siya buntot nang buntot sa akin," ani ko. "But he's cute. Halos same level sila ng kagwapuhan ni Marky. Same height saka maputi din sila pareho," wika naman ni Rachel. "And galante. Siya na nagbayad ng mga pinamili natin pati sa pagkain libre niya. Aba ang yaman!" komento naman ni Olive. "Alam niyo parang hulog na hulog kayo sa bitag ng lalaking 'yon. E, 'di sa inyo na. Tutal naman para gusto niyo siya. Ako kasi hinding hindi ko siya magugustuhan!" sabi ko naman. "Hay naku, Tanya. Huwag kang magsalita ng tapos. Baka mamaya mag open up ka sa amin tapos umiiyak ka sa harapan namin dahil nasasaktan ka," pambabara sa akin ni Ann. "No! It will never happen. Nasa puso ko pa din si Marky at hindi na siya mawawala doon," tanggi ko. "Tanya, si Marky matagal nang nakahimlay. Ikaw buhay ka pa. Tumitibok pa ang puso mo. Huwag mo namang sayangin ang buhay mo dahil sa nawala lang si Marky," wika naman ni Rachel. Naisip ko na tama ang kaibigan kong si Rachel. Pero anong magagawa ko? Mahal ko pa din talaga si Marky. Hindi ko kayang palitan siya sa puso ko. "Una na ako sa inyo sa labas. Hindi pa ata kayo tapos," paalam ko sa kanila at tumalikod na sa mga kaibigan ko para maiwasan pag usapan pa ang tungkol kay Marky. Naglalakad na ako papalapit kay James ay tamang lumingon ito sa banda ko. Nagtama ang mga mata namin at ngumiti siya sa akin ng sobrang laki. Lampas ng mata niya. Natulala ako. I don't know why I feel this way. Ang bilis ng paggalaw ng mga tao sa paligid namin. Pero si James ay halos parang hindi gumagalaw na sa akin lang ang tingin. Blurd din ang nakikita ko sa paligid ko. Habang si James lang ang malinaw sa paningin ko. Dahan dahan akong naglalakad papalapit sa kanya. At nang makalapit ako ay tumayo si James at ipinaghila ako ng upuan para makaupo ako. Nakatingin lang ako sa kanya. Hanggang sa umupo siya sa tabi ko. At nilingon ako nang may matamis na ngiti. "Okay na ba ang mga pinamili niyo. Baka may gusto ka pang bilhin?" tanong nito sa akin. Sumikdo na naman ang inis ko sa kanya. Bakit ba ang bait bait nito sa akin? "Bakit ba ang bait bait mo sa akin?" nakataas ang kilay na tanong ko. "Ikaw naman ang sungit sungit mo sa akin. Hindi ko nga alam kung anong ginawa ko kung bakit ang sungit mo sa akin?" pilisopong sagot niya sa akin. Kahit ako din hindi ko maintindihan kung bakit ako masungit o kung bakit lagi akong galit kay James. Hind naman ako ganito. Pero ganito ako kay Marky nuong una ko siyang nakilala. Napalitan ng lungkot ang mukha ko nang maalala ko na naman si Marky. Nag-flashback sa akin kung paano ko siya nakilala. At paano kami naging magbestfriend. Kinuha ko ang kuwintas ko sa loob ng blouse ko at hinawakan ang pendant niyon. Saka ko inilagay sa pisngi ko at pumikit ng mga mata ko. At tumulo ang luha ko. Huli na nang marealised ko na nasa tabi ko lang si James at nakatingin sa akin. Bigla akong nagmulat ng aking mata at nakitang titig na titig siya sa akin. Pinunasan ko bigla ang luha ko at tumayo saka humakbang palayo kay James. Nahihiya ako sa nasaksihan niya. "Tanya, wait!" habol na tawag niya sa akin. Napahinto ako sa paghakbang. At naramdaman kong papalapit si James sa akin. At nang makalapit siya ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa kung saan. Napalinga ako sa paligid namin at nakitang papalabas na kami ng mall. Napatingin ako kay James at natutok ang mga mata nito sa daan. "Saan tayo pupunta? Ang mga kaibigan ko naiwan sa restaurant. Saka 'yong mga pinamili ko nasa upuan ko pa," nasabi ko na lamang kay James. "Don't worry about your friends. Alam ko na kukunin nila ang mga pinamili mo. Just call them na umalis na tayo," sagot nito sa akin na hindi ako tinatapunan ng tingin. "Huh? Saan nga tayo pupunta?" tanong ko ulit. Hindi ito sumagot sa akin. Basta hila hila lang niya ako habang naglalakad kami. Nakalabas na kami ng mall at patuloy pa din si James sa paghila sa akin. Kung saan niya ako dadalhin ay hindi ko alam. Mayamaya ay nakikita ko na kung saan kami papunta. Isa iyong parke malapit sa mall. Hindi ko alam na meron palang park malapit sa mall na pinuntahan namin. Iniupo niya ako sa isang bench at pagkatapos ay umupo din siya sa tabi ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Habang si James ay diretso ang tingin. "Bakit mo ako dinala rito?" "Gusto ko lang makausap ka," seryosong sagot nito sa akin at bumaling sa akin. "Bakit?" "May aaminin lang ako sayo, Tanya. Pero gusto ko sana na makuha agad ang sagot mo." "Huh? Ano naman iyon?" "Puwede ko bang makita ang kuwintas mo?" "Huh? Bakit?" "Please," pakiusap ni James. Tumango ako ng ulo at inilabas lang ang kuwintas ko sa damit ko at ipinakita sa kanya. Hawak niya ang pendant at sobrang lapit ng mukha naming dalawa. Amoy na amoy ko din ang mabagong hininga niya. Binasa ko ng laway ko ang labi ko dahil pakiramdam ko ay nanunuyo ito. Napatingin si James sa labi ko dahil sa ginawa ko at nagtaas baba ang adams apple nito. Bigla na lamang niyang binitawan ang kuwintas ko at bumaling sa iba. "May kuwintas din ako kagaya ng kuwintas mo. Hindi ko alam kung coincidence lang ba na same tayo ng kuwintas. O may mas malalim pa na dahilan," seryosong sabi ni James na ikinagulat ko. "Talaga? Nasaan na ang kuwintas mo?" "Suot ko," maikling sagot nito at kinuha sa loob ng t-shirt niya ang kuwintas at ipinakita sa akin. Tiningnan kong maigi ang kuwintas niya. Nagulat ako na halos walang pagkakaiba ang kuwintas ko sa kuwintas niya. "Sinong nagbigay sayo ng kuwintas mo?" tanong ni James sa akin. "Ang bestfriend ko, si Marky," medyo nauutal na sagot ko. Napalingon bigla si James sa akin. "E, ikaw saan mo nakuha ang kuwintas mo?" dagdag na tanong ko din sa kanya. "My parents. Since I was a kid I already have this." Hindi ko alam na matagal na palang meron siyang kuwintas na kagaya ng sa akin. At parents pa niya ang nagbigay. Hindi ko din naman kasi nakikita iyon dahil natatakpan ng suot nitong damit. "Ah Tanya, kung liligawan ba kita papayag ka?" walang gatol na tanong ni James sa akin. Nabigla ako sa tinanong niya. "I'm sorry, pero hindi pa kasi ako handa," sagot ko na napayuko. "Kaya kong maghintay. Kung kailan ready ka na. I know na masyadong mabilis ang lahat pero kung papayag ka. Kahit na ayaw mo pang magpaligaw sa akin. Eh, gusto kitang mas makilala pa." Natigilan ako may ganitong ugali pala si James na hindi ko alam. May pagkaseryoso at malalim. Pero nakikita ko naman kung paano niya pagtiyagaan ang ugali ko. Ang mga pagsusungit ko. Kaparehas na kaparehas ni Marky ang ugali nilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD