Chapter 6

1636 Words
"ANONG itsura iyan, Tanya? Pinapunta mo ba kami rito para makita kung gaano kasama ang mukha mo ngayon?" inis na tanong ni Rachel sa akin. Napansin kasi nila na nakapoker face ako. At iritable. "Naiinis ako sa makulit na lalaki kanina!" nakakunot pa rin ang noo na sagot ko. Parang naintriga naman ang mga kaibigan ko. At sabay sabay na naglapitan sa akin. "Really? Sino naman ang guy na iyon?" curious na tanong ni Ann. "Huh? Wala. He is just nothing. Some random guys," walang gana kong sagot. "Hindi ka magkakaganyan kung some random guys lang," sabi naman ni Olive. Napatingin ako kay Olive. At tiningnan din nila ako ng may pang uusisa. "Marky James ang name niya. Nakilala ko sa family dinner ng mga Lim," napipilitang kong kuwento. Wala rin akong magagawa kundi ikuwento sa kanila kung sino ang lalaking 'yon. Nanlaki ang mga mata nila. Nang marinig nila ang pangalan na Marky. Open book naman kasi ang buhay ko sa mga kaibigan ko. Pati na ang mga nangyari six years ago ay alam nila. "Really? Anong itsura niya?" excited na tanong ni Rachel. "Guwapo ba? Anong work niya? Police ba?" sunod sunod na dagdag na tanong din ni Ann. "Maputi ba iyan? At saka matangkad?" tanong naman ni Olive. Napa-roll ang mata ko. Saka napataas ang kilay. Lahat ng sinabi nila ay si Marky ko ang naidi-describe nila. Matangkad, maputi, guwapo at isang pulis. 'Di man nila nakita ito ng personal, kilalang kilala nila ang first love ko. "Well, hindi siya si Marky. Patahimikin niyo na si Marky ko. Saka bakit ba si Marky ang iniisip niyo?" angal ko sa kanila. Natahimik naman ang mga kaibigan ko. "Pinapaalala niyo pa sa akin si Marky ko, e. Alam niyo naman na hindi ko pa siya makalimutan. Mahal ko pa rin si Marky. At andito pa rin sa puso ko," maluha luhang dagdag ko. Nagsilapitan naman sila sa akin at niyakap ako. "Sorry. We are really sorry. Alam namin na mahal na mahal mo pa rin si Marky mo. At ang insensitive namin na hindi namin naisip na nasasaktan ka pa rin dahil sa pagkawala niya," paghingi ng paumanhin ni Rachel. Pinunasan ko ang luha ko. "Okay lang. Ang hirap lang kasi mag-move on. Alam niyo naman na one great love ko si Marky. Pero kinuha kaagad sa akin." "Cheer up girl! Andito tayo sa mall para mamili ng swimsuit natin. Dapat maganda tayo. Para magka-papa na tayong apat," singit na sabat ni Olive. "At ikaw, Tanya, mag enjoy ka na lang muna at huwag mo munang isipin si Marky. Nanahimik na kaya ang tao na iyon," dagdag pang sabi nito sa akin. Ngumiti ako sa mga kaibigan ko at tumango ng ulo. "Okay. Huwag niyo na lang pansinin kapag nagse-senti ako minsan. Kapag nakalimutan ko na si Marky, hinding hindi ko na mababanggit pa siya. Kahit kailan," pangako ko sa kanila. Para naman hindi sila naniniwala sa sinabi ko. At nilayasan ako. "Hey! Wait! Antayin niyo ako!" mga sigaw ko sa mga kaibigan ko. Iniwan talaga nila ako. At nagtatakbo ako para maabutan kobsila. Nakita ko ang tatlo kong kaibigan na pumasok sa isang women's botique shop. Kaya dali dali na rin akong pumasok doon. Nakita ko silang kanya kanyang pili ng mga damit sa mga naka-hanger at nasa istante. Habang ako ay nagkasya na lamang muna sa pagtingin tingin sa mga damit. Hanggang sa napadako ang tingin ko sa swimwear section. Excited akong lumapit sa mga swimsuit. I just pick three two piece and two one piece. Iba't ibang kulay at iba iba ang disenyo. Para may pagpilian ako na isusuot. Pagkatapos ay inilagay ko na iyon sa ecobag ng store para mabayaran mamaya. Pipili pa ako ng summer collection dresses na naka-display sa boutique. Naramdaman kong may lumapit sa akin. Dahil nabangga niya ang siko ko habang abala ako sa pagpili ng mga damit. Mas lalo lang nitong inilalapit ang braso nito sa akin. Kaya inis na inis akong napalingon sa taong iyon. Bumungad sa akin ang nakangiting si James at kumaway pa ito. Hindi ko ito pinansin. At inis na lumipat ng puwesto. Pero na kasunod pa rin ito sa akin. Kahit saan ako magpunta ay buntot ng buntot ang lalaki na ito. "Can you please leave me alone?" galit na taboy ko r'to. "Hey! Huwag mo naman akong ipagtabuyan. Akin na ang dala mong ecobag, ako na ang magbibitbit," sagot nito sa akin at nagprisintang magdadala ng mga pinamili ko. "Ayoko! Saka lubayan mo nga ako. Huwag ako, ang kulitin mo!" nakapameywang na bulyaw ko. Napalakas naman ang boses ko na nakakuha na ng atensiyon ng mga taong nasa loob ng store. Pati ang mga kaibigan ko ay bumaling na sa amin. Nang makita nila ang kausap kong lalaki ay dali dali silang lumapit sa amin. "Marky, is that you?" nanlalaki ang mga mata ni Rachel na tanong kay James. Saka nakatulalang tumititig sa mukha ni James. "He is alive. I can't believe it!" ani naman ni Olive na nakaawang ang labi. "Wow! Marky, pwede ba kitang hawakan kung totoo itong nakikita namin?" tanong naman ni Ann na hindi pa din makapaniwalang si Marky ang kaharap nila ngayon. At ang loko tumango pa ng ulo. Sinundot lang ng isang daliri ni Ann si James. At si James naman ay tawa nang tawa sa mga kaibigan kong praning. "Oh my God! He is real! He is alive!" malakas na sigaw ni Rachel. "Thank you Lord!" ani Ann. At pinagsalikop pa ang dalawang kamay na, animo'y nagdadasal. Habang si Olive ay natitigilan pa din na parang nakakita ng multo. "What the hell? Bakit si Marky ko ang nakikita nila?" mga tanong sa isip ko. Pinaghahampas ko naman ang mga kaibigan ko. At napadaing silang tatlo sa sakit. "Hindi si Marky 'yan. Mga gaga! Buhayin ba naman ang matagal nang patay," sabi ko na ikinagulat nila lalo. "You mean, hindi si Marky ito?" sabay turo ni Rachel kay James. "Yes. This is Marky James Lim " pakilala ko sa lalaking nasa tabi ko. At pangiti ngiti lang si James sa amin. "Oh! Si Marky nga ito," singit na sabat ni Ann. "Hindi nga. Siya si Marky James," pagpipilit ko. Pero kahit ako naguguluhan. Dahil Marky pa rin ang first name ni James. "Heh! Mamaya na nga tayo mag usap. Bayaran na natin ito sa cashier. Maiinis lang ako," pagpaparinig na sabi ko. "Tanya, let me pay it for you," prisintang sabi ni James sa akin. Akmang kukunin na ang shopping bag ko ng iiwas ko ito. "Huwag na! Ako na lang. May pera ako, noh!" madiing tanggi ko. "Kung ayaw niya. Ito na lang sa amin ang bayaran mo. Mukha ka namang mayaman. Di ba girls?" sabi ni Ann na pinagmamasdan si James mula ulo hanggang paa. Naka plain white t-shirt lang ito at nakafaded jeans. "Yes, please," sabay na sagot nina Rachel at Olive. Napataas naman ang kilay ko sa mga kaibigan ko. Mahilig talaga libre kahit na mapepera. "Magsitigil nga kayo. Gusto niyo pang magpalibre," pagsusungit na sabi ko at nauna na akong lumakad papunta sa cashier. Nakabuntot na naman sa akin James. Matutuyuan ako ng dugo dito sa lalaking ito. Iniabot ko na ang shopping bag ko sa kahera at isa isa nitong naipunch ang mga pinamili ko. "Ma'am, seven thousand one hundred fifty pesos po lahat," sabi ng kahera. Akma ko nang ibibigay ang card ko nang maunahan akong ibigay ni James ang card niya. "Also this, Miss. And please put all in separate bags," request pa nito. Saka ibinigay pa ang mga shopping bags ng tatlo kong kaibigan na hindi ko maintindihan kung kaibigan ko ba talaga sila. Nakatingin lang ako kay James na seryosong nasa gilid ko. At hinihintay na mailagay sa paper bags ang mga pinamili namin. Ang tatlo ko namang mga kaibigan ay tuwang tuwa at nakalibre sila sa shopping. Halos parang nasisilihan din ang mga katawan sa sobrang kilig nila kay James. Naglalakad na kami sa labas ng store ay napagdesisyunan naming kumain na dahil nakaramdam na kami ng gutom. "Kung alam ko lang na may magbabayad ng pinamili natin. Dinagdagan ko na sana," rinig kong sabi ni Rachel. Hinampas ko naman ito sa balikat. Hindi na nahiya. Nakalibre na nga gusto pang sagarin. Si James naman ay walang reaksiyon na kasabay kong naglalakad. Nakamulsa pa ito habang naglalakad. Ang tatlo kong kaibigan ay nasa unahan namin. "Ano ka ba! Joke lang naman 'yon!" Reklamo ni Rachel sa akin. Para kaming mga hindi mga professional kapag nagsasama sama na magkakaibigan. Habang si Marky ay tawa nang tawa. Tiningnan ko lang ito ng masama. Feeling close kasi. Biglang naman nitong itinikom ang bibig. "Hayaan mo na. I insist naman na bayaran ko ang mga pinamili ninyo," sabi ni James. "Heh! Ayaw kitang kausap!" galit pa rin na sagot ko sa binata. At ngumiti lang ito sa akin ng pagkatamis tamis na lalo kong ikinairita. Napasinghap ako nang pinisilin niya ang pisngi ko. "Alam mo ang cute mo. Bawasan mo lang ang pagsusungit mo. Maganda ka na," turan ni James sa akin. Pinalo ko naman ang kamay niya dahil sa ginawa niya. "Sabi nga nila the more you hate the more you love," parinig na sabi ni Olive. Napangiti naman ng malawak si James. At parang kilig na kilig ito. "Saan mo gustong kumain, Tanya?" baling na tanong ni James sa akin. Hindi ako sumagot sa halip ay ang mga kaibigan ko na ang sumagot. "Favorite niya ang korean food. Baka mapalambot mo puso niya sa samyupsal," natatawang singit na sagot ni Ann. "Really? Let's go, sa korean restaurant tayo" aya ni James sa amin. Tuwang tuwa naman ang mga loko loko kong mga kaibigan. Nakasunod lang ako sa kanila habang pumapasok sila ng restaurant. Pinili kong magpahuli para hindi ako lalo mainis sa James na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD