Marky James's POV
"HI, Mom and Dad, " bati ko sa parents ko.
"Oh, hijo. Akala ko sa condo mo ikaw magtitigil maghapon. Hindi ka rin pumasok sa kompanya ngayon," sabi ni Mommy sa akin.
After ko kasing umuwi kagabi ay maaga pa lang umalis na ako para pumunta sa condo ko. If I want to be alone sa condo ko ako nagtitigil.
I just keep on thinking about Tanya. Hindi ako mapalagay simula nang makita ko siya in person. Curious lang talaga ako kung sino ang lalaki na kasama niya na kapareho ng pangalan ko.
Kailangan ko sigurong simulan ang magpaimbestiga tungkol sa lalaking Marky Rodrigo na iyon. Kahit sa panaginip ko ay hindi ko nakita na kasama niya ang mga magulang niya. Kahit pa ang sinasabi nitong trabaho.
Nagbalik lang ako sa ulirat nang tapikin ni Daddy ang balikat ko.
"Hijo, tinatanong ka ng Mommy mo. Natulala ka na d'yan," natatawang sabi ni Daddy.
"Sorry po. Ano nga po iyon, Mommy?"
"May gusto ka bang sabihin sa amin ng Daddy mo? Nagtataka lang kasi kami sa iyo."
"Ah yes, Mom. Gusto ko lang po sanang itanong kung ready na ang resort. I want to go for a vacation tomorrow sa Siguior. With my friends and Tanya," medyo napapakamot ng ulo na wika ko kay Mommy. Dahil sa hiya.
Nagkatinginan naman silang dalawa ni Daddy.
"Really? Huwag kang mag alala. Ngayon din ipapalinis ko na ang buong resort. I'm really happy. Maybe malapit na ang hinihintay kong apo sayo," masayang sagot ni Mommy sa akin. Napailing ako ng ulo nang marinig ko iyon sa bibig ni Mommy.
"Mom," tawag ko kay Mommy. Masyado kasing exagerrated ang mga iniisip niya. Hindi pa nga ako nagtatanong kay Tanya kung puwede ko siyang ligawan. Apo kaagad ang iniisip.
"Marky James, hindi na kami bumabata ng Daddy mo. Kaya gusto ko na rin makita ang apo namin sa iyo. Since you are our only child ng Daddy mo. Right, hon?"
"Yes, honey. Marky, ibigay mo na ang hinihiling ng Mommy mo. And we know that you really like Tanya. Naramdaman namin iyon noong gabi ng dinner. Kung paano ka tumitig sa dalaga ni Mr. Guevarra," panggagatung pa ni Daddy may Mommy.
"Hindi ko pa nga po alam kung papayag siyang ligawan ko. And yes gusto ko po siya, gustong gusto."
Kilig na kilg naman si Mommy sa pag amin ko. At namumungay ang mga mata na lumapit sa akin.
"Son, I'm really happy na malaman ko mismo sayo na balak mong ligawan si Tanya. Pero kung sino naman talaga ang gusto mo at masaya ka. Doon kami ng Daddy mo. Kaya kung napipilitan ka lamang dahil gusto namin si Tanya for you. E, huwag na lang."
"No, Mom. I really liked Tanya. I don't know when. Pero every night po nakikita ko siya sa panaginip ko. I know it's weird hindi ko din po kasi maintindihan. And paggising ko po isang umaga pagkatapos ng panaginip ko, mahal ko na po ata siya," mga pag amin ko.
Nagulat sila sa ikinuwento ko. Hindi ko naman na ikukwento sa kanila ang tungkol sa panaginip ko.
"We didn't know na kilala mo na siya. Kailan ka pa nanaginip ng tungkol kay Tanya?" nagtatakang tanong ni Daddy.
"Since I wake up from coma," sagot ko.
Natigilan sina Mommy at Daddy.
I got a coma six years ago. Natamaan ako ng ligaw na bala noon sa University. I don't know what happened. I'm with my friends nang magkagulo sa buong University. At nagtatakbuhan ang ibang mga estudyante. After that, may mga putok ng baril kaming narinig. Pero clueless kami kung saan iyon. Until I got shot. Sa likod ko at nawalan ako ng malay.
Itinakbo kaagad ako sa ospital ng mga kaibigan ko. At nagpapanic na silang lahat dahil sa akin.
I saw a girl crying for me. Hindi malinaw kung sino siya noong una. Pero noong lumiwanag ang nakikita ko. I saw her face. Doon ako nagising. At sinabi ni Mommy na almost three months na ako sa ospital at nacoma. I got three shots sa likod ko na natanggal sa tulong ng magaling kong mga doktor. Hindi ko alam kung paano ako nakaligtas sa kamatayan. Ang ipinagtataka nila ay tumitibok pa rin ang puso ko. Dahil ang sabi ng doktor ko ay miracle raw. Dahil ang puso ko na lamang ang nagpafunction.
Sa una hindi rin makapaniwala sina Mommy at Daddy.
Nagbigay na ang doktor ng taning sa akin. Tatanggalin na nila ang life support machine sa akin. Kapag hindi pa tin ako nagising after one hundred days na coma. That was my Mom said. Hindi talaga sila makapaniwala na nabuhay pa ako. And I have scars on my back. Pinalagyan ko ng tattoo ang tatlong peklat ko sa likod ko para hindi halata.
"Nakita mo rin ba ang mga bumaril sayo sa panaginip mo?" usisang tanong ni Daddy.
"No, Daddy. Pero ang halos parehong pareho kami ng lalaking kasama ni Tanya sa panaginip ko at kapangalan ko siya. She shouted my name, Marky. At iyon ang ipinagtataka ko. And I just want to confirm kung siya nga ang babae sa panaginip ko."
"Marky, it's just a dream. And never na nagkatotoo ang isang panaginip," hindi makapaniwalang sabi ni Mommy.
"It's true. Lahat sa panaginip ko ay totoo. Alam kong mahirap paniwalaan Mom and Dad. Pero nangyayari sa akin. Pakiramdam ko po mayroon ibig ipahiwatig ang mga panaginip ko."
"Maybe epekto lang iyan ng pagkakabaril mo. Kaya ka nananiginip ng ganyan. Ang nakakasama lamang ng loob namin ng Daddy mo ay hanggang ngayon hind pa din namin alam kung sino ang may kagagawan ng pagkakabaril mo," maluha luhang sabi ni Mommy at niyakap ito ni Daddy to comfort.
I know what my Mom felt. Nag aalala lang siya para sa akin. They almost lost a child. Muntik ng mawala ako sa buhay nila na akala niya ay mamatay na. Kaya kahit na halos anim na taon na nangyari ang insidente na iyon ay hindi pa din sila tumitigil sa pagtugis kung sino ang salarin.
"Don't worry, Mom. Ginagawa naman po lahat ni Sarhento ang lahat para imbestigahan ang mga nangyari noon," pampalakas ng loob ko kay Mommy.
"Pero six years until now they didn't find any clue kung sino ang gumawa sayo niyon. Alam mo ba kung gaano kasakit sa amin ng Daddy mo. Nakita ka namin sa hospital bed na maraming aparatung nakakabit. Tapos tinapat kami ng doktor mo na you have only ten percent chance para mabuhay," umiiyak na frustration ni Mommy.
"Honey, calm down," alo ni Daddy.
"Hon, ang sakit sakit makita ang anak natin noon na halos mamatay na. Ina ako kaya sobra akong nasasaktan. Tapos wala pa tayong magawa for him."
Nilapitan ko na si Mommy at niyakap. I understand what she feels right now.
"I'm sorry, Mom. Kung pinag alala ko pa po kayo sa ang mga nangyari noon."
"Mahal na mahal ka kasi namin ng Daddy mo. Kaya ayaw ka naming nasasaktan at nakikitang nahihirapan."
"I know, Mom," at yumakap na ako sa parents ko ulit.
I'm here on the veranda. Ang aga aga pa ay baso na may lamang alak ang iniinom ko. Iniisip ko pa rin ang mga nangyari sa nakaraan. Sobra ang lungkot ni Mommy kapag naalala ko iyon lahat.
Maybe tama si Mommy. Epekto siguro iyon ng pagkakabaril ko at nakatulog ng halos tatlong buwan. Pero sino kaya ang Marky na iyon na kasama ni Tanya? Narinig ko na magbestfriend sila.
Hindi lang ako sigurado kung anong koneksiyon ng mga iyon sa akin. Bakit ako nanaginip tungkol sa Marky na iyon?
I am Marky James Lim at hindi Marky Rodrigo. Hindi ako isang bodyguard at pulis. Isa akong negosyante at CEO ng kompanya ng parents ko.
Kailangan ko sigurong hanapin kung sino si Marky Rodrigo. Pero paano ko sisimulan ang paghahanap kong wala naman akong nakita sa panaginip na mga magulang niya?
Bigla kong naisip na tawagan si Tanya para yayain na ito na magbakasyon bukas na bukas. Excited na din akong makita siya at makasama.
I dial her phone number, mula sa calling card na ibinigay ni Daddy sa akin. At itinapat ang phone ko sa tenga ko.
Kinakabahan talaga ko. Bakit ba laging ganito ako pagdating kay Tanya?
Nagriring ang phone niya pero hindi niya sinasagot. Ilang ring pa ay sinagot na din niya.
Napahinga tuloy ako ng malalim. Naghahanap pa ako ng lakas ng loob para magsalita. Pero walang lumabas sa bibig ko. Kundi ang mga paghinga ko.
Nadinig ko ang pagkainis niya. Inaway pa ako. Nakakatawa talaga na kahit ang sungit niya sa akin eh hindi ko magawang magalit sa kanya. Nagulat na lamang ako ng nai end call niya ang tawag ko.
Nagpalakad lakad ako sa veranda namin.
Inhale, exhale ang ginagawa ko. At nagtatalon para lumakas ang loob ko na kausapin siya sa phone. Kinakabahan kasi ako at ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Huminga ulit ako ng malalim. At naidial ko ulit ang numero ng telepono ni Tanya. Nagring kaagad iyon. Pero nakailang ring na hindi pa rin niya sinasagot. Nagalit ata sa akin.
Hindi na niya sinagot ang tawag ko. So I just call his Dad.
"Hello, Sir," sabi ko agad.
"Hijo, napatawag ka. May kailangan ka ba?" tanong nito sa akin.
"Sir, ipagpapaalam ko lang po sana si Tanya na magbakasyon kasama ko. Kung okay lang po sa inyo?" lakas loob na paalam ko.
"Aba sige, Hijo. Don't worry ako na ang bahala sa kompanya and I will give one week vacation para kay Tanya," masayang sagot nito sa akin.
Nabuhayan ako ng loob.
"Gusto ko po sana ako ang mag invite kay Tanya. Tinatawagan ko po siya kanina. Pero hindi niya sinasagot ang phone niya. Baka kako po busy si Tanya at naistorbo ko ang trabaho niya," ani ko.
"Don't worry ako ang bahala sayo. Malakas ka sa akin. Tatawagan ko lang ang anak ko at sasabihin kong sagutin niya ang tawag mo" napangiti ako sa sinabi ni Mr. Guevarra sa akin.
"Thank you, Sir," wika ko na nakangiti.
"Call me Tito," sabi niya sa akin.
"Kayo po ang bahala, Tito," medyo nahihiyang wika ko.
At nai hang up na nito ang tawag ko. Alam ko na tatawagan nito si Tanya. Mukhang nagkaroon ako ng kakampi.
Napangiti ako ng malawak.