Ang kasunduan ng Kambal
"Nababaliw ka na ba, Loraine? Mas pipiliin mo ang pumunta ng France kaysa sumipot sa kasal niyo ni Russell. Oh C'mon, ano'ng nakain mo't naisip mo ang ganyan?"
Hindi ako makapaniwala sa isiniwalat sa akin ng kambal ko, she must be out of her mind right now. Two weeks na lang ang itatakbo ng panahon at ikakasal na siya.
"I know right. But look, this is a big opportunity for me. Alam mo kung gaano ko pinangarap na mapag-aral ng arts sa France at makapagpatayo ng sariling art gallery. I waited enough, at ngayon na dumating na ang tamang panahon ay wala akong aaksayahin na oras," pilit na pagpapaliwag ni Loraine sa akin.
"Yeah. Pero papaano si Russell? Paniguradong hindi niya matatanggap ang reason mo LOrraine. Matagal niyong ni-prepare ang pagpapakasal niyo, pagkatapos ay hindi lang matutuloy? Have you consulted him about this?" tanong ko sa kaniya. Naupo ako sa couch at saka tiningala ang nakatayong pigura ng aking kambal habang kinakagat niya ang isa sa kaliwang daliri niya, she was used to this manner since childhood nila.
"NO, no, I can't, hindi siya papayag at panigurado na haharangin niya lang ang tungkol sa invitation na 'yon."
"At 'yan ang gusto kong ipaintindi sa 'yo, your fiance will not going to like your idea."
Tumago-tango siya pagkatapos at naupo ito sa tabi ko't kinuha ang aking palad. "Kaya nga ako narito, 'di ba?"
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya, umayos ako ng pagkakaupo't humarap pa sa kaniya. "What do you mean?"
"Help me sis, ikaw lang ang bukod tanging makakatulong sa akin at wala ng iba pa. This is a dream come true for me, please do understand me, Lucy."
"Help?" Ulit ko. "Ano naman ang gusto mong gawin ko? Kung pakikipag-usap kay Russell ang gusto mong ipagawa sa akin ay hindi ko magagawa, sis. Alam mo rin naman kung gaano kailap si Russell sa akin. Ni pagsagot nga sa pagbati ko sa kaniya ay hindi niya magawa,'di ba?" Umiling-iling ako pagkatapos ng aking mga tinuran.
That idea will never gonna work, hindi nakikipag-usap basta-basta si Russell . That man is such a picky when it comes to people who will he be talking at. Si Loraine lang ang halos lagi niyang kasama, he won't smile much too. And the rest of his traits ay hindi ko na alam kung papaano niya ini-aapply sa buhay niya, and like I said only Loraine knows about him.
"No, not like that," sagot niya sa akin na puno ng seguridad na para bang ang ideya na gusto niyang sabihin ay ang pinaka epektibo sa lahat.
"Eh, ano?'" I took of my eyeglasses, that led me to blurry see her. I wipe it with my handkerchief then return it back to my eyes.
Bumakas ang pag-aaling-langan sa mga mata ni Loraine. "Hoy! Ano ba kasi 'yon? Sa reaksyon mo parang gusto kong kabahan ah."
Nakagat nito ang pang-ibabang labi bago tuluyang nagsalita. "Swap with me Lucy. Ikaw ang humarap kay Russell sa altar para sa akin."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata't sabay na napahagalpak ng tawa.
"That's crazy, Loraine. 'Yan ang pinaka hindi magandang ideya na naisip mo. You want me to marry him... For you?," napapatawa ako sa pagitan ng aking pagsasalita.
"Please, sis."
Tumayo ako. "No, of course no. Ayoko. Hindi ka aalis, okay? Ikaw ang magtutuloy ng kasal niyo ni Russell. I'm sorry."
Hindi ko ma-imagine na 'yon na ang best plan ng kakambal ko. Oo, alam ko kung gaano niya inasam na matanggap sa Arts Academy sa France, actually ay sabay pa nga kaming nangarap sa bagay na 'yon, ngunit ang ipagalit niya ang isang tao para lang sa adhikain na 'yon ay parang ang selfish naman. Nando'n na tayo sa 'chance' na 'yon pero madadaan naman sana sa maayos na paraan. Na hindi kailangan na humantong pa sa kailangan kong maging siya, magpanggap at manlinlang ng iba.
"I promise na babalik ako, just give me atleast five years then everything will be on it's places again. I need you, Lucy," labis na pagmamakaawa niya sa akin. Ramdam ko kung gaano niya kagusto ang bagay na 'to.
I calmed myself.
"I know this is absurd. Pero paano kung ito na lang ang last chance na mayroon ako?"
Wait, bakit parang sa tono ng pananalita niya'y gusto pa ata niiya akong pakonsensiyahin?
"I want to take a risk , Lucy." At doon ay nagsimula nang maging emosyonal ang kapatid ko. Nanulay na ang luha sa kaniyang pisngi.
"Argh!" Napasabunot ako sa aking buhok. Maging ako ay naguluhan na rin. Gustong-gusto ko siyang tulungan pero hindi sa gano'n na paraan.
Inabot ni Lucy ang aking palad at hinaplos-haplos 'yon na para ba akong isang Santo na pinagdadasalan niya. "Remember you promised me you will do everything for me?"
Biglang nagbago ang aura ko sa tinuran niya. Is she bring that incident right now?
"Oo, but not this one," aniya ko sa kaniya.
"Just let me try it, kapag ka hindi ko kaya... Uuwi ako then I'll be a wife to Russell. Kakalimutan ko na ang about sa Arts."
Loraine is persistent about what she wanted.
"Lucy, please. Ni minsan hindi kita ginulo sa private life mo, kung kaya ko naman ang isang bagay... I intended to do it alone. But this time, I badly needed your help. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung masayang ang opportunity na 'to. Baka habang buhay ko 'tong pagsisihan."
"Woah! This is really crazy Loraine. At mahirap magdecide nang basta na lang. You want me to be the bride to your groom, isipin mo nga 'yan. Tapos five years kang mawawala, tingin mo ba kakayanin ko 'yon. And most of all, impossibleng hindi mapansin ni Russell ang tungkol sa gagawin mo. Yes, we're identical pero mayroon pa rin tayong mga differences," sa huling pagkakataon ay ipapaintindi ko sa kaniya ang sitwasyon na gusto niyang pasukin.
"So, you're saying that you doesn't want to give me this favor?"
'Loraine..." Sambit ko na para bang sinasabi ko na tumigil siya't alam ko na papaawan effect niya lang ako.
"Fine, kung hindi mo kayang magsacrifice para sa kapatid mo. Okay."
Napangiwi ako. I knew it! She's really starting to bring back the incident last fifteen years ago.
"Bakit ako, basta para sa 'yo hindi ako nagkakaro'n ng second thought? I am with you on your ups and downs. I can give up even my life is at risk."
Tumayo siya't nagtungo sa may bintana habang iniisa-isa ang mga bagay nagawa niya sa akin regarding that one tragic accident kung saan ay nakuha niya ang peklat na nasa kaniyang kaliwang binti malapit sa bukong-bukong.
"Ay, ano ba 'yan. Okay siya Sige na, pumapayag na 'ko," hindi ko pa man ako tapos magsalita ay sumilay na ang tuwa sa mukha niya. Niyakap pa ako nito't hinalikan sa aking pisngi na para bang nanalo siya sa lotto sa labis na galak.
"Hep! Huwag munang maging sobrang saya dahil may isa 'kong kondisyon sa 'yo," ani ko na siyang ikinatahimik niya naman.
"Anything. Kahit na ano pa 'yan, go!"
"Okay, I will switch place with you... Pero kung ano man ang ma-achieve mo sa France, on your career ay ipapaubaya mo sa akin pagbalik mo. You'll get back your husband, and you'll give me back my name. Deal?"
Parehas kami ng hilig, at iyon ay ang pagpipinta ang pinagkaiba lang namin ay mas madalas na natatanggap si Loraine sa ganitong mga event. Siguro'y dahil sa mas magaling siya sa akin sa larangan na iyon.
Mukha ngang hindi man lang pinag-iisipan ni Loraine ang nangyayari ngayon. Mabilis siyang tumango sa gusto ko ng walang bahid ng pag-aaling-langan.
"Ako ang bahala, sis. Sisiguraduhin ko na after five years ay magiging sikat at tinitingala ang pangalan mo. Basta gawin mo lang 'to para sa akin, gustong-gusto ko talagang umalis, alamin kung ano pa nang mga kaya kong gawin sa buhay. Gusto ko pang matuto..."
Tumango ako. Well kung gano'n ay hindi na nga siya mapipigilan pa, Kilala ko ang kapatid ko. Tiyak naman na kahit hindi ako um-oo ngayon ay gagawa at hahanap pa rin siya ng paraan para masunod ang nais niya.
'So, ano'ng una nating gagawin?" Tanong ko.
Ngumiti siya sa akin ng mapakalawak. "Leave it to me!"
...
Kinabukasan agad matapos ang araw ng pag-uusap namin ay dinala ako ni Loraine sa beauty Parlor. She toured me kung saan siya parating pumupunta para sa pagpapagrooming ng kaniyang buhok. Gayun na rin sa Ilan pang establishments na madalas ay magkasama pa sila ni Russell kung magpunta. Magkasama kami no'n buong maghapon hanggang ngayon na ikatlong araw na ang nakalipas.
Kung magkaparehas lang sana kami ng uri ng buhok ni Loraine ay wala nang problema pa. Ang kaso'y nakuha ko sa mommy namin ang pagiging kulot ng buhok nito samantalang ang sa kaniya naman ay bagsak na bagsak lang kaya ang ending ay kinailangan pa naming magpaayos ng aming mga buhok.
Pinag-usapan na rin namin ang mga bagay na kailangan kong makabisado tungkol kay Russel. Hindi magiging madali ang gagawin ko kaya dapat ay wala akong makaligtaang kahit isang detalye.
Magkakilala naman kami ni Russell, hindi nga lang kami close. Same school lang naman kasi kami, kaya nga nagkakilala sila ng kapatid ko.
"OMG! Hindi ko akalain na bagay pala sa 'yo ang straight na buhok sis. And look at me, bagay rin ba sa akin ag curly hair, huh?" Tuwang-tuwa na sambit ni Loraine habang tinitignan ang sarili sa salamin.
"Kamukha mo na rin si Mom," napaigik ako. Then, I watched myself in the mirror. Ganito pa lang ang feeling na maging si Loraine kahit sa harapan lang ng salamin.
"Hindi ka naman nag-iisip na magback-out pa, right?"
I looked at her, mukhang na sense niya ang Kaba na nararamdaman ko ngayon. I smiled.
"Gustuhin ko man ay wala naman na akong magagawa, 'di ba? So, be it." Bumuntong-hininga ako sa pagkadismaya sa sarili ngunit bakit mayroong parte sa akin na para bang excited ako sa aking gagawin.
"Good then. Don't worry sis, as long as you will take all my advices ay walang magiging problema," aniya. She brushed my hair with her hand as if I am a kid or something. "Anyway the day after tommorrow na ang flight ko, everything is settled Wala ka nang po-problemahin pa. My Id's and cards are here, and I need yours now."
"Ohw."
I took her things and checked it, ganun din ang ginawa niya.
"I will going to talk to mom and dad later tonight about my plan, and for sure naman ay walang magiging problema sa kanila."
"Ngayon mo pa lang ipapaalam sa kanila?"
Tumango siya. "Hmp. Nga pala sis, dahil nga sa aalis ikaw, I mean ako... There's a change of plan regarding the best maid. I've contacted Maris, siya ang pupunta."
Maris her bestfriend since College aside from me.
"Alam niya?"
"Yeah. Mas okay na 'yong mayro'n kang mapagtatanungan paminsan-minsan. Siya na ang bahala sayo, okay?"
Loraine hugged me. "You can do it, hindi naman mahirap maging ako." Bulong niya pa sa tainga ko.
"Sana nga."
"Nga pala, magkikita kayo ni Russell mamaya. He booked a date for two, be good."
"What?" Biglang lumakas ang kabog sa dibdib ko. KInakabahan ba ako? O may ibang dahilan pa? "Hindi mo 'ko sasamahan?'
Humagalpak ng tawa si Loraine na nakatingin sa akin. "Okay ka lang? Tingin mo hindi magtataka si Russell kung dalawa tayong kasama niya Syempre, hindi."
Napatulala na lang ako. Welcome to your new destiny, Lucy Pearl.
"Ay! Kailangan ko nang umalis sis. Just call me if something went bad, hmm..." Loraine gave me a kiss in cheeks. She's in a rush that she even forgot to swaps or phones.
"Oh, one last thing sissy."
Itinigil ko ang pagkalikot sa kaniyang cellphone at tumingin sa kaniya.
"Please don't get pregnant. S*x is inevitable especially when you two got tied to each other but having a child is a no-no to our deal. I hope you understand that."