"Hay naku! Ikaw na ba talaga 'yan Lucy? Parang kailan lang, tignan mo ngayon marunong ka nang mag-ayos ng sarili mo't naging matured na tignan."
Iyon ang bungad sa akin ng dati kong professor na hanggang ngayon ay nagtuturo pa rin sa dati kong Unibersidad,si Mrs. Valmonte.
"Parang sinabi niyo naman po ma'am na ang pangit ng hitsura ko noon ah," pagbibiro ko rito.
"No, it's not like that. It's just that..." Napatigil si Mrs. Valmonte at muli akong tiningnan mula ulo hanggang paa. "...you look classy, beautiful."
"Naku Ma'am ha, napadaan lang po talaga ako rito, Wala akong dalang kahit na ano." Lumawak pa ang ngiti ko sa kaniya.
Mabait si Mrs. Valmonte noon pa man, halos lahat naman ng estudyante noon ay mahal na mahal siya dahil sa galing nitong makitungo sa mga tinuturuan niya. Siya rin ang palaging nagbibigay ng advice sa akin noon, lalo kapag nagkakaproblema sa isa o dalawang major subjects ko, kaya naman hinding-hindi ko siya makakalimutan.
And I'm so happy na malaman nandito pa rin siya hanggang ngayon.
"Hoy, bata ka... Hindi ako tumatanggap ng suhol." Ngayon ay ito naman ang natawa.
"I know naman po, Ma'am."
Niyakap pa rin akong muli ni Ma'am, pagkatapos ay muling tinanong kung ano ba ang sadya ng pagdalaw ko. At dahil sa biglaan lang naman talaga 'yon ay wala naman ako mairason na iba.
"Gusto ko lang pong magbalik-tanaw ma'am, 'yon lang po."
"Gano'n ba? Kung gano'n ay Sige na, take your time, okay? Alam mo naman medyo busy ang prof.mo na ito kaya mauuna na ako ha. Hindi ka naman siguro maliligaw dito, 'no?"
"Naku Ma'am! Kabisadong-kabisado ko pa rin po ang pasikot-sikot rito kaya wala po kayong dapat na ipag-alala."
Tinanguan ako ni Ma'am ng nakangiti, ngunit ang akala ko na aalis na nga ito'y hindi natuloy binalikan niya ako ng tanong patungkol sa kapatid ko--si Lorraine.
Hindi ko itinago ang sarili ng mga oras na ito, ako si Lucy at wala ng iba.
Ibinalita ko sa kaniya na ikakasal na ito kay Russell, na labis din niyang ikinagulat.
"Buong akala ko talaga'y ikaw pa rin ang pipillin ng batang 'yon. Talaga palang itinuon na niya ang sarili sa kambal mo."
"Po?" Hindi ako makasunod sa tinurang iyon ni Ma'am kaya naman nagtanong pa ako sa kaniya lalo't na-open niya na rin naman.
"Well, wala naman na sigurong masama kung sasabihin ko na sa 'yo 'to lalo na't ikakasalna rin naman pala si Russell."
Sa sinabing iyon ni Ma'am ay mas lalo akong nagkainteres na malaman kung ano man ang alam niya. Kaya naman nimbitahan ko siyang magkape kami sa vacant time niya... Upang magkwentuan pa na labis na pinaunlakan ni Ma'am.
...
Ilang beses na hinilot ni Russell ang pagitan ng kaniyang mga mata.. Kanina niya pa, hindi, kagabi pa niya tinatawagan ng fiancee at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito sumasagot. Tumawag na rin siya sa mga magulang nto ngunit ang sabi'y Wala rin doon ang nobya.
Sumabay pa ng sa stress niya sa trabaho ang babae, at hindi niya naman kaya na basta na lamang itong balewalain.
Nang maramdaman na bumuti ang kaniyang ulo'y sinenyasan nito ang sekretarya't inutusan na ipahanda ang sasakyan dahil may kailangan siyang puntahan.
"Kailangan niyo rin po ba ng driver sir?"
"Hindi na, kaya ko na."
"Sige po, itatawag ko po agad sa ibaba."
Sinalansan ni Russell ang mga papeless na nasa lamesa't pinuntahan ang Diretor ng kaniyang Head HUnting Company na siya munang mamahala, dahil lalabas siya. Ipinasa rin nito lahat ng tao na kailangan niyang harapain ngayong araw para sa interview.
"Alam ko namang malaki ang utang na loob ko sa 'yo Russell dahil ako ang kinuha mo sa malaking posisyon sa Kompaniya mo. Pero ipapaalala ko rin sa 'yo na may sarili akong job desription ha, pangalawa, tao lang din ako kailangan ko rin ng break. Tapos, ipapapasa mo na naman sa akin ...ilan ba 'to? Apat na tao para sa arawna 'to. Baka naman kahit pag-ihi ay hindi ko na magawa." Gano'n na lang ang reklamo ng kaibigan ni Russell na si River.
Matalik na magkaibigan ang dalawa simula no'ng nag-aaral pa lang sila sa High School kaya naman kung sususkatin ang pagtitiwala niya rito'y tiyak na lalagpas pa sa expectation ng iba.
"T-triplehin ko ang sahod mo para sa araw na 'to."
Marami pang gutong i-rant no'n si River, ngunit naglaho na lang bigal ng marinig ang tungkol sa sahod.
"Deal. Sige ako nang bahala ng mga ito, umalis ka na."
"Okay." Alam na alam na ni Russell na hindi tatanggi si River sa usapang malaking sahod.
Breadwinner si River ng pamilya niya mula College days nila, kahit ano-ano'ng raket pa nga ang sinusubok nito kumita lang. Ayon lang, dahil mula ng matuto ang pamilya niya na umasa sa kaniya'y 'yon at 'yon na lang ang ginawa nito hanggang ngayon na nasa trenta y dos na siya.
"Sandali... Samahan mo na din ng libreng inom bago, ay hindi pagkatapos ng kasal mo. Naintindihan mo ba?" May pagtuo-turo pa si River sa kaibigan.
"After the wedding."
"Okay! That's the Deal. Alis na boss, baka mahuli ka pa sa lakad mo."
Tinanguan na lang ni Russell ang kaibigan, alam na nito ang ibig niyang sabihin kaya naman dali-dali na itong nagtungo sa sasakyan niya upang hanapin ang akala niyang si Lorraine.
Hindi niya alam kung saan dapat mag-umpisang maghanap, ngunit wala rin naman sa sistema dito ang magpabaya na lang kung kailan makakarinig ng balita sa nobya.
Hindi naman siya papayag na bigla na lang itong mawala lalo't malapit na ang kasal nila.
...
"I hope you enjoy your drink ma'am, ha?" Sabi ko habang inilalapag ang napili nitong Americano coffee habang sa akin naman ay iced coffee.
"Hindi mo naman sinabing malamig na kape pala ang gusto mo, edi sana'y 'yon na rin ang order ko."
"Naku! Si ma'am talaga oh, alam ko na ang ganyan mong tactic eh. Please lang po bawal ang mahiyain rito."
Sabay na napatawa ang dalawa. Maaiwalas ang paligid sa pagitan ng dating estudyante at guro. Naging maayos ang umpisa ng usapan nila, nagkaroon ng kaunting pagbabalik tanaw sa mga kaganapan ilang taon na ang lumipas.
Gustong-gusto na nga sanang isingit ni Lucy ang usapan tungkol sa nalalaman ng dating guro kay Russell ngunit ayaw naman niyang maghinala ito sa kaniya.
Hanggang sa bigla na lamang na nabanggit ni Ms. Valmonte ang isang pangalan na hindi rin nakalimutan ni Lucy kahit lumipas na ang panahon.
"Si Crizza po?"
Si Crizaa ay naging matalik na kaibigan ni Lucy noong College siya, madalas silang magkasama nito kahit saan pa pumunta. Noon, mas napagkakamalan pa nga itong kambal niya kaysa kay Lorraine.
Ngunit bigla na lang nawala ang kaibigan niya, isang araw ay hindi na ito nagpakita pa't nabalitaan na lamang niya na lumipat na ito ng eskwelahan sa Pampanga. Sinubukan niyang hanapin ito sa Friendster, ngunit wala in siyang napala. Hndi na rin niya siya na reach kahit sa Yahoo mail kaya naman kahit ayaw ni Lucy ay sumuko na lang din siya.
"OO. HIndi mo na ba siya naaalala?"
"Ahm--"
Hindi na natapos pa ni Lucy ang sasabihin ng ituro na ni Ma'am Valmonte ang gawi niya sa likuran. At nang linungin nga niya ay roon ang pigura ng matured na Crizaa. Napatulala na lang si Lucy, maluha-luha ang mata sa labis na saya ng makita ang dating kaibigan ngunit napalitan pa rin iyon ng lungkot. Gusto niyang bulyawan si Crizaa, ayawin, at sabihin na ai ang ginawa niya.
NA-miss niya ng labis ang kaibigan.
"Ma'am?" Bati ni Crizaa, tapos ay kay Lucy naman tumingin. Hindi ito nagsalita ngunit ngumiti lang si Crizaa.
"Long time no see," yon ang bungad ni Lucy kay Crizaa.
"Mabuti naman at narito ka na Crizaa, mapapagharap ko na rin kayong dalawang magkaibigan. Upo na, hija."
Tumaliama naman si Crizaa sa turan ng guro, ngayon ay kaharap na niya ang dating kaibigan, na hindi niya lubos inakala na makikita pa.
Hindi na ulit nakapagsalita pa si Lucy o kahit na si Crizaa, nanatili na lang ang mga mata nila sa isa't-isa.
"Narito naa kayo parehas kaya naman aalis na ako, maraming salamat sa kape Lucy ha. Sa susnod ay bumisita ka ulit sa Unibersidad, okay?" Tumayo na ni Mrs. Valmonte. Iyon talaga ang balak nito, ang mapagharap ang dalawa dahil bukod sa kaniya ay may nalalaman din naman si Crizaa sa istorya tungkol kay Russell at Lucy.
"Huh? Pero Ma'am, di po ba'y may sasabihin kayo sa akin na importante?" Kabadong pagpigil ni Lucy sa guro.
"Oo, pero tingin ko'y kayang-kaya na ni Crizaa na gawin 'yon Lucy. Siya na ang bahala sa 'yo."
Hindi maawa ang ekspresyon na bumakas sa mukha ni Lucy, Wala siyang maintindihan sa narinig.
"Sige na po, Ma'am, mauna na kayo. Mag-iingat po kayo. Ako na ang bahala kay Lucy."
Nagtatanong ang mga mata ni Lucy sa dating kaibigan pilit niyang iniintindi sa sitwasyon kahit na medyo komplikado.
"Saan ba 'ko dapat na magsimula, Lucy?"