Nagising ako na masakit ang aking katawan. Nang subukan kong tumayo sa kinahihigaan ko'y bigla na lang din akong nahilo at ang isa pang naging problema ako ay wala akong maalala ng lubusan sa nangyari kagabi. Ngunit hindi ko nakakalimutan ang tungkol sa sulat na binaggit ni Fiona sa akin kagabi.
Napahimas ako sa aking noo, hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Hindi ko alam kung tama ba ang mga naiisip ko sa mga oras na ito. Maraming katanungan sa utak ko, isa na roon ay kung bakit ako kailangang padalhan ni Russell ng sulat noon. At kung totoo man iyon ay kailangan kong makausap ng masinsinan ang kambal ko. Kailangan niyang mag explain sa akin kung ano ang kwento sa likod ng istorya na 'yon.
Napagawi ang paningin ko sa pagbukas ng pintuan ng silid, iniluwa niyon si Maris na may dala-dalang towels at damit na mukhang para sa akin.
"Magshower ka na. Mamaya ihahatid na kita sa inyo. Naka-ilang misscalls na si Russells sa 'yo."
"Huh?" Napakurap ako ng ilang ulit bago hinanap ang aking cellphone.
"Na deadbat na , pero don't worry chinarge ko na. Sige na, go na. Maligo ka na dahil baka mamaya ay magreport na sa pulis si Russell about you missing. I know that man, konting hindi lang makapagparamdam si Lorainne ay hindi na mapapakali 'yon."
Napatango ako. Ngunit ng akmang tatalikod na si Maris ay pinigilan ko siya't muli pang nagtanong ng tungkol kay Russell at Loraine—at sa sulat na nalaman ko.
"I'm sorry Lucy but I think it was not me you should ask about that one. Loraine is my bestfriend and I won't betray her. Better call her and directly ask about it." Kalmado lang ang ekspresyon sa mukha ni Maris nang bitiwan ang mga katagang 'yon.
Yeah, naintindihan ko ang rason niya para i-refuse na sabihin sa akin ang totoo. Pero atleast give me some idea about it, all I want is just the truth.
"I tried to contact her, pero ni isa sa calls ko ay hindi niya sinagot. At kapag malaman niya na alam ko ang tungkol sa sulat na 'yon ay siguradong mas lalo akong mahihirapan na mahagilap siya," sabi ko sa kaniya. Kilala ko ang kapatid ko, mahilig siyang tumakas kapag may kasalanang nagagawa.
Napailing ako sa aking sarili. Pero mas hindi rin ako naniniwala na magagawa akong lokohin ni Loraine. Mula bata pa lang ay magkasama na kami, palagi niya akong prinoprotektahan sa mga taong hindi ako tinatrato ng maayos. So I think, hindi ako dapat basta na lang na maniwala sa narinig ko. Wala namang proweba sa bintang nila sa kambal ko.
"Well, if that's the case then I think you just forget about it. Pero kung nacu-curious ka pa rin, then bahala ka. But to tell you frankly, I'm not gonna help you Lucy. My loyalty is on Loraine."
"Alam ko naman 'yon kaya 'wag kang mag-alala ako na ang lulutas ng sarili kong problema."
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko'y na go pagpaalam na ako kay Maris. Tumanggi na ako sa alok niya na mag-almusal kasama niya. Bukod sa ayaw kong maging istorbo pa rito'y kailangan ko na ring umuwi dahil kay Russell. Hindi ko pa sinasagot ang kahit na isang tawag nito mula ng magisinga ko ngunit nabasa ko na lahat ng text messages niya.
Text pa lang 'yon pero ramdam na ramdam ko kung gaano siya nag-aalala sa kalagayan ko ngayon, I mean ng kambal kong si Lorraine.
Pumara ako ng taxi nang makalabas ng subdivision. Okupado ang isipan ko, at hindi do'n kasama ang tungkol sa pag-uwi sa bahay.
"Sa'n po tayo, ma'am?" tanong ng matandang driver sa unahan.
"Sa Trinity Collego po, kuya."
Kasabay ng pag-start ni Manong sa makina ay siya naman pagbalik ng alaala ko sa nakaraan.
...
Trinity College. Intramurals Day. Year 2009
Last school year na ng magkapatid na sina Lorraine at Lucy sa naturang Unibersidad kaya naman hindi na pinalampas pa ng mga ito ang pagsali maging sa NIght out ng school. Na kahit labis-labis pa ang naging pagtutol ng magulang nila'y tumuloy pa rin sila, dahil na rin sa back up ng kanilang daddy.
"Magkita tayo mamaya Lucy sa may butterfly garde sa Arhitecture Department ha. Sabay tayong pupunta sa Bonfire event, okay?" Hindi magkamayaw si LOrraine sa pagpapaalala sa kambal niya.
"Oo, alam ko na 'yong nakailang ulit ka na rin niyan. Baka ma lalo ko pang nakalimutan eh."
"Ah, basta! Mas maigi na 'yong sigurado ako. Baka kasi mamaya mas mawili ka na kasama niyang circle of friends mo riyan sa Department niyo."
"Sus! Ang dami mo na namang sinasabi Lorraine eh. Oh Sige na, bye na magkita na lang tayo mamaya."
Msayang-masaya ang dalawa na naghiwalay ng landas. Subalit bago pa man din no'n tuluyang dumiretso si Lorainne sa destinasyon niya'y muli niya pang sinulyapan ang kapatid.
At ang masayang aura sa kaniyang mukha ay bigla na lamang napalitan ng labis na pagtataka. Kunot ang noo na pilit niyang sinisipat kung sino ang lalaking lumapit kay Lucy.
"Ano'ng ginagawa niya?"
5pm. Two hours bago ang schedule for the Bonfire Activity. Lahat ay kalahok sa event na 'yon, ang iba pa ngang estudayante ay nakapagpuslit pa ng alak at sigarilyo na dinala pa mismo sa Venue.
"Sino 'yong kausap mo kanina?" Hindi na nag-atubili pang tinanong ni Lorraine ang kapatid ng muli silang magkita ng oras na 'yon.
Nagtataka naman na napatingin si Lucy sa kambal niya. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya narealized ag tanong nito.
"Ah, si Russell ba 'yong tinatanong mo?" May kislap sa mga mata ni Lucy habang nagsisimulang magpaliwanag.
Pilit pang itinatago ni Lucy ang kakaibang kilig sa kilos niya ngunit sa mata pa lamang nito'y huling-huli na siya.
"You mean, Russell, 'yung crush mo?"Nakaarko ang isang kilay ni Lorraine na nagtanong.
"Hmp." Dere-deretsong pagtango ni Lucy.
Panandaliang sumilay ang mapaklang ngiti sa bi ni LOrraine bago niya binago 'yon upang hindi mapansin ng kambal.
"And what does he wants?"
"Hindi ko rin sure eh, basta ang sabi niya magkita raw kami mamaya after this event nga. Doon daw sa may arts room. Ayaw ko nga sana kasi nahihiya ako, pero chance ko na 'to para makausap siya ng malapitan. Hihingi na rin ako ng picture sa kaniya."
"Ah, gano'n ba?" Kuyom ang palad na sagot ni Lorraine.
"Hmmm.. bakit mo pala natanong?"
Tila ba natapyas ang dila ni Lorraine sa tanong na 'yon, hindi niya rin kasi alam kung bakit ba labis siyang curios ngayon. Higit pa ro'n ay hindi naging maganda ang pakiramdam niya patungkol sa kapatid.
"Nothing serious, gusto ko lang malaman. Mahirap na rin, baka kung ano ang mangyari
sa 'yo sa tao na 'yun." Lumunok siya ng away sa sinabi.
Halatang-halata kung gaano ka-plastic ang ngiti na 'yon ni Lorraine para sa kapatid niya. Ang totoo ay ayaw niyang nasasapawan kahit na sa anong aspeto pa 'yon. At ngayon na nalaman niyang umaaligid ang isang Campus crush sa kambal ay mas lalo itong nainis. Sa kaniya'y isang matinding kalaban ang kapatid. Ayaw ni Lorraine na nalalamangan, kaya naman sa puntong iyon ay isang malaking plano ang mabilis niyang inisip.
8pm. Arts Room.
Maagap na nagpunta si Russell sa lugar na sinabi niya kay Lucy. Dala-dala niya ang sulat na ilang gabi rin niyang sinulat at binuo. At ngayon nga ay handa na siyang ipagtapat ang lihim niyang pagtingin sa babae.
Ilang buwan rin ang ginawa niyang pagtitiis bago tuluyang dumating sa punto na 'to nang pagtatapat.
"Hi." Malumanay na pagpapractice nito sa boses niya.
Ngunit kalaunan ay napatagsik siya sa labis na ka-cringe na naramdaman sa sarili.
Sunod ay umubo-ubo siya't pinabarako naman ang tono ng boses. "Hi!"
"Anak ng pating naman." Nakikipag-away na si Russell sa sarili sa ginagawa niya. Nakailang paikot-ikot na rin siya sa loob ng Arts Room.
"Woah! Get up man, 'wag masyadong duwag!"
Inaatake ng nerbyos ang lalaki kanina pa, nakailang sipat pa nga siya sa relos sa pag-aabang sa babaeng hinihintay.
"Nasaan na kaya siya?" Sa pinto na nakaabang ang tingin ni Russell, nagdarasal na sana'y dumating nga si Lucy.
Ngunit sa pagdaan ng ilang minuto mukhang wala pang Lucy na darating. Lima, sampu, labing-limang minuto pang muli, ngunit wala pa rin. Mas lalo pang lumukob ang kaba sa dibdib nito ng ang dumating ay isa niyang kaibigan na ibinabalita sa kaniya na nakita raw nila si Lucy sa may Architecture Department at may kasamang ibang lalaki.
Ang paghila na sa kaniya ng kaibigang si Rodolfo ang naging dahilan upang makaalis siya sa kinatatayuan. Hinila siya nito patungo sa lugar na simula niyang kinasuklaman.
At mula sa di kalayuan ay natanaw niya kung paanong lumingkis ang babaeng nagugustuhan sa leeg ng lalaking hindi niya rin mawari kung sino. Sinipat niya ng ilang beses anh bulto ng babae, tinatanya kung tunay ba na ito si Lucy dahil hindi naman din lingid sa kaalaman niya na may kambal ito.
Sa kabilang banda nga'y nang makita ni Lorraine ang signal ng kaibigang si Maris mula sa harapan na nagsasabing dumating na ang lalaking target ay ginawa niya ang isa pa sa plano. Inangat ni Loraine ang mukha't iharap ang lalaki, bago ito siniil ng halik.
At iyon ang planong naisip niya kanina, pinauwi niya si Lucy para sa pekeng emergency sa bahay nila't siya ang pasikretong pumalit sa katauhan nito noong araw na 'yon. Plinano niyang sirain ang pangalan nito sa lalaki, ng walang ebidensiya na lalabas.