Inihatid ako ni Russell sa bahay ng mga magulang niya. After two nights ay matatali na ako sa kaniya sa loob ng limang taon bilang si Loraine. Dito raw muna ako sa kaniya, then after this ay sa bahay naman ng parents ko niya ako ihahatid hanggang sa araw na 'yon ng kasal. 'Yon raw kasi ang habilin sa kaniya ng family side ko, bawal daw kaming magkita bago ang kasal.
"Call me if you need anything," aniya.
"Hmmp." Wala akong ibang maisagot kay Russell kundi 'yon lang.
Pagkatapos nitong magpaalam sa kaniyang mama ay dumiretso na siya sa kotse't umalis na patungong Opisina niya. Nagtaka ako rito dahil hindi na siya bumaling pa ulit ng tingin sa akin. Hindi niya naman gawain 'yon. 0
Actually, ilang araw ko na rin napapansin ang pagkabalisa niya. Ilang gabi na rin siyang may dala-dalang paperworks sa bahay.
Head hunting Agency CEO si Russell, ang kompanya niya ang naghahanap ng mga tao na kailangan ng ibang kompaniya. Sa kanila dumadaan ang pag evaluate at pagpili sa kwalipikadong candidate sa isang Posisyon na kinakailangan ng kanilang kliyente.
At sa mga araw na nagdaan kitang-kita ko kung gaano siya ka-stress. Aywan ko ba kung bakit hindi na lang siya magleave gayong ikakasal naman na siya. Sasaluhin naman ng Director ng Kompaniya niya ang maiiwan niyang trabaho.
"Loraine, pumasok ka na rito at mukhang uulan." Napalingon ako, ang papa ni Russell ang tumatawag sa akin. Tiningala ko ang kalangitan. Uulan nga ata.
"Naghahanda ang mama mo ng pananghalian natin, maupo na ka muna riyan."
Malaki rin ang bahay na ipinatayo ni Russell para sa mga magulang niya. Hindi 'yong bongga sa laki pero kung para lang sa kanila ay tiyak na okay na 'to. Wala rin silang maids o driver, talagang sila-sila lang ang kumikilos para sa sarili nila.
"Puwede po kaya akong pumunta sa kusina? Baka sakaling may maitulong ako sa pagluluto," suhestiyon ko.
"Ikaw ang bahala, okay lang ba sa 'yo?"
"Oo naman po, okay na okay po sa akin." Binigyan ko pa ng thumbs up ang matanda sa sagot kong iyon.
Naabutan ko si Mrs. Ramona na busy sa paggagayat niya ng mga gulay. Base sa mga nasa lamesa ay kare-kare ang lulutuin niya. Mukhang hindi rin niya napansin ang pagdating ko kaya naman binati ko siya ng magandang umaga kahit kanina ay nagkaharap na kami no'n nandito pa si Russell.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Doon ka na lang sa salas at baka kung may masira ka na naman rito pagkatapos ay baliktarin mo pa ako sa anak ko."
Hala, bakit ang lamig naman ata ng pagkakasabi ni Mrs. Ramona no'n, para bang may nagawa akong masama sa kaniya ah.
Wait! May nagawa kaya si Loraine na hindi dapat sa kaniya? Naningkit ang mga mata ko. Kung manghuhula lang ako'y hindi ko talaga malalaman kung meron o wala.
"Galit po ba kayo sa 'kin?"
Nagulat na lang ako sa pagbagsak ni Mrs. Ramona ng kutsilyo na hawak sa lamesa. Malakas 'yon na para bang hihiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan.
"Ang kapal din ng mukha mo na magtanong sa 'kin niyan 'no? Mahal ka ng anak ko pero 'wag mong ipilit na tingin mo ay magugustuhan kita para sa kaniya. Sinabi ko na sa 'yo na hiwalayan mo na ang anak ko, hindi kayo puwedeng makasal pero sadyang manggagamit ka nga talaga!"
Gulong-gulo ako sa mga pinagsasabi ni Mrs. Ramona sa akin, hindi ko maintindihan. O baka kaya gano'n dahil hindi naman talaga para sa kin ang mga salitang 'yon.
May problema ba sila ni Loraine na hindi ko alam? Walang ikinuwento sa akin ang kapatid ko.
"Puwede bang lumabas ka sa kusina ko? Hindi kita kailangan dito, at ayaw ko na narito ka."
Aangal pa sana ako pero dahil sa namumula na ang mukha niya ay lumabas na lang din ako. Ayaw kong sumagot lalo't hindi ko alam kung ano ba talaga ang problema.
Lagot sa akin si Loraine kapag nagkausap kaming dalawa.
...
Masyadong mabilis ang oras. Pagkasundo sa akin ni Russell ay sa bahay ng mga magulang ko naman niya ako iniuwi, dito na ako niyan hanggang sa araw ng kasal.
Para naman hindi rin halata ay nagpaalam ako sa kaniya na lalabas ako kasama si Maris at ng iba pa... Iba pang kaibigan ni Loraine. Nag-aya kasi si Maris at sabi niya'y hindi raw puwede na hindi ako sumipot lalo't never pang umayaw si Loraine sa gimik sa labas.
Um-oo naman siya't naghabilin lang na mag-iingat ako't tumawag kapag may nangyaring hindi maganda. Labis pa rin ang akwardness ko kay Russell at mas nadagdagan 'yon ng ito mismo ang tila umiiwas sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit, praning din naman ako kung iisipin ko na baka nahalata na niya. Eh wala naman siyang sinasabi.
Ngunit napaisip ako, bakit noong isang gabi ay narinig ko siya na may kausap sa cellphone. Hindi detalyado ang narinig ko pero nabanggit nito ang tungkol sa France. Tandang-tanda ko rin ang binitiwan niyang mga salita para sa nasa kabilang linya.
'Siguraduhin mo na tama ang impormasyon na iniuulat mo sa akin, gusto kong malaman ang totoo bago ang kasal.'
We
"C'mon Loraine, drink more. Kailangan mo 'yan dahil baka after ng kasal mo ay malimit ka nang makapunta sa ganito no."
Oo nga pala two hours after akong makarating sa amin ay si Maris naman ang bumungad sa akin. Dinala niya ako sa isang sosyal na bar kung saan ay naghihintay ang iba nilang mga kaibigan. Wala akong kilala sa mga kaibigan ni Loraine bukod kay Maris, never naman kasi akong nakihalubilo sa kanila dahil hindi ko hilig ang pumarty lalo na ang uminom ng alak.
"Ah, s-sige," sagot ko kahit na alam ko sa sarili kong hindi ko kayang panindigan ang ginagawa ko. Nakakadalawang baso pa lang ako pero parang paikot na ang paningin ko.
"Good yeah. Para sa ikakasal naming sosyalin na friend. Cheers guys!"
Si Delia pa rin 'yon, ang blondie na mukhang modelo sa kanilang grupo.
"Cheers!"
Siguro dahil sa hindi ako pang night life kaya hindi ko rin ma-appreciate ang nangyayari ngayon. Mas gusto ko na lang sanang umuwi at matulog lalo pa't na-stress na rin ako sa pag-iisip sa bahay pa lang ng mga magulang ni Russell.
"Hey! Any problem?" Si Maris 'yon na tumabi na sa akin. Napapagitnaan nila akong dalawa ni Fiona sa VIP couch na pwesto namin.
"Hmm. Wala," sagot sa kaniya.
"Wala? Pero 'yang mukha mo iba naman ang sinasabi mo. C'mon, you can tell me eventhough... You know... Alam mo na 'yon." May kaunting pag-igik sa boses ni Maris. Pansin ko na kanina pa siya umiinom pero parang hindi siya nalalasing. Ang galing naman niya.
Nag-isip-isip ako. Hindi ko naman talaga kailangang mag open up pero mapapanis lang din ang laway ko rito pag di ako nagsalita. Isa pa baka makahalata ang mga kaibigan ni Loraine sa katahimikan ko.
Ahem.
"Ano ba kasing iniisip mo? 'Yung kasal ba?" Nakasegunda agad ng tanong si Maris bago pa ako makapagsalita.
"Ah, isa na rin 'yon..."
"So ano pa 'yong iba?"
"Alam mo kasi, narinig ko si Russell na may kausap siya sa cellphone. Hindi naman detailed ang narinig ko ha, pero kung instinct ko ang tatanungin... Pakiramdam ko may kinalaman sa kapatid ko."
"Really?" Kunot-noong tanong ni Maris.
"Oo, tingin mo... Tapos may nabanggit pa siyang dapat daw bago ang kasal malaman niya ang totoo. Ano'ng totoo ang gusto niyang malaman? Bakit niya hinahanap ang kambal ko? At saka— thanks." Naputol ang sasabihin ko sana nang inabutan na naman ako ni Delia ng nakabasong alak at sinenyasan ako na inumin na 'yon. Pero dahil sa nakikipag-usap pa nga ako ay isinantabi ko muna ang alak.
"Praning ka lang girl, 'wag mo nang isipin 'yon. Sabi mo nga di ba, hindi ka naman sure so why overthink? Ano ka ba."
I take her advice, baka nga naman praning lang talaga ako. Sana nga.
Nang hindi na 'ko sumagot muli kay Maris ay nagpaalam siyang magc-cr muna, hindi ako sumama. Muli ay ipinalala sa akin ni Delia ang drink na iniabot niya kanina. Masyadong makulit ha. Pero teka lang, bakit may dalawang lalaki na kaming kasama sa table?
"I heard what you and Maris are talking about, Lo. Well, I accept her advice to you. But upon hearing it, I don't think there's no issue on that call. Alam mo naman ang instinct ng mga babae malakas, so why give up in knowing the truth." Fiona is now talking to me. Hindi ko alam na may pagka-chismosa pala siya sa pakikinig sa usapan ng may usapan.
"Huh? Eh, ano'ng gusto mong sabihin?" Para kasing may laman ang mga salita niya.
"Don't you think of it? Tingin ko obssesed pa rin siya sa kambal mong si Lucy."
Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya, mabuti na lang at hindi ko nailuwa lahat ng alak na nasa bibig ko.
"Huh?" Sa akin?
"Nakalimutan mo na ba girl kung paanong na fall apart 'yang fiance mo no'ng sabihin mo na hindi makakapunta si Lucy sa meeting place na sinabi niya? Tawang-tawa pa nga tayo no'n, 'di ba? For sure na nagdadalawang isip pa 'yan si Russell sa 'yo. Baka gusto pang humanap ng chance para sa kanila ni Lucy."
Hindi ko maintindihan ang point ni Fiona at kung saan niya hinugot ang mga sinasabi niya. Tapos ay sumasabay pa ang pagkahilo ng ulo ko ngayon.
Bakit ako nasali sa kwento?
"Tapos, aywan ko naman din sa 'yo kung bakit sinulot mo 'yon sa kapatid mo. Oo, mahitsura naman si Russell pero hindi siya yung tipo mong lalaki. Mas bet mo kaya yung hot and wild. Pero sure ako kung nakarating lang sa kapatid mo yung love letter niya ay baka nakipagkita 'yon do'n. Remember, kasali siya sa fans club ni Russell as a part of basketball team. "
Letter? Ano 'tong mga naririnig ko ngayon? So, way back then ay may gusto sa akin si Russell? Pero hinarang ng kapatid ko? Kung gano'n ay bakit? Wala akong idea sa mga sinasabi ni Fiona ngayon, and I don't even know kung maniniwala ba ako o hindi.
But then, I remembered how I am use to cheer and shout for Russell's name noong College pa kami. Kung may obsessed na fan, ay ako 'yon. I even dreamed of meeting him sa malapitan dahil palaging nakatanaw lang ako rito sa malayo o 'di kaya'y papuslit lang.
Argh!
Tumayo ako't nagpaalam sa kanila, gusto ko nang umuwi dahil sobrang gulong-gulo na ang isipan ko. Nahihilo na rin talaga ako. Ngunit bago pa man ako tuluyang makahakbang ay nabuwal na ako sa kinatatayuan ko.
Hindi ko mapigilan ang mga mata ko, pinipilit kong gisingin ang diwa ko kahit ang hirap. Ano'ng nangyayari?
"What a shame, Loraine. Goodbye to your happy ending. Syempre, hindi ako papayag na maging masaya ka. Magkaibigan tayo pero b*tch ka. At ito ang ganti ko sa pang-aahas mo kay Jeff."
Sabog-sabog na ang naririnig ko, ang lakas ng stereo nila pero narinig ko pa rin ang sinabi ni Delia.
Gaano ba karami ang kaaway ni Loraine?