"Katniss, wala ka bang trabaho?" kinakabahang tanong pabalik ni Valkyrie. Hindi kasi maganda ang ayos niya sa camera. Kaya dali-dali niyang ipinatong ang kaniyang cellphone sa kama para mag-ayos. "Mayroon pero naisipan lang kitang tawagan. Nagbabaka sakali kasi akong baka magustuhan mo riyan," sagot naman ni Katniss saka ipinatong ang kaniyang cellphone sa stand bago magsimulang magtipa sa kaniyang laptop. "Bakit kisame na lang nakikita ko?" "Kagigising ko lang! Maliligo na nga dapat ako," rason naman ni Valkyrie bago kunin ang kaniyang cellphone saka tinakpan ang kaniyang camera. Nagkibit-balikat na lamang si Katniss sa kaniyang narinig at hindi nakipag talo pa. "Pero kumusta ba riyan? Maganda ba?" tanong nito sa kaibigan niyang si Valkyrie. Gusto kasi talaga nitong makitang nagsasa

