Napatampal na lamang ng noo si Justin lalo nang sumagi na naman sa isip niya ang nangyari kanina. Nakatitig siya ngayon sa bath tub. Hindi niya kasi malimutan kung bakit bigla na lang siyang nakaramdam na naman ng init sa kaniyang katawan kahit na kagigising niya lang. "What the héck? Alam ko naman na vîrgin siya but fûck! Hindi ko napigilan," bulong niya sa kaniyang sarili habang hinintay na mapuno ang bath tub. Napalunok na lang siya muli nang pakiramdam niya ay nararamdaman niya pa rin hanggang ngayon ang malambot na dibdib ni Valkyrie. Ramdam din niya ang malambot na labi ni Valkyrie at kung paano sila maghalikan. Humugot na lamang siya nang malalim na hininga at ipinikit na lang ang kaniyang mga mata. "Shît! Nababaliw na yata ako," bulong niya muli at napasabunot na lang ng kani

