(Mia's POV) Nagising ako na madaling araw pa lang dahil sa narinig kong kaguluhan sa bahay nina kuya Luke. Pagbaba ko sa living room ay natanaw ko pa ang paglabas ni kuya Luke sa bahay, nagmamadali siya at pangko niya si ate Sharina. "Ano'ng nangyari, ate Jen?" Tanong ko kay ate Jen matapos niyang bumaba mula sa taas ng hagdan. Hindi kasi ako doon dumaan kundi sa elevator na ipinasadya ni kuya Luke para kay ate Sharina at sa mga anak nila. "Sumakit daw po ang tiyan ni Madam Shari. Baka daw po manganganak na." Ani ate Jen na halatang natataranta rin. Nag-alala na rin ako kay ate Sharina. Ang alam ko ay 8 months pa lang ang ipinagbubuntis niya. Sana naman ay maging ayos lang ang lahat kasi may nabasa ako na delikado raw ang manganak ng 8 months pa lang ang ipinabubuntis. Mas maige pa nga

