(Mia's POV) Nagtataka man at hindi ko maintindihan kung bakit ipinapakuha sa akin ni Brian ang Birth Certificate ko at ID ay sinunod ko pa rin ang sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit nagsimulang kumabog ng malakas ang puso ko habang isinisilid ko na ang mga iyon sa isang transparent plastic envelope. Parang may gustong bumulong ng tila exciting na balita sa isang panig ng utak ko pero pinipilit naman iyong pigilan ng kabilang panig ng utak ko para siguro hindi ako umasa at mabigo sa dulo. Binilisan ko na lang ang mga galaw ko. Kaagad na rin akong lumabas sa kuwarto ko para babain sa living room si Brian. Suot ko pa rin ang sleeping dress ko na napapatungan lang ng roba at bitbit ko sa isang kamay ko ang envelope. May bahagyang panginginig pa ng kamay na sumakay ako sa elevator at pi

