(Luke's POV) Nagising ako dahil sa marahang haplos sa ulo ko. Pagmulat ko ay nakita kong gising na pala ang mahal kong asawa at nakangiti pa siya sa akin. "Are you okay? May masakit pa ba sa'yo?" Nag-aalala kong tanong sa kanya. Kung hindi pa sinabi ng doktor na wala na akong dapat ipag-alala ay baka hindi na ako natulog hanggang umaga! Ngayon lang nangyaring muntik nang mapaanak si Sharina na hindi pa niya kabuwanan at sobra akong nag-alala para sa kaligtasan nila ng baby namin. Masyado niya kasing pinagod kahapon ang sarili niya dahil personal siyang gumawa ng cake at cupcakes na dadalhin sana namin sa kaibigan niyang ikakasal ngayong umaga. Ang mangyayari tuloy ay ipapahatid na lang namin ang mga na-bake niya. "I'm okay, love. Uwi na tayo?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako d

