(Mia's POV) Wala nang nagawa si kuya Luke kundi pumayag na isama na ako ni Brian pauwi sa bahay niya kasama si Junior. Mali, bahay na raw pala naming dalawa. Mabuti na lang at nakaabot kay ate Sharina ang kumosyon namin sa baba kaya't kahit nagpapahinga siya sa kuwarto ay bumaba siya. Sa amin ni Brian siya kumampi at iyon ang ikinatiklop ni kuya Luke sa amin. Mabuti na lang talaga at kampi sa amin si ate Sharina! Fan din yata siya ng love story namin ni Brian kahit hindi halata. "You damn jerk... Ingatan mo ang kapatid ko. Wag na wag mo na siyang papaiyakin ulit kundi sisirain ko na talaga yang pagmumukha mo. Hindi lang bugbog ang aabutin mo kapag nalaman kong sinaktan mo na naman siya. At kapag nangyari iyon, ako mismo ang kukuha sa kanya mula sa'yo at ilalayo ko na talaga siya. Doon s

