(Mia's POV) Gaya ng napag-usapan namin nina Lola Nessy at Agatha ay sumama nga ako kay Lola Nessy kinabukasan pag-alis niya. Nakagawa ng paraan ang mga kapitbahay at barkadang tambay ni Agatha para maitaboy iyong kaduda-dudang tindero na pumupuwesto sa tapat ng bahay nila at itinaon naming noong sandaling iyon din parating iyong na-book naming taxi para hindi ako makita at masundan ng mga galamay ni Brendon papunta sa bahay ng Mr. Shawnn na boss ni Lola Nessy. Salamat sa Diyos at nagtagumpay nga akong makaalis sa bahay nina Agatha nang walang nakasunod sa amin. Pumasok sa isang sikat na subdivision ang taxi. Mula sa gate ng subdivision ay minanduhan ni Lola Nessy ang taxi driver kung saang banda ang bahay na pupuntahan namin at sinabi rin niya ang eksaktong address, kabilang na ang str

