(Mia's POV) "Yes. I am Brian Dale Shawnn. Mia, why are you here?" hindi makapaniwala pa rin niyang tanong sa akin. "Ahm.. Ako ang bagong maid m-mo... Ako ang nakuha ni Lola Nessy na pansamantalang magiging katulong dito." Napakagat-labi na lang ako. Anong klaseng biro naman ito sa akin ng tadhana? Si Brian ang amo ko? Oh, my God! Pagsubok ba ito sa katatagan ko o sign na ito na ituloy ko lang ang pangangarap ko sa kanya? May chance kaya talaga kami ni Brian para sa isa't-isa? "What? But Manang Nessy mentioned a different name to me and not Mia." Ani Brian na gulung-gulo pa rin. "Ahm, nickname ko rin kasi iyon..." Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Gusto ko siyang sunggaban at yakapin ng mahigpit! Gusto ko siyang paghahalikan! Pero— "But you can't be my maid, Mia, y

