Akala ko tapos na ang laban. Akala ko pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan namin—mula sa Monteverde crash, sa pagtataksil ni Elian, sa halos ikamatay kong bala, hanggang sa mga araw ng pulang rosas, pag-ibig, at kapayapaan—akala ko tahimik na ang mundo namin. Hanggang dumating ang tawag. Nasa bahay namin kami ngayon sa mansion, nakahiga sa hammock habang binabasa ko ang draft ng upcoming Monteverde-Velasquez sustainability program. Si Damon naman, naka-topless habang umiinom ng kape, nakatanaw sa labas. That’s when his phone rang. Hindi ko narinig ang eksaktong sinabi sa kabilang linya, pero nakita ko kung paano nagbago ang mukha niya. Parang may bumigat sa balikat niya. Parang may multo ng nakaraan na biglang humabol sa kasalukuyan. “Who was it?” tanong ko, agad na bumangon. He looke

