EPISODE 31

1640 Words
Matapos ang ilang rounds namin ni William ay tuluyan na ngang bumagsak ang katawan ko at nakatulog ako. Naaalala ko sa sofa ako natulog ngunit nagising nalang ako dito sa silid ko. Napakadilim ng paligid nang nagising ako ngunit hindi ako natakot nito sapagkat mahigpit ang pagkakayakap sa akin ni William. "Totoo ba talaga ang nangyayari ngayon?" kinikilig na tanong ko sa sarili ko. Alam ko masyado pang maaga para sa aming dalawa pero sa kanya ko nakita ang ugali na dapat na meron ang magiging nobyo ko. Hindi ako gumalaw sa pwesto ko para hindi ko magising si William ng bigla niyang iginalaw ang kamay niya sa tiyan ko. Nakangiti ako habang pinapakiramdaman ang kamay niya ng gumagapang papunta sa dibdib ko ng bigla kong naramdaman ang mga matulis na kuko nito dahilan para tingnan ko ang kamay niya. Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko ng itim na kamay na may mahahabang kuko ang kumahaplos sa akin. Kahit madilim ang kapaligiran at malabong makita ko ang kapaligiran ng maayos ay alam kong iba ang kamay na humahaplos sa akin. Sumigaw ako nang malakas na  malakas para magising si William na nasa tabi ko ngunit hindi siya magising-gising. Sinubukan kong buksan ang pinto para makatakas ngunit hindi ko ito mabuksan kaya tumakbo nalang ako gilid ng aparador ko para doon magtago ngunit dahil sa maliit lang ang silid ko ay kitang-kita pa rin na doon ako nakatago. Dahan-dahang tumayo ang maitim na anino sa tabi ni William napakatangkad nito dahil napupunan na niya ang buong taas ng silid ko. Sobrang laki niya namumula ang kanyang mga mata na may mahahabang kuko. "William! Tulungan mo ako!" nag mamakaawang sigaw ko kay William. "Layuan mo ako! Matagal ka ng wala! Bakit bumabalik ka pa!"  "Malapit na ang pag angkin ko sa katawan mo Syrina dahil malapit na ang tinaktang araw," sambit niya sa akin na mabigat at mababang na boses.  "Bakit mo ba ginugulo ang buhay ko?" "Nakakalimutan mo na ba ang hiniling mo sa akin makalipas ang anim na taon?" "Ano 'yun? Wala akong alam sa sinasabi mo!" "Kung gayon ay ipapaalala ko sayo." 6 years ago - Before the crime Nang makita ko si Agatha na kasama ang minamahal kong si Yael ay bigla na lang nagbago ang pakikitungo ko sa kanya. Kinamumuhian ko siya dahil sa pang aagaw niya ng lahat ng akin. "Sana hindi na lang tayo nag hiwalay na dalawa! Sana hindi na lang tayo naging kambal! At sana hindi na lang kita naging kapatid!" galit na galit na sambit ko habang tinitingnan sa malayo sina Agatha at Yael na nag lalampungan. "May araw ka rin sa akin Agatha! Sisiguraduhin kong luluhod ka sa akin para humingi ng tawad sa lahat ng ginawa mo sa akin. Ang lahat ng inagaw mo ay babawiin kong lahat!" sambit ko. Hindi ko na tinapos ang klase namin at umalis na lang akong basta sa iskwelahan ng hindi nila napapansin. Pumunta ako sa lagi naming pinupuntahan ni Agatha tuwing gusto naming dalawa na masolo ang isa't-isa ang malapit na bangin sa aming tirahan. Walang pumupunta dito ni isa man dahil delikado dito ngunit dahil sa malalakas ang loob naming dalawa ni Agatha at hindi pa kami nakakapag hiwalay noon ay doon kaming dalawa nalagi. Mataas ang pwestong ito at ang dulo nito ay rumaragasang malalakas na alon kaya kahit sino man ang malaglag dito ay tiyak na mamamatay. Dahil sa init ng ulo ko ay lumapit ako sa pinakadulo nito at doon tumayo ng matuwid. Tumingin ako sa baba nito at nakita ko ang malalaking alon na humahampas sa bundok na ito. Nakakalula at nakakatakot tingnan mula sa itaas.  "Mamatay ka na Agatha!" malakas na sigaw ko. Ibinuhos ko lahat ng galit ko dito upang kahit papaano ay maibsan ang inis at galit ko sa kanya. Habang nag sisisigaw ako sa galit ay hindi ko maiwasan na maluha. "Bakit ikaw na lang lagi ang bida Agatha? Bakit ikaw na lang lagi ang gusto nila?" tanong ko sa sarili ko. "Anak din naman ako ngunit bakit parang nasa sayo lahat ng atensyon nila?" "Purkit ba top 1 ka sa klase? At ikaw ang favorite ng mga ka-klase natin? Pareho naman tayo ng mukha pero bakit mas gusto ka nila?" Ang dami kong katanungan sa buhay ko mga tanong na paniguradong walang sasagot sa akin. "Bakit sa dami-dami ng lalaki na magugustuhan mo si Yael pa? Bakit siya pa? Bakit kung sino pa ang gusto kong lalaki siya pa ang magugustuhan mo din?" lumuluha kong tanong. Habang patuloy na dumadaloy ang luha sa mga mata ko ay unti-unti namang dumidilim ang kalangitan. Mag aagaw dilim na ng mga oras na ito ngunit nandito pa rin ako sa bundok. Susubukan kong mapag isa dito at hanapin nila ako ngunit kahit pa mag aalas otso na ng gabi ay wala paring pamilya na humahanap sa akin. "Hindi ka na nila pupuntahan dahil hindi ka nila mahal." sambit ng isang boses. Palingon-lingon ako sa paligid ko ngunit wala naman akong nakikita na tao. "Wag ka nang umasa pang may susundo sayo dito sa nakakatakot at madilim na lugar na ito dahil ang lahat ng kanilang atensyon ay nasa kapatid mo na. Kahit mag mukmok ka dito at umiyak nang umiyak ay walang mag aalala sayo kasi hindi ka naman nila mahal tangin si Agatha lang ang kinikilala nilang anak dahil nasa kanya ang lahat ng abilidad na gustong-gusto ng magulang mo," sambit niya muli sa akin. "Hindi totoo 'yan! Mahal ako ng magulang ko! Asan ka ba? Mag pakita ka sa akin!" "Gusto mo bang tulungan kita na mabura sa paningin mo si Agatha? Gusto mo bang isama na natin ang buong pamilya mo para maging masaya ka na?" "Hindi! Tigilan mo ako!" sambit ko sa kanya sabay takbo papalayo sa bundok. "Kahit tumakbo ka pa ng mabilis ay mahahabol pa rin kita!  "Tantanan mo ako!" sigaw ko habang tumatakbo. Mabilis akong tumakbo papalayo sa bundok upang mawala ang kumakausap sa akin. Hindi ko alam kung sino siya at kung ano siya pero parang natauhan ako sa sinabi niya sa akin. Habang tumatakbo ako papalayo ay hindi mawala-wala ang  "Hindi ako mahal ng magulang ko? Hindi! Alam kong mahal ako ng magulang ko!" mangiyak-ngiyak na sambit ko sa sarili ko. Mabilis akong nakauwi sa bahay namin dahil sa hindi ako tumigil sa kakatakbo ko hanggang ngayon ay hindi pa rin tumigil ang pag-iyak ko dahil sa takot ko. Natatanaw ko na ang bahay namin kaya agad kong pinunasan ang mga mata ko inayos ko ang sarili ko. Dahan-dahan lang akong naglakad dito ng narinig ko ang hagalpakan sa bahay namin. Ang saya-saya nilang tingnang tatlo habang magkakasama silang kumakain ng hapunan. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan para hindi nila ako mapansin ngunit bigla kong natulak ang payong sa tabi ng pinto kaya nalaglag ito sa sahig na nagdulot ng ingay para mapalingon si Mama sa akin. Agad siyang tumayo sa kinauupuan niya at nilapitan niya ako. "Saan ka galing?" galit na tanong niya sa akin. "Sa bundok po Ma," "Anong ginawa mo dun? Bakit hindi ka sumasagot ng tawag ko sayo," "Tumatawag po ba kayo? Hindi ko po narinig 'yung ring ng cellphone ko." Lumapit si Mama sa akin at hinawakan ang likod ko. "Di ba sabi ko sayo wag kang mag papabasa ng likod mo?" "Sorry po Mama," "Mag bihis ka na ng damit mo at bumaba ka na para kumain," "Sige po." Akala ko papagalitan ako ni Mama dahil sa ginabi na akong umuwi ngunit hindi naman niya ako pinagalitan at nag alala pa siya sa akin dahil natuyuan ako ng pawis sa likod ko. Umakyat na ako sa silid ko at  nag palit na ako ng damit ko. "Tingnan mo hindi ka mahal ng magulang mo hindi ka man lang nila pinagalitan dahil ginabi ka na ng uwi. Wala na silang pakealam sayo dahil meron namang Agatha na pumumunan ng pwesto mo," sambit ng isang boses. "Ikaw na naman? Bakit hindi mo na lang ako lubayan! Mahal ako ng pamilya ko kaya mali ka ng sinasabi sa akin!" "Kung mahal ka nila bakit hindi mo subukang tanungin ang kapatid mo? Hindi ka nila mahal Syrina kaya kung ako sayo patayin mo na silang lahat," "H-hindi! Masama 'yang nasa isip mo," "Nababasa ko kung anong nasa isipan mo ngayon Syrina. Alam ko kung anong nasa puso at isipan mo kaya hindi mo ito maitatago sa akin," "Ano bang gusto mong gawin ko? Bakit ba ginugulo mo ako?" "Burahin na natin sila sa paningin mo lalo na si Agatha para hindi ka na mahirapan pa," "Paanong burahin?" "Wag ka nang mahiya. Sabihin mo na," "Gusto mong patayin ko ang kambal ko? Hindi! Mahal ko si Agatha!" "Nandyan siya sa likuran ng pinto at naririnig niya tayong dalawa." Kinabahan ako bigla sa sinabi niya dahil sa baka naririnig kaming dalawa ni Agatha na nag uusap. "Agatha?" tanong ko na lang bigla. Dahan-dahang bumukas ang pinto ng silid namin at nakita ko si Agatha na takot na nakatingin sa akin. "Anong ginagawa mo diyan?" galit na tanong ko sa kanya. "May k-kukunin lang sana ako. Ikaw ba bakit hindi ka pa din nagbibihis?" "Nag papahinga lang ako saglit," "Aaah sige-sige. Dalian mong bumaba para makapag hapunan na tayo," "Bakit?" "Kanina pa kasi kami nag hihintay sayo," "Bakit niyo pa ako hinintay na kumain?" "Bakit? May bago ba? Lagi naman tayong sabay-sabay kumain hindi ba?" "Sige. Magbibihis na ako at baba na rin ako," "Sige dalian mo at gutom na ako," "Ok!" Lumabas na si Agatha sa kwarto namin at naiwan na lang akong mag isa dito. "Sinabi ko na sayo mahal ako ng pamilya ko!" nakangiting sambit ko. Hindi tumugon ang boses na naririnig ko kaya nag bihis na lang ako ng pambahay at bumaba na ako sa kusina para kumain na ng hapunan kasama ang pamilya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD