Habang naglalakad ako pababa sa hagdan ay narinig kong nag kakasiyahan sila kaya pinag masdan ko muna sila mula sa malayo.
"Ma-Pa," sambit ni Agatha.
"Ano 'yun anak?"
"May ipapakita lang po sana ako sa inyo."
Nakangiting inabot ni Agatha ang isang kapirasong papel sa mga magulang namin. Agad na binuksan nila ito at nanlaki ang mga mata sabay yakap kay Agatha.
"Anong meron?" nagtatakang tanong ko sa sarili ko.
"Congrats anak! Napaka galing mo talaga!" masayang bati ni Mama kay Agatha.
"Hindi talaga kami nagkamali sa pagpapalaki sa inyo,"
"Kumusta pala ang kapatid mo? Asan ang report card niya?"
"Aah... A-ano p-po," utal na sambit ni Agatha.
"Ano? Bakit ganyan ka na mag salita?"
"Report card?" tanong ko sa sarili ko.
Agad akong bumaba sa hagdan para pag takpan ang nangyayari ngayon sa hapag kainan.
"Ano pong meron bakit ang saya-saya niyo?" tanong ko sa kanila.
"Matataas na naman ang grado ng kambal mo. Asan ang report card mo? Patingin ako ng mga grado mo,"
"Teka? Nasaan na nga 'yung report card ko? Check ko lang po sa bag ko,"
"Ok sige."
Tumayo sa upuan si Agatha at tumungo sa kusina. Sumenyas siya sa akin at pinalapit ako sa kanya. Dahan-dahan akong tumayo sa kinauupuan ko at tumungo ako sa pwesto kung nasaan siya.
"Bakit?" tanong ko agad sa kanya.
"Saan ka ba pumunta kanina at hindi ka pumasok sa last subject natin?"
"W-wala tinamad akong pumasok,"
"Alam mo namang adviser natin 'yung last subject natin. Paano kung biglang mag patawag ng meeting 'yan paano kita mapagtatakpan kila mama at papa?"
"Eeh kung sa tinamad nga akong pumasok anong magagawa ko?"
"Ooh heto kinuha ko na ang report card mo para naman hindi ka mapagalitan nila mama. Bakit bumaba grades mo? Anong nangyari sayo?" sambit niya sa akin habang abot-abot ang report card ko.
"Malay ko?"
"Hindi ka na siguro nag re-review. Asan ka ba pumunta kanina?"
"Wala ka na dun,"
"Bakit nag si-sekreto ka na sa akin ngayon?"
"Bakit ikaw lang ba pwedeng mag sekreto?"
"Anong sekreto ba ang sinasabi mo? Wala naman akong tinatago sayo aah?"
"Anong wala? Nakita ko kayo ni Yael kanina na nag lalampungan tapos sasabihin mo wala kang tinatago sa akin?"
Nanlaki ang mga mata ni Agatha sa narinig niya sa akin at bigla akong hinawakan sa kamay ko.
"Wag mo akong isusumbong kila mama, Syrina,"
"Bakit ko naman gagawin 'yun?"
Ngumiti siya sa akin at nag pasalamat.
"Salamat Syrina maaaasahan talaga kita,"
"Anong sinasabi mo? Isusumbong kita kila mama,"
"Wag!"
Tumakbo ako agad kila mama para isumbong si Agatha sa ginagawa niya sa school namin ngayon.
"Ma!" sigaw ko.
"Ooh? Asan na 'yung sinasabi kong report card mo,"
"Ito na."
Agad na inabot ni mama ang report card ko at tiningnan ito.
"Bakit ang bababa ng mga grades mo ngayon Sy? Nag aaral ka pa ba?"
"Opo naman,"
"Tingnan mo nga yung math mo? 92 'yan nung nakaraan tapos ngayon 89 nalang? Ang laki ng binababa,"
"Mataas pa rin naman ma,"
"Gusto ko pumantay ka sa kapatid mo,"
"Eeh kung hindi ko nga mapantayan anong gagawin ko? At tsaka nag aaral naman ako ng mabuti hindi katulad nung isa diyan lumalandi sa mismong school pa,"
"Ano-ano? Sinong lumalandi?"
"Edi tanungin niyo si Agatha para malaman niyo!"
"Totoo ba ito Agatha? Anong ginagawa mo sa school huh? Nag bo-boyfriend ka na ba?" galit na tanong ni mama kay Agatha.
Hindi makasagot si Agatha kay mama kaya ako na lang ang tumutugon para sa kanya.
"Sa katunayan nga ma nakita ko siyang nakikipag halikan sa lalaki kanina lang,"
"Ano!?" galit na tanong ni papa.
Tumayo sa kinauupuan si papa at galit na lumapit kay Agatha. Ako naman ay umupo ako sa upuan ko at kumuha ako ng pagkain ko. Hindi ko sila pinansin na tatlo habang nag dedeskasyunan sila dahil sa ginawa ni Agatha pero sa nangyayari ngayon ay nakakaramdam ako ng kasiyahan.
"Buti nga sayo! Ang landi-landi mo kasi!" inis na sambit ko sa sarili ko habang kumukuha ako ng pagkain ko.
Galit na galit si papa kay Agatha dahil sa ginawa niyang ito ngunit hindi rin tumagal ang galit nila sa kanya kaya pinaupo nila si Agatha sa upuan at inayang kumain muna ng hapunan bago muli silang tatlo na mag usap ng masinsinan.
Mangiyak-ngiyak si Agatha na umupo sa tabi ko sabay kinausap ako ng mahina.
"Bakit mo naman ako isinumbong?" tanong niya sa akin sa mahinang boses.
"Bakit naman hindi?" nakataray kong tanong sa kanya.
"Kayong dalawa! Kumain nga kayo diyan at magtutuos tayo mamaya Agatha,"
"Sorry po mama at papa." sambit naming dalawa.
Tahimik kaming kumain na mag anak dahil sa kaguluhan na dala ni Agatha. Hindi na ako muling nag salita pa dahil kapag nag salita pa akong muli ay alam kong mapupunta na naman sa akin ang galit nila mama at papa dahil nag babaan ang mga grado ko.
"Pag tapos nating kumain mag hugas ka ng pinggan Agatha dahil mag uusap pa tayong tatlo at ikaw naman Syrina umakyat ka na sa taas pagkatapos mong kumain at mag aral ka,"
"Sige po mama," tugon ko sa kanya.
"Gusto ko na magkaroon kayo ng maganda kinabukasan kaya ganito ako kahigpit sa grado niyo sana wag mong masamain ito anak,"
"Opo mama. Sa susunod po mag aaral na muli ako ng mabuti para maging proud kayo sa akin,"
"Proud naman kami sa inyong dalawa dahil sobrang nag pursigi kayong mag aral na dalawa ngunit hindi lang talaga ako sanay na nakikitang ganito ang grado mo Syrina dahil alam kong mas matalino ka kay Agatha,"
"Pasensya na po mama,"
"Sige na kumain ka na ng makapag pahinga ka na."
Tumango lang ako kay mama at kumain na muli ako.
"Mahal naman pala ako ng magulang ko kaya ganito sila kahigpit sa akin," sambit ko sa sarili ko. "Kung sino man 'yung kumakausap sa akin ngayon ay nagkakamali siya ng paratang sa magulang ko."
Lumipas ang ilang minuto ay tapos na akong kumain.
"Ma, akyat na po ako sa kwarto," sambit ko kay mama.
"Sige na anak mag aral ka na sa silid mo at si Agatha na ang bahala dito,"
"Sige po." nakangiting tugon ko sa kanya.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at dali-dali akong umakyat sa silid ko para mag pahinga. Tuwang-tuwa ako ngayon dahil nakikita kong pinapagalitan si Agatha. Kahit papaano nakabawi din ako sa kanya dahil sa pang aagaw niya sa akin kay Yael.
Umupo na ako sa computer desk ko at itinuloy ko nalang ang kwento na sinusulat ko sa laptop ko.
Pangiti-ngiti pa ako nito habang nag susulat kahit pa nakakatakot ang sinusulat ko ng dahan-dahang bumukas ang pinto ng silid namin.
Hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko ngunit malikot na gumagalaw ang mga mata ko sa paligid.
"Pwede ba layuan mo na ako!" sigaw ko habang nakatingin sa laptop ko.
"Anong sinisigaw mo dyan?" nagtatakang tanong ni Agatha sa akin.
"Ooh tapos ka na agad pagalitan?"
"Syempre baka best actress 'to! Salamat pala sayo Sy,"
"Bakit?"
"Kung hindi dahil sayo hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob na ipakilala si Yael kila papa at mama,"
"Ano? Dadalhin mo 'yung lalaking 'yun dito? Bakit?"
"Mahal ko siya Sy,"
"Mahal? Eeh kakakilala mo pa lang diyan!"
"Oo pero nung nakita ko siya parang ang gaan agad ng loob ko sa kanya,"
"Hindi mo siya pwedeng mahalin!"
"Bakit naman hindi?"
"Basta!"
"Ano na namang tinatago mo sa akin Sy?"
"Dahil ako ang unang nakilala ni Yael, Agatha! Ako dapat ang nasa posisyon mo ngayon!"
"Ano?" gulat na tanong niya sa akin.
"Ilang beses na kaming nagkakasalubong na dalawa at alam kong ako ang gusto niya hindi ikaw!"
"Paano mo naman nasabi na ikaw at hindi ako ang gusto niya?"
"Dahil dito."
Pinakita ko kay Agatha ang isang bracelet na gawa-gawa ko lang. Ito lang ang paraan ko para lubayan niya si Yael dahil akin lang si Yaekl at walang pwedeng umagaw sa kanya.
Galit na kinuha ni Agatha yung bracelet na pinakita ko sa kanya.
"Ano ito?" nakataray na tanong niya sa akin.
"Yan lang naman ang binigay ni Yael sa akin,"
"Kailan at saan?"
"Bakit ko sasabihin sayo? Kung ako sayo iiwasan ko na si Yael dahil napagkamalan ka lang niyang ako,"
"Kung talagang ikaw nga ang mahal ni Yael patunayan mo!"
"Anong gusto mong gawin ko?"
"Tawagan mo siya ngayon din!" galit na sambit niya sa akin.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ko si Jayson na may gusto sa akin at pinangalanan ko itong Yael.
Pinakita ko kay Agatha ang cellphone ko at agad niya itong hinablot sa akin. Nakipag agawan ako sa kanya dahil sinisimulan na niya itong tawagan.
Mabilis na sumagot si Jayson sa tawag ko at ibinigay sa akin ni Agatha pabalik ang cellphone ko.
"Sagutin mo ngayon itong tawag mo." seryosong sambit niya sa akin.
Napalunok ako sa kaba dahil nag sisinungaling lang naman ako kay Agatha ngunit tinototoo na nya.
"Hello?" tanong ni Jayson.
"Hello Yael! I miss you Babe!"
"Anong pinag sasabi mo diyan Sy?" tanong niya sa akin.
"I miss you!
"Kung ano-ano na pinag sasabi mo nababaliw ka na ba?"
"Sige na ba-bye na! I love you! Na miss mo naman ako agad!" nakangiting sambit ko.
"Akin na nga 'yung cellphone mo at ako na ang kakausap sa kanya!" sabat ni Agatha sa amin.
Bago pa man makuha ni Agatha ang cellphone ko ay pinatay ko na agad ang tawag ko sa kanya para hindi ako mabuko.
"Ano naniniwala ka na? Sabi ko sayo napag kamalan ka lang ni Yael na ako! Kaya kung ako sayo Agatha itigil-tigil mo na ang kahibangan mo!" galit na sambit ko sa kanya.
"Hindi!" sambit niya sa akin habang lumuluha.
"Tantanan mo na si Yael, Agatha kung ayaw mong masira tayong dalawa."
Hindi sumagot sa akin si Agatha dahil iyak na lang siya nang iyak. Sinubukan kong i-comfort si Agatha ngunit ni-refuse niya ito kaya bumalik na lang ako sa pag susulat ko ng kwento.
"Kawawang Agatha napaikot sa mga kasinungalingan ko." natatawang sambit ko sa sarili ko.
Natutuwa ako na nasasaktan si Agatha ngayon dahil totoo naman ako ang nauna kay Yael pero hindi ko sinabing ako ang minahal niya.
Kilala niya si Agatha kahit na magkapareho kami ng mukha ngunit hindi ko kayang bitawan si Yael para sa ikakaligaya ni Agatha.
"Ito na ang simula ng pag hihiganti ko sayo Agatha! Hintayin mo ang susunod na hakbang ko dahil hindi lang 'yan ang gagawin ko." galit na sambit ko.