Present time.
"Wala akong naaalala na hiniling ko sayo!" takot na sambit ko.
"Syrina 'yan ang tunay mong pangalan. Ginamit mo ang lahat-lahat ng meron sa kakambal mo. Pangalan, Kaibigan, Kasintahan kung ano pa,"
"Hindi totoo 'yan! Ako si Agatha! Ako lang!" galit na sambit ko sa kanya.
"Mag babago ang buhay mo ngayon Syrina pag dumating na ang tamang panahon. Babawiin ko na lahat ng sayo,"
"Wala kang pag mamay-ari sa akin!"
"Mawawala ng lahat sayo,"
"Tumigil ka!"
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang masama siyang nakatingin sa akin. Nagngangalit ang kanyang mga ngipin at namumula ang kanyang mga mata.
Paurong ako ng paurong sa likuran ko hanggang sa wala na akong pwestong maurungan. Namamawis at kinakabahan na ako sa mangyayari hanggang sa biglang kumabog ang dibdib ko at bumilis ang t***k ng puso ko ng tumakbo siya papunta sa akin.
Nagsisisigaw ako sa takot ng tumakbo siya sa akin at pumasok sa katawan ko.
"Agatha!"
"Agatha!"
"Agatha!"
Habang nag sisisigaw ako sa takot ay bigla kong narinig ang boses ni William. Yumayanig ang mundo ko at nahihilo ako sa pag galaw nito.
"Agatha! Gumising ka!" sigaw muli niya sa akin.
Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko sabay hagod ng hininga nang malalim. Napatingin ako kay William at napayakap na lang ako sa kanya ng sobrang higpit.
"Ano na namang nangyayari sayo?" nag aalalang tanong niya sa akin.
Nakatulala lang ako nito at nakatingin sa kawalan para akong nawawala sa sarili ko ngayon dahil sa nakita ko.
"Agatha!" sigaw niya muli sa akin sabay yugyog sa akin. "Ano bang nangyayari sayo?" tanong niya muli.
Habang nakatingin ako sa kawalan ay bigla na lang bumagsak ang luha sa mga mata ko. Hinawakan ni William ang pisngi ko at hinipo ito.
"Ginugulo ka na naman ba niya?" sambit niya sa akin sabay hawak ng mga kamay ko.
Hinawakan niya lang ang kamay ko at hinalikan ito.
"Gusto mo bang dun muna tayo sa bahay ko?" tanong niya sa akin.
Tumingin ako sa kanya at tumango.
"Ilayo mo muna ako dito sa bahay ko William gusto ko munang makalanghap ng tunay na hangin," malungkot na sambit ko sa kanya.
"Sige ilalayo kita dito. Gusto mo bang mag bakasyon tayo? Idadala kita sa bahay mo. Sa tunay na bahay mo,"
"Sa bahay ko? Bakit dun!"
"Gusto kong makita mo muli ang pamilya mo para naman maging masaya ka na ulit,"
"Ayoko! Wag!" galit na sambit ko sa kanya.
"Bakit? Bakit ayaw mong umuwi sa inyo?"
"Wag ka ng maraming tanong William. Ano idadala mo ba ako sa bahay mo o hindi?" galit na tanong ko sa kanya.
"S-sige."
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at binuksan ko ang ilaw sa silid ko.
"May peklat ka sa tagiliran mo? Anong nangyari diyan?"
Napatingin ako sa tagiliran ko at agad ko itong tinakpan.
"Anong merong diyan?" nagtatakang tanong niya sa akin.
"W-wala." utal kong tugon sa kanya.
Tumayo si William sa kinauupuan niya at lumapit sa akin para tingnan ang peklat ko sa tagilian ko.
"Anong nangyari diyan?" tanong niya sa akin. "Naoperahan ka? Aksidente?" paulit-ulit na tanong niya sa akin.
"Ang dami namang tanong! Nasaksak ako sa tagiliran ko noon," iritableng tugon ko sa kanya.
"Bakit? Paano?"
"May baliw na sumaksak sa akin kaya ako nagkaroon ng ganito. Hindi ako makapag suot ng ibang damit dahil dito,"
"Ilang taon ka nun?"
"Ang dami namang tanong William! Siguro mga college ako nun,"
"Mabuti naman nakayanan mo ang sakit na 'yan? Kung kilala na kita niyan hinding-hindi ka masasaktan dahil poprotektahan kita,"
"Sus! Kala mo naman talaga,"
"Baka simula noong bata ako matikas na 'to! Kayang-kaya kong pag sabayin 'yang mga masasamang loob na 'yan,"
"Sige na ang dami mo ng sinasabi diyan. Magsuot ka na ng short mo at pupunta na tayo sa bahay mo ngayon din,"
"Ok sige."
Lumabas na ako sa silid at dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. Sumunod din agad sa akin si William at inalalayan akong bumaba.
Bago ako tumapak sa huling baitang ng hagdan ay inunahan na ako ni William at pinilit na pinasan sa kanyang likuran.
"Ipapasan na kita, Magandang Binibini," nakangiting sambit niya sa akin.
"Aysus! Ang dami talagang alam sa buhay ng boyfriend kong ito."
Napatingin sa akin si William at gulat na nagtanong sa akin.
"Sinasagot mo sa akin?" tanogn niya sa akin.
"Malamang! Binigay ko na nga sayo 'yung puri ko tapos hindi pa kita sasagutin? Ano ako pokpok?"
"Hindi naman sa ganun. Kung sinasagot mo na ako sabihin mo nga mahal kita?"
"Hindi na tayo bata William syempre automatic na 'yun noh,"
"Sabihin mo na dali," pamimilit niya.
"Na ano ba?"
"Mahal kita William. Ganun!"
"Mahal kita William," sambit ko sa mahinang boses.
"Ang hina naman," inis na sambit niya.
"Mahal kita William,"
"Ang hina pa rin may ilalakas pa ba 'yan?"
"Mahal kita William!"
"Mahal din kita Agatha." malambing na sambit niya sa akin sabay halik sa labi ko.
Hindi naman ako nag pabebe pa at sumabay na lang din ako sa halik niya sa akin. Buhat-buhat pa rin ako ni William nito habang nagpapalitan kami ng halik sa isa't-isa ng bigla ko siyang pinigilan.
Itinapat ko ang hintuturo sa kanyang labi at pinigilan ko siya.
"Ssshhh..." pamimigil ko sa kanya. "Nadadala na naman tayong dalawa sa ginagawa natin tapos mamaya kung ano na namang mangyari niyan," pang aasar ko sa kanya.
"Sorry-sorry nadadala lang ako sobrang lambot kasi ng labi mo kaya parang gusto kong laging nakadikit ang mga labi ko sayo,"
"Napaka pokpok mo talaga,"
"Ssshhh... Wag kang maingay baka malaman nila," natatawang sambit niya sa akin.
"Halika na kaya sa bahay mo? Baka gusto mong mag grocery tayo para may pang stock tayo na foods dun?"
"Bakit lilipat ka na ba sa bahay ko?"
"Hala gago! Hindi naman sa ganun!"
"Aysus! Sige na lumipat ka na sa bahay ko para makatipid ka din ng upa at makasama mo ako,"
"Hala hindi naman 'yun ang gusto kong sabihin,"
"Eeh ano?"
"Syempre baka wala kang stocks ng pagkain diyan edi magutom lang ako diba?"
"Tingnan natin kung magutom ka sa bahay ko," pang aasar niya sa akin.
"Tingnan natin."
Lumakad na si William na buhat-buhat ako palabas ng bahay ko ng bigla akong nahiya.
"Parang nahihiya ako,"
"Saan?"
"Mamaya makita nila tayong dalawa,"
"Sus! Pakealam ba nila?"
Hindi pa din ako binaba ni William kahit pa sinasabi ko sa kanya na ibaba ako. Sobrang tigas ng mga braso at lumalabas ang mga ugat nito dahil sa pwersang inilalabas niya sa akin para mabuhat niya ako.
"Anong nagustuhan mo sa akin? William?" tanong ko sa kanya.
"Ikaw,"
"Anong ako? Eeh ikaw nga ang tinatanong ko?" asar na sambit ko sa kanya.
"Sabi ko ikaw. Ang buong ikaw ang nagustuhan ko,"
"Paanong buong ako? Medyo nag log ang utak ko ng kaunti dun,"
"Nagustuhan ko kung anong klaseng tao ka kahit pa sobrang sungit mo at napaka bungangera,"
"Grabe sa bungangera huh?"
"Bakit hindi ba? Pero kahit pa ganyan ka mahal kita."
Hindi ko alam kung anong itutugon ko pa kay William dahil sobrang kinikilig na ako ngayon. Akalain mo 'yun? May lalaki pa palang mag kakagusto sa katulad kong tao? Kaso magugustuhan pa ba niya ako kapag nalaman niya ang tunay na pagkatao ko?
Mabilis lang kaming nakarating sa bahay niya sapagkat katabing apartment ko lang siya. Pagbukas na pagbukas ng pinto niya ay laking gulat ko sa nakita ko.
"Wow!" bigla ko na lang nasambit.
Sobrang namangha ako sa itsura ng apartment niya dahil ibang-iba ito sa itsura ng akin. Napakagara ng chandelier niya sa kusina at talagang may semi divider pa sa kusina sa sala. Hindi katulad ng akin na magkasama na ang kusina at sala.
"Grabe! Hindi mo naman sinabi sa akin na maganda pala apartment mo?"
"Sabi ko sayo maganda apartment ko eeh," nakangisi niyang sambit sa akin.
"Kaya pala ang daming babaeng napunta dito maganda ang ambiance," pang aasar ko sa kanya.
"Ayan na naman ang past Agatha! pwede bang kalimutan na natin ang nakaraan at umusad tayong pareho sa kasalukuyan?"
"Call! Ibabaon na natin ang lahat ng nakaraan at walang sino man ang mag tatanong o mag uungkat ng nakaraan nating dalawa para maganda ang simula natin pareho," sambit ko sa kanya.
"Sige ba! Kalimutan mo na lahat ng naging babae ko at kakalimutan ko lahat ng naging lalake mo,"
"Sus! Wala naman ako nun,"
"Kahit may Zach at Doc Kim ka?"
"Ayy nako nag seselos pala siya dun," pang aasar ko sa kanya.
"Hindi noh!"
"Ayaw pang umamin! Sige na lulubayan ko na sila kahit pa mga kaibigan ko sila,"
"Mabuti naman," nakangiting sambit niya sa akin. "Gusto mo bang i-tour kita sa bahay ko?"
"Wow! may pa tour pa nga! Akala mo naman talaga hindi tayo magkapareho ng set up ano?"
"Hindi nga,"
"Ok so may divider ka nga tapos?"
"Akyat tayo sa taas."
Pumanik kaming dalawa ni William sa silid niya at nagulat ako na mas malaki ito kaysa sa akin.
"Bakit parang mas malaki pa bahay mo sa akin?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"See," natatawang tugon niya sa akin. "Sabi ko sayo eeh mas maganda at mas malaki ang bahay ko sayo," natatawang sambit niya sa akin.
"So may favoritism ang mga may ari dito kaya hindi tayo mag ka size ng bahay? Ganun ba 'yun?"
"Pinaayos ko talaga itong bahay na 'to at pinag gastusan. Napapansin mo bang mag kaiba tayo ng mga gamit sa flooring? at sa mga designs? Kasi ako mismo ang gumastos nito,"
"Aaahhh edi ikaw na ang mayaman. Teka ano bang work mo at ang ganda-ganda ng bahay mo?"
"Palams,"
"Palams? Ano na naman ba 'yan William?" asar na tanong ko sa kanya.
"Palamunin!" natatawang tugon niya sa akin.
"Wow sa palamunin huh! So ibig sabihin nito mayaman ang pamilya mo? ganun ba 'yun?"
"Well kinda?"
"Edi sana all!"
"Joke lang may sariling kumpanya lang ako,"
"Wow! Di nga?"
"Oo may construction, travel and realty company ako,"
"Wow! Ang dami! So meaning ba nito sobrang yaman mo?"
"Oo,"
"Bakit parang hindi halata?"
"Kailangan bang mag suot ako ng mga alahas para lang mag mukha akong mayaman?"
"Hindi naman sa ganun,"
"Dala-dala na nga ng mukha ko ang pagiging mayaman eeh,"
"Wow huh! Ang kapal mo sagad!"
"Baka ikaw sagarin ko diyan makita mo!"
Napanguso ako kay William at ikinalat ko muli ang tingin ko sa silid niya. Umupo ako sa kama niya at sa pag upo ko ay umalog ang buong katawan ko.
Nanlambot ang mga buto ko at kinilabutan ang katawan ko ng umupo ako dito kaya madali lang din akong tumayo.
"Bakit?" natatawang tanong sa akin ni William.
"Bakit ganyan ang kama mo?"
"Water bed 'yan,"
"Bakit naman ganyan 'yung kama mo? Mamaya pumutok 'yan sa sobrang galaw mo!"
"Gusto mo ba ma-try?"
"Tsss.... Ayoko nga!"
"Sige na,"
"Ayoko!"
Dahan-dahang lumapit sa akin si William at sabay tulak sa akin sa kama niya. Napatilapon ako sa kama niya at umalog ito ng sobrang lakas.
Napahawak ako ng mahigpit sa kama niya habang patuloy itong gumagalaw ng biglang pumatong si William sa akin. Tinitigan niya ako sa mata ko at bigla na lang akong hinalikan sa aking labi.
Napapikit ako sa halik niyang ito. Pumikit lang ako ng mga oras na ito habang nag hihintay ng kasunod na halik ngunit walang sumunod na halik niya kaya idinilat ko na ang mga mata ko.
Pag dilat ng mga mata ko ay nakita kong nakatitig sa aking mga mata si William sobrang lapit namin sa isa't-isa nito kaya napapaduling na ako na nakatingin sa kanya.
Ngumiti siya sa akin. Sobrang nakakatunaw ang mga tingin at ngiti niya sa akin dahil kapag ngumingiti siya sa akin ay nawawala ang mga mata niya.
"Ang pogi mo noh?" bigla ko na lang nasambit sa kanya sabay pisil ng pisngi niya.
Ngumiti lang sa akin si William bilang tugon at humiga na sa tabi ko. Inayos ko lang ang higa ko nito at ilang sandali pa ay humikab-hikab na ako.
"Nakakaantok naman dito sa kama mo,"
"Sabi mo pa," tugon niya sa akin. "Tara tulog tayo ulit,"
"Sige."
Ipinikit ko ang mga mata ko at hindi din nag tagal ay nakatulog ako.