EPISODE 34

2032 Words
Kinabukasan. Pag gising na pag gising ko ay nakaramdam agad ako ng gutom kaya tumayo ako agad sa kinahihigaan ko. "William?" tawag ko. Ngunit wala si William sa tabi ko kaya palinga-linga ako sa paligid ng may naamoy akong mabango sa pang amoy ko. "Hmmm... Ginisang bawang?" nakangiting sambit ko. Binuksan ko ang pinto ng kwarto niya at bumaba ako ng hagdan. Habang pababa ako ng pababa ay mas lalong umalingasaw ang aroma ng bawang. "Ang sarap naman ng amoy na 'yan!" masayang sambit ko. Dahil sa divider ng sala at kusina ni William ay hindi ko siya nakita kaagad.  "Ang hirap din pala ng may divider noh?" tanong ko sa kanya. Papalapit ako ng papalapit sa kusina nito ng biglang narinig ko ang boses ni mama. "Kain na mga anak!" tawag niya sa amin. Napatingin ako sa paligid ko at bigla itong nagbago. Nasa bahay na ulit ako. "Mama?" tanong ko sa kanya. Agad na lumingon si mama sa akin at ngumiti. "Gising ka na pala anak ko. Halika na dito at kakain na tayo," paanyaya niya sa akin. "Ma?" nag tatakang tanong ko sa kanya. "Ooh? Bakit parang gulat na gulat ka diyan? Teka? Bakit nakapanty ka lang diyan?" Napatingin ako sa katawan ko at nakita kong naka panty at bra lang ako. Bigla akong nahiya kay mama kaya agad kong tinakpan ang katawan ko at tumakbo ako paakyat sa silid ko. "Tawagin mo na kambal mo huh!" sigaw niya mula sa kusina. "Opo mama!" Bawat galaw ko ay nag babago ang kapaligiran hindi ko alam kung anong nangyayari ngayon. Habang nag bibihis ako ay ginising ko na si Agatha para makapag agahan na din siya. "Agatha," sambit ko sa kanya. "Agatha!" sigaw ko sa kanya. Gumalaw lang ng bahagya si Agatha at tumalikod muli sa akin. "Agatha!" sigaw ko sa kanya habang niyuyogyog siya. "Ooh? Ano ba 'yun?" "Gumising ka na diyan at kakain na tayo!" inis na sigaw ko sa kanya sabay tadyak sa likuran niya. "Aray ko!" sigaw niya habang namimilipit sa sakit. "Bumangon ka na diyan kung ayaw mong tadyakan kita ulit!" inis na sambit ko sa kanya. "Babangon na nga eeh! Punyeta naman 'to ang aga-aga ang init ng ulo!" "Masarap 'yung ulam kaya dalian mo!" "Sige." Tumayo na sa si Agatha para mag unat-unat ng katawan niya kaya lumabas na ako ng silid namin. Habang naglalakad ako papunta ng kusina ay pailing-iling na lang ako.  "Totoo ba 'tong nangyayari ngayon o panaginip ko lang?" tanong ko sa sarili ko. Para mapatunayan na nananaginip lang ako ay kinurot ko ang braso ko at nakaramdam ako ng sakit at hapdi sa balat ko. "Araaayyy!" sigaw ko habang kurot-kurot ang braso ko. "Totoo nga!" sambit ko. "Anong ginagawa mo?" tanong ni Agatha sa akin habang nagtatakang nakatingin. "Kurutin mo nga ako," utos ko sa kanya. "Bakit ko naman gagawin 'yun?" tanong niya sa akin. "Gusto ko lang malaman kung panaginip lang ba ito o totoo na." Lumapit sa akin si Agatha at kinurot ako sa kamay ko. "Aray!" sigaw ko. "Masakit ba?" tanong niya sa akin. "Ang sakit naman ng kurot mo!" "Sabi mo kasi kurutin kita tapos ngayon naman nagagalit ka na sa akin," "Oo nga sinabi ko nga na kurutin mo ako pero hindi ko naman sinabi na lakasan mo!" "Ano na naman 'yang pinag aawayan niyong dalawa diyan?" tanong ni mama sa aming ni Agatha. "W-wla po mama," tugon ko. "Agatha, Ano na naman 'yang ginagawa mo sa kapatid mo?" "Po? Wala naman akong ginagawa kay Sy siya po itong nag pakurot sa akin," "Alam mo namang mahina ang pangangatawan ng kapatid mo tapos sinunod mo pa ang gusto niya," "Sorry po mama," "Sorry din po mama kung nagalit kayo," singit ko. "Halina kayo at mag agahan na tayo. Papasok pa kayo sa school," "Sige po mama." tugon naming dalawa. Bumaba na kaming tatlo sa kusina at kumain na kami sa hapag kainan. Masaya akong kumakain ng mga oras na ito ng biglang nalang nagbago ang kapaligiran. "Agatha? Tulala ka na naman diyan," sambit ni William sa akin. "Huh?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Unti-unting nagbago ang kapaligiran at bigla na lang akong bumalik sa ulirat ko. "Kanina ka pa tulala diyan. Ano bang nangyayari sayo?" tanong ni William sa akin. "Huh? Asan sila mama?" tanong ko na lang bigla sa kanya. "Mama? mama mo ba?" "Oo 'yung mama ko at 'yung kapatid ko," "Tayong dalawa lang dito sa bahay ko. Bakit mo naman hinahanap pamilya mo dito?" tanong niya sa akin. "Na-miss mo na ba sila? Sabi ko na nga ba gusto mo na umuwi sa inyo eeh," "Huh? Hindi tinanong ko lang kasi parang totoo lang?" "Ang alin?" "W-wala," "Hay nako gutom lang 'yan! Halika na at kumain na tayong dalawa dahil nag luto ako ng masarap na agahan," "Wow! Anong niluto mo?" "Cornbeef na maraming sibuyas at ginisang bawang," "Paborito ko 'yan!" "Totoo?  Ito rin ang paborito kong agahan," "Pareho tayo!" sabay naming sambit. Nag ngitian kaming dalawa at pagkatapos ay kumain na kami. Sa ngayon parang nakakabaliw na ang nangyayari sa akin sapagkat paiba-iba na ang nangyayari sa akin ngayon. "Papasok na ako sa trabahoo bukas nababaliw lang ako kapag wala akong ginagawa," "Gusto mo bang ipasyal muna kita sa mall bago ka pumasok ng trabaho bukas?" "Hmm... Pwede naman! Gusto mo mag grocery tayo ng pagkain para may stock tayo dito sa bahay mo?" "May grocery ka pa sa bahay mo 'di ba?" "Kasya na ba 'yun? Parang gusto kong bumili ng mga bagong gamit," "Sa bahay mo? Hindi mo na kailangan pa ng mga ganun dahil dito ka na sa bahay ko titira simula ngayon," "Ngayon na?"  "Lilipat ka na ngayon dito sa akin at pagkatapos nun ay lilipat din tayo sa iba kong bahay," "Talaga?" "Oo! Gusto kong mawala na ang mga agam-agam mo upang makapamuhay ka na ng maayos," sambit niya sa akin. "Ilalayo na kita dito sa lugar na ito at gagawa tayo ng panibagong memorya sa isa't-isa." Biglang uminit ang mga mata ko at napaluha ako sa harap ni William. "Sobrang saya ko dahil nahanap mo ako, William," maluha-luhang sambit ko sa kanya. "Tatanggalin ko lahat ng takot sa puso mo at lilinisin ko ang isip mo upang makapag simula tayong dalawa ng maayos," malambing na sambit niya sa akin. "Magtulungan tayong dalawa para sa ikatatagal at ikabubuti ng ating relasyon," "Oo! Gagawin ko ang lahat-lahat para sayo," "Mahal kita Agatha," "Mahal na mahal din kita William." Muling nag tagpo ang aming mga labi ngunit natigil din ito agad ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ito agad at nakita kong si Ma'am Angela ang tumatawag. "Teka sagutin ko lang ito," sambit ko kay William. "Sige lang." Ngumiti ako sa kanya at sinagot ko na ang tawag ni Ma'am Angela. "Ano 'yun Ma'am?" tanong ko agad sa kanya. "Wala naman! Kakamustahin lang kita," "Hayyssst! Ma'am naman eeh!" "Ooh? Bakit?" "Naudlot!" inis na sambit ko sa kanya. "Ayy sorry naman! Sige na ba-bye na!" "Bye na!" "Teka! Baka naman inaraw-araw mo na 'yan aah? Mamaya bundat ka na pag pasok mo?" "Hindi naman siguro," "Ooh siya! Paalam na!" natatawang sambit niya sa akin. "Sige na! Matulog ka na at gagala kami ng boyfriend ko," "Naku boyfriend pa nga! Sige na!" pang aasar niya sa akin. Pinatay na ni Ma'am Angela ang tawag niya sa akin at ipinag patuloy ko na ang pag kain ko. "Kain na tayo at ng makaalis na tayo," sambit ko kay William. "Sige." Lumipas ang ilang minuto namin na tawanan, kwentuhan at pag kain ng almusal ay natapos na din kaming kumain. "Pwede bang mag sabay tayong maligo na dalawa?" tanong ni William sa akin. "Huh?" "Sabay tayong maligo?" "Talagang sinasagad mo ako aah? Gusto mo bang maaga akong mapudpod?" "Gusto ko lang mahawakan at masabon ang katawan mo," "Manyak!" inis na sigaw ko sa kanya. "Maligo kang mag isa mo!" "Joke! Ito naman biro lang eeh," "Sige na uuwi na muna ako sa bahay para kumuha ng pamalit ko tapos aalis na tayo," "Ok po." Pagkatapos naming kumain na dalawa ay umalis ako sa bahay niya upang kumuha ng mga damit ko.  Mabilis akong lumabas sa bahay ni William at tumungo sa bahay ko upang kumuha ng damit ko. Pangiti-ngiti pa ako nito habang binubuksan ang kandado ng pintuan ko. Kilig na kilig ako kay William kahit pa may pagka-malibog siya ngunit ito ang pinasok ko kaya dapat lang na panindigan ko. Kinuha ko agad ang mga gamit ko na pwede kong idala sa bahay ni William at pagkatapos nito ay bumalik na ako agad sa bahay niya. Nakangiti pa ako nito ng lumabas ako ng bahay ko dala-dala ang bag na pinag impakehan  ko ng mga damit ko ngunit pag punta ko doon sa bahay ni William ay may narinig akong boses ng babae. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng bahay niya at nakita ko ang isang babae na nakaupo sa sofa niya. Nag init ang ulo ko sa nakita ko at patabog akong pumasok ng bahay ni William. "William?" tawag ko agad ng pangalan niya. Agad namang sumagot si William sa akin at lumapit sa akin. "Si Agatha pala girlfriend ko." pakilala niya sa babae. Tumingin mula baba hanggang pataas ang babae sa akin at tinarayan ako. "Ito na ba 'yung pinalit mo sa akin? Ewww!" nandidiring sambi niya. "Agatha is way better than you Kendra," asar na tugon ni William sa kanya. "Better saan? Does she have a lot of money? Jewelries? Wealth?" tanong niya. "She has a big heart at hindi siya katulad mong gold digger! You've just used me Kends!" "What the hell are you talking about William? My family is rich so paano kita ginamit? And duh! Hindi ako gold digger mayaman ako!" "You cheated on me!" "Wait? What? Parang ikaw ang nag cheat sa ating dalawa 'di ba? So ano mag papabango ka sa bago mo?" "Excuse me lang ale huh? Kasi parang nakakalimutan mo na ex ka na at may bago na siya. So ano pang pinuputok ng butchi mo diyan? Libre naman mag move on 'di ba?" singit ko sa kanila.  "Ale? Manalamin ka nga para malaman mo kung sino ang mukhang manang sa ating dalawa?" galit na sambit niya sa akin. "Kendra, pwede bang umalis ka na? Lubayan mo na kami ni Agatha." pakiusap ni William sa kanya. Lumapit si Kendra kay William at bigla na lang niyang hinalikan si William sa kanyang labi. Nanlaki ang mga mata ni William at itinulak niya si Kendra palayo sa kanya. Nag init ang ulo ko sa ginawa ni Kendra at sinugot ko agad siya. Hinila ko ang buhok niya at kinaladkad ko siya palayo kay William. "Ayaw mong umalis huh! Sige! Ginusto mo 'to huh!" sigaw ko sa kanya habang nakahawak sa buhok niya at hila-hila siya palabas. "Kung ayaw mong mabangasan 'yang mukha mo lumayo ka sa aming dalawa!" galit na sambit ko sa kanya. Hindi ko binitawanan ang buhok ni Kendra hanggang sa makalabas kami ng bahay ni William. Walang magawa si William sa akin dahil hindi ko binibitawan ang buhok niya kahit pa tinatanggal na ni William ang kamay ko. "Ayan ang nararapat sa mag pokpok na kagaya mo! Putang ina mo bumalik ka pa dito ihahampas ko sayo 'yung bote!" galit na galit kong sigaw sa kanya. "Tama na Agatha," pamimigil sa akin ni William. "Ikaw din putang ina mo din! Jinowa-jowa mo ako tapos mag papapasok ka sa bahay mo at mag papahalik ka sa labi at sa harapan ko pa huh?!" "Let me explain Agatha," "No! Hindi na kailangan! Uuwi na ako sa bahay ko at wag na wag mo akong guguluhin!" galit na sambit ko kay William. Lumayas na ako sa harapan ni William at nilapitan ko muli si Kendra. "Makita ko pa pagmumukha mo dito mayayare ka talaga sa akin!" sigaw ko sa kanya. Pagtalikod ko sa dalawa ay agad akong pumunta sa apartment ko at ilock ko agad ang pinto nito. Sinundan ako ni William ngunit hindi siya nakapasok sa apartment ko dahil nag madali akong sinara ito. Sigaw ng sigaw si William sa labas ng pinto ko ngunit hindi ko siya pinapakinggan at umiiyak na lang akong umupo sa sofa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD