EPISODE 35

2174 Words
Iyak lang ako nang iyak ng mga oras na ito dahil sa nararamdaman ko.  "Bago pa lang tayong dalawa William may ganito na agad!" inis na sambit ko habang umiiyak. Nag iinit ang katawan ko sa galit kaya umupo muna ako sa sofa at nag palamig ng ulo ko. "Isa pang lapit mo sa boyfriend ko Kendra may kalalagyan ka sa akin!" inis na sigaw ko. Nakaupo lang ako sa upuan ko nito ng biglang kumalabog ang pinto ng apartment ko. Alam kong si William 'yun dahil kanina pa siya nag wawala sa labas ng bahay ko. "Umalis ka na William! Ayokong makita ka!" sigaw ko. "Agatha! please! hindi ko naman pinapasok si Kendra sa bahay ko siya ang mismong pumasok!" "Wala akong pake! Magsama kayong dalawa!" "Aga naman!" Hindi ko na pinansing muli si William at tumungo ako sa kwarto ko. Mabuti na talaga ang lagay ko ngayon at wala ng bakas ng naospital ako. Mga pasa na lang ang meron sa binti ko ngunit kakaunti at maliit na lang ito. Pag akyat ko sa silid ko ay binuksan ko agad ang cabinet ko at nag hanap ako ng magandang damit ko doon. Tinanggal ko lahat ng damit ko dito ngunit ni isa ay wala akong nakita na sexy at maganda kong damit kaya pinag pupunit ko ang mga ito. "Bahala na!" inis na sambit ko. Bumaba muli ako sa sala para kunin ang tuwalya ko at pagkatapos nito ay tumungo ako agad sa banyo upang maligo. Nagbasa agad ako ng katawan ko at nagsabon. "Let's see kung sino mukang manang sa ating dalawa." nakangiti kong sambit habang nakatingin sa salamin. "Just kill her," sambit ng isang boses. "Hindi pa napapanahon para diyan! Wag mo akong pangunahan sa desisyon ko sa buhay!" Pangiti-ngiti lang ako nito habang naliligo hanggang matapos ako. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako sa banyo at tumungo na ako sa silid ko. Ginawan ko ng paraan ang mga damit na pinag gugulanit ko dahil kahit pambahay ko ay wala na akong masusuot dahil sa inis ko kanina. Punit-punit ang damit na sinuot ko ngunit naging disenyo naman ito na nagbigay ng kaunting ganda sa paningin ng tao. Dahil sa hindi ako mahilig mag make up ay lipstick lang ang meron ako. Ginamit ko ito sa iba't-ibang bahagi ng mukha ko upang mabigyan niya ng kaunting kulay ang maputla kong balat. Pagkatapos ko ayusin ang mukha ko ay nagpabango na ako ng katawan ko at bumaba ako sa baba para umalis ng bahay. Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si William na nakaupo sa tabi ng pintuan ko. Napatayo siya na gulat na nakatingin sa akin. "Anong ginawa mo?" gulat na tanong niya sa akin. "Sinira ko lahat ng mga damit ko at ngayon ay bibili ako sa mall para naman may panlaban ako sa ex mo 'di ba?!"  "You don't need to prove yourself to her. I love you just the way you are," "Pwede tigilan mo ako sa mga malalambing mong salita? Naiirita ako! Pabayaan mo akong ayusin ang sarili ko," "Kung 'yan ang gusto mo." Nilampasan ko lang si William ngunit bigla niyang hinablot ang kamay ko. "Sa tingin mo ba papayagan kitang lumabas na ganyan ka? No!" inis na sambit niya sa akin sabay hila sa akin papunta sa apartment niya.  "Bitawan mo ako!" "No! not gonna happen." nakangiti niyang sambit sa akin. Madali niyang binuksan ang pinto ng apartment niya at ipinasok ako sa loob. Binuhat niya ako patungo sa sala niya ngunit kahit pa ilabas niya ang napakalalim na dimple niya ay hindi niya agad ako mapapaamo. Ibinaba niya ako sa sofa at pagkatapos ay mabilis na umalis sa harapan ko. "Wait here." sambit niya sa akin sabay alis sa harapan ko. Natalim ang tingin ko sa kanya habang sinusundan siya kung saan siya tutungo. Lumipas lang ang ilang minuto ay dumating agad si William na may hawak-hawak na leather jacket. "Ooh? Anong meron diyan?" tanong ko sa kanya. "Suotin mo 'to para naman matakpan 'yan hita mo at syempre sasama ako sa pamimili mo ng damit mo," "Luh invited ka?" "Kahit hindi mo pa ako isama ay sasama talaga ako," "Paano kung ayoko?" "Wala kang magagawa dahil boyfriend mo ako." Nakasimangot lang akong nakatingin sa kanya ng bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang pisngi ko. "Wait!" sambit niya sabay alis sa tabi ko. Pagbalik ni William ay may dala-dala siyang wipes. "May tatanggalin lang ako kasi naiirita ako diyan eeh," inis na sambit niya sa akin sabay punas sa mukha ko. "Huy!" "Ssshhh... Wag kang makulit!" "Pinag hirapan ko 'yan eeh!" inis na sambit ko sa kanya. "Ayan ok na! Ang ganda talaga ng asawa ko." Nanlaki ang mga mata ko na nakatingin sa kanya sabay ngiti na lang sa kanya. Hinawakan ni William ang kamay ko at inaaya na akong umalis. Napawi lahat ng galit ko sa mga ngiti at pag aasikaso niya sa akin. Si William ang naging stress reliever ko ngayon dahil ginagawa niya ang lahat ng bagay na makakabuti sa akin at makakatulong sa akin. Isinuot niya sa akin 'yung leather jacket na dala-dala niya. Paglabas namin sa apartment ay sumakay na kami ng taxi para makapunta kami sa mall. Medyo rush hour na ng mga oras na ito kaya ang mga sasakyan sa kalsada ay bumper to bumper na. "Anong gusto mong bilhin na damit mo?" tanong ni William sa akin. "Hmmm... Kahit ano basta 'yung magandang tingnan," "Ok sige," "Mag papaayos din ako ng buhok ko at mag papablonde para magbago naman ang itsura ko," "Ok sige," "Bibili ako ng cosmetic products," "Ok sige," "Bibili din ako ng mga heels ko," "Ok sige," "Tapos mga bags," "Ok sige," "Bakit puro ok sige na lang tinutugon mo sa akin?" "Ano ba dapat?" "W-wala naman," "Gawin mo kung anong gusto mo basta su-support lang ako sayo." Ngumiti ako sa kanya at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Lumipas ang kalahating oras namin sa daan ay nakarating na kami sa mall. Pagbaba na pagkababa ko pa lang ay nagtingin na agad ang mga tao sa akin. Bigla akong nahiya sa sarili ko kaya hinawakan ko 'yung leather jacket at itinakip ko sa katawan ko. "Ooh bakit nag tatakip ka ngayon diyan?" natatawang sambit ni William sa akin. "Kasi 'yung mga tao nakatingin sa akin," nahihiyang tugon ko sa kanya. "Yan ang gusto mo 'di ba? Ang tingnan ka ng mga tao?" "Hindi naman 'yung parang nanununaw ng tingin," "Nakita mo ba kung anong itsura mo ngayon?" natatawang sambit niya sa akin. "Ano?" "Para kang baliw na sexy na ewan!" natatawang sambit niya. "William!" sigaw ko. "Halika na at tumingin na tayo ng mga damit na gusto mo para makapag palit ka na agad ngayon," "Sige." Habang naglalakad kami ni William ay hindi mawala sa tingin ko ang damit na suot-suot ko. Lagi kong nililislis ang jacket na suot ko pababa para matakpan ang hita ko. "Malayo pa ba tayo?" mahinang tanong ko sa kanya. "Malapit na." Nakayuko lang ako nito habang naglalakad kami ni WIlliam hanggang sa nakarating kami sa department store. "Pumili ka na agad ng damit mo diyan at isuot mo na para makatingin ka naman sa paligid mo," natatawang sambit ni William sa akin. "Tsss... Ewan ko sayo!" Tumingin ako agad ng mga damit ko sa harapan ko at ganu pa rin ang gusto ko mga sexy na damit pero hindi masyadong revealing. Kumuha ako ng limang dress at pumasok na ako sa fitting room. Isinukat ko agad ang mga ito at ipinakita kay William ang mga damit. Aprubado naman lahat ng damit ko sa kinuha kaya binili ko na ito. Isinuot ko na 'yung isang damit na napili ko dahil gandang-ganda ako dito. "Saan naman ang gusto mong puntahan natin?" tanong niya sa akin. "Sa salon naman," "Sigurado ka ba diyan?" tanong niya sa akin sabay tingin sa paa ko. "Ayy... Sa mga sandals pala muna." nakangisi kong sambit sa kanya. Umalis na kami sa department store at pumunta naman kami sa bilihan ng mga sapatos at sandals. Para akong ignorante ngayon dahil simula ng nag trabaho ako ngayon lang din ako nakabili ng gamit ko. Iniipon ko lang kasi ang pera ko at hindi ito ipinapambili ng gamit ko. Isinukat ko agad ang mga sandals na nagustuhan ko at pagkatapos nito ay binili ko na. "Ok na ba?" nakangiting tanong ko kay William. "Ok na!" tugon niya sa akin. Pumunta na kami ngayon sa salon at doon ay pinaayos ko ang buhok ko. Matagal-tagal na din kasi 'yung huling pagupit ko ng buhok ko kaya medyo may kahabaan na din ang buhok ko ngayon. "Ano pong gusto niyong mangyari sa buhok niyo?" tanong ng isang babae sa akin. "Bahala na kayo basta gusto ko gumanda akong tingnan." Binigyan niya ako ng brochure at nakita ko agad ang isang buhok na gustong-gusto ko. "Ito!" sabay turo ko sa kanya. "Ok po." Napili ko 'yung buhok na may kahabaan pa at ashblonde yung kulay niya parang pang barbie na itsura. Kinikilig ako sa magiging resulta ng pag papasalon ko ngayon. Nasa tabi ko lang si William habang inaayusan ako ng buhok nakatingin lang siya sa akin nito at pangiti-ngiti. "Pinag titripan mo na naman ako aah," nakataray na sambit ko sa kanya. "Kahit hindi?" "Pag natapos 'to tingnan natin kung makakatawa ka pa," inis na sambit ko sa kanya. "Sige na po. Sorry na." Sinungitan ko lang si William at tumingin na ako sa malaking salamin sa harapan ko. Nakikita ko ang sarili ko at ang buong paligid na punong-puno ng mga tao. "Ang laki ng salamin niyo dito," sambit ko sa babae. "Oo para makita mo ang sarili mo," sambit ng babae. "Anong sabi mo?" tanong ko sa kanya. "Po? Kinakausap niyo po ba ako?" nagtatakang tanong niya sa akin. "Ang sabi ko kasi. Ang laki ng salamin niyo dito tapos sinagot mo ako ng para makita ko ang sarili ko," "Aaah? Wala po akong sinasabi na ganun." Hindi ko na siya tinugon at tumirik na lang ang mga mata ko na nakatingin sa kanya. "Grabe 'yung tingin nila sa boyfriend mo ooh? Aagawin nila sayo 'yan," "Anong sabi mo?" galit na tanong ko sa kanya. "Huh?" gulat na tanong niya sa akin. "Lahat sila gustong agawin si William sayo kaya kung ako sayo itabi mo lang ang boyfriend mo sayo," "William?" tawag ko sa kanya. "Bakit?" agad naman na tugon niya sa akin. "Diyan ka lang sa tabi ko huh! Wag kang aalis diyan," "Sige dito lang ako." Itinuon ko ang atensyon ko sa salamin na nasa harapan ko ng bigla kong nakitang nagbago ang lahat ng mga mukha nila.  Napatayo ako sa upuan ko at kinakabahan akong tumingin sa kanila. "What happen?" tanong ni William sa akin habang nag aalalang nakatingin. "W-wala naman," "Hahawakan ko lang ang mga kamay mo para maging ok ka na." Lumapit sa akin si William at hinawakan lang ang kamay ko hanggang matapos ang session ko. Sa tuwing hinahawakan ako ni William ay kumakalma ang paningin ko at nawawala ang takot ko. "Sana all sweet ang boyfriend." sambit ng nag kukulay ng buhok ko. Napatingin ako sa kanya at ngumiti na lang ako bilang tugon sa sinabi niya. "Pagkatapos kong i-bleach ang buhok mo ay mag hihintay tayo ng isang oras para mafully cure siya at maging maganda ang kakalabasan ng kulay ng buhok mo kapag inapply na natin ito mamaya. Kung gusto mo kain muna kayo at pagkatapos ay balik ka dito," "Ok sige." Tumayo na ako sa kinauupuan ko at lumabas kami ni William ng salon para kumain sa labas. "Ok lang sayo na lumabas na ganyan ang buhok mo?" tanong niya sa akin. "Ok lang naman," "Ako kasi hindi ang baho!"  "Grabe ka! Sige na babalik na ako sa salon at doon na lang ako kakain," "Bilhan na lang kita ng pagkain mo para hindi ka na magkalat ng lagim dito," "Letse ka talaga! Sige na!" inis na sambit ko sa kanya. Bumalik na ako sa salon at umupo na lang ako sa bakanteng upuan at doon ay kinalikot ko na lang ang cellphone ko habang hinihintay ko si William na bumalik. Pag kaalis na pagkaalis ni William ay biglang dumating si Kendra. "Bakit nandito 'yan?" inis na sambit ko. Binati siya ng mga babaeng nasa loob ng salon at agad na inasikaso. Sobrang bine-baby nila ang bruhang 'yun. Inilihis ko ang tingin ko para hindi magsalubong ang mga tingin naming dalawa dahil nag iinit na naman ang ulo ko sa nakikita ko. "Sa dami-dami ng mall dito bakit talagang nandito pa kami nag kita?" inis na sambit ko. Wala namang nangyari sa mga minuto na ito at tahimik lang ang buhay ko ng napatingin ako sa orasan ko. "Asan na ba si William? Sana wag muna siya bumalik." sambit ko. "Wala na 'yun nasa ibang babae na niya," "Hindi!" bigla kong nasambit sabay tingin sa akin ng mga tao sa loob. Nahiya ako sa tingin nilang 'yun kaya lumabas ako ng salon at sinilip ko si William.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD