Palinga-linga ako sa paligid habang sinisipat ko si William. Ilang minuto din ang ginugol ko sa labas ng salon at sa wakas ay nakita ko na siyang naglalakad patungo sa akin.
Sobrang laki ng ngiti ko ngayon dahil nakikita ko na si William kaya sinalubong ko na siya.
"Sabi ko 'di ba hintayin mo na lang ako sa loob?" sambit niya sa akin.
"Eeh mas gusto kong hintayin ka dito sa labas lalo na't nasa loob 'yung ex mo!"
"Sinong ex ko?"
"Sino pa ba edi 'yung Kendra!"
"Ooh? Bakit nandito 'yan?"
"Aba malay ko,"
"Kapag inasar ka wag mo na lang pansinin huh,"
"Ok!"
Binuksan na ni William ang pinto ng salon at pumasok na kaming dalawa.
"Ms. Agatha malapit na po nating banlawan ang buhok niyo." sambit ng isang babae.
Tumingin ako sa orasan at tumugon sa kanya.
"Mag isang oras na pala ang lumipas?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Opo,"
"Okey sige."
Umupo na kami ni William sa bakanteng upuan at kumain na kaming dalawa doon.
"Hindi ko pa alam ang paborito mong pagkain kaya ito na lang muna," nakangiting sambit ni William sa akin.
"Ok lang basta nandito 'yung hazelnut ko,"
"Hindi ko makakalimutan 'yan," natatawang sambit niya sa akin.
"Kahit anong pagkain naman kinakain ko basta wag lang seafood dahil allergy ako dun,"
"Aaah ok sige!"
"Halika na po kayo ma'am at babanlawan na po natin ang buhok niyo," singit ng babae sa amin.
"Sige po."
Sinubuan muna ako ni William ng pagkain at pinainom ng frappe bago ako pinaalis sa pwesto namin. Pagkatapos ay sumunod lang ako sa babae sa loob upang doon mag banlaw ng buhok ko.
Pinahiga niya ako sa isang mahabang upuan upang doon banlawan ang aking buhok.
"Relax lang po kayo ma'am aah at babanlawan ko na po ang inyong buhok para makulayan na po natin ito,"
"Sige po."
Tinanggal na niya ang takip ng buhok ko at pinahiga ako. Pagkatapos nito ay inilabas na niya ang kanyang mga gamit na pangsabon ng buhok ko.
Tumagal din ito ng ilang minuto dahil nakailang shampoo siya sa buhok ko. Pagkatapos niyang shapuhan ang buhok ko ay binanlawan na niya ito at pinunasan upang matuyo at pagkatapos nito ay drinyer niya upang tuluyang matuyo ang buhok ko.
Pagkatapos niyang patuyuin ang buhok ko ay nilagyan na niya ito ng pangkulay at tinakpan niya muli ito.
Lumipas muli ang isang oras at pagkatapos nito ay shinampuhan niya muli ang buhok ko at nilagyan na niya ito ng conditioner. Maganda at silky ang buhok ko pagkatapos ng session namin kaya ang sinunod naman niyang ginawa ay ginupitan niya ang buhok ko.
Ngiti lang ng ngiti sa akin si William hanggang sa matapos akong mag paayos ng buhok ko.
Makalipas ang ilang oras ay natapos na din ang pag papaayos ko ng buhok ko at sobrang satisfied ako sa resulta.
"Kumusta ka?" nag aalalang tanong ko kay William.
"Ok pa naman ako," papikit-pikit niyang sambit sa akin.
"Antok ka na?"
"Hindi pa naman," sambit niya sabay hikab.
"Galing! Hindi pa inaantok pero makahikab wagas!" asar na sambit ko sa kanya.
Natawa lang sa akin si William kaya tumayo na siya sa kinauupuan niya.
"Gusto mo ba mag pa spa?" tanong ko sa kanya.
Tiningnan niya ang relo niya at tumango na lang sa akin.
"Ok sige."
Nginitian ko si William at hinawakan ang kanyang kamay. Nakakapagod din ang ginagawa naming dalawa ngayon ngunit dahil sa kagustuhan kong mabago ang awra ko ay kailangan kong mag tiis.
Nakarating na kami ni William sa isang spa at doon ay pumasok kami agad.
"Whole body massage po para sa aming dalawa at eyebrow trim sa akin," sambit ko sa receptionist.
"Ok sige po ma'am. Upo muna kayo diyan at tatawagin na lang po kayo kapag kayo na po,"
"Ok sige."
Nakasandal lang ako kay William ng mga oras na ito ng bigla kaming tinawag ng babae.
"Ate easyhan mo lang ang pag mamasahe sa lalaking 'yan aah," nakangiting sambit ko sa kanya.
"Sige po ma'am."
Humiwalay na kaming dalawa ni William sa isa't-isa at pinatanggal na ng babae sa akin ang barung-barong ko.
Pagtanggal ko ng damit ko ay may pinasuot siya sa aking damit na manipis. Sinuot ko ito agad at humiga ako sa mahabang kama.
"Relax lang po kayo ma'am at ako na po ang bahala sa inyo,"
"Ok sige,"
"Pwede din pong matulog kung gusto niyo po dahil aabot po ng isang oras ang masahe,"
"Sige salamat."
Paghiga pa lang na paghiga ko ay naramdaman ko na agad ang mabigat na pwersa sa katawan ko.
"Parang ang bigat naman ng pakiramdam ko dito." sambit ko sa sarili ko.
Pinatay na ng babae ang ilaw at binuksan ang mga kandila sa loob. Mabango ang amoy ng mga ito amoy rosas.
"Isuot niyo po ito ma'am para makapag pahinga kayo," sambit ng babae sa akin sabay abot ng eye mask.
"Sige salamat." tugon ko sa kanya sabay suot ng mask.
Hindi pa nag sisimula 'yung babae sa pag mamasahe niya sa akin ay nakaramdam na agad ako ng antok.
Nakatulog ako agad at hindi ko na naramdaman ang pag mamasahe sa akin ng babae. Walang masamang nangyari ngayon at nakapag relax talaga ako ng maayos dahil na din siguro sa amoy ng kandila.
Lumipas ang isang oras ay ginising na ako ng babae.
"Hello ma'am tapos na po tayo." sambit niya sa akin sabay yugyog sa akin.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko ang babaeng nakasuot ng scrub suit.
"Mukhang napasarap ang tulog ni ma'am," nakangiting sambit niya sa akin.
"Tapos na ba ate?" tanong ko sa kanya.
"Yes ma'am kanina pa po tayo tapos,"
"Hindi ko namalayan ang oras pasensya na,"
"Ok lang po 'yun ma'am. Masaya ako na nakapag pahinga kayo ng maayos kahit pa salita kayo ng salita kanina habang tulog,"
"Hala! Totoo?" gulat na tanong ko sa kanya.
"Opo. Paulit-ulit niyong binabanggit 'yung pangalan na Agatha,"
"Aaahh... Pangalan ko 'yun,"
"At Syrina po."
Kinabahan ako sa sinabi ng babae sa akin kaya tinanong siyang muli kung ano pang narinig niya na sinabi ko.
"Ano pang mga sinabi ko ate?" kinakabahang tanong ko sa kanya.
"Ayun lang naman po ang sinabi niyo," sambit niya sa akin sabay talikod sa akin.
"Aaah mabuti naman kung ganun."
Humarap muli 'yung babae sa akin at ngumiti siya sa akin.
"May gusto ka pa bang malaman Syrina?" nakangiting tanong niya sa akin.
Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko at bigla na lang kaming nagkagulatan nung babae.
"Ano pong nangyari sa inyo ma'am?" nagtatakang tanong niya sa akin.
Napatitig ako sa kanya at nilapitan ko siya sabay tingin sa kanyang mga mata. Napapaurong sa akin 'yung babae at kinakabahang tinanong ako.
"Ano pong meron ma'am?" kinakabahang tanong niya sa akin.
Tumingin akong muli sa mga mata niya at nagbago na ito kaya ngumiti ako sa babae.
"Wala," nakangiti kong tugon sa kanya. "Ang ganda ng mga mata mo kaya napatitig ako,"
"S-salamat p-po." utal niyang tugon.
Kinuha ko na ang damit ko at nagpalit na ako nito at pagkatapos ay lumabas na ako sa silid. Paglabas ko ng silid ay nakita ko si William na nakatingin sa akin.
"Bakit?" tanong ko agad sa kanya.
"Ang tagal mo! Kanina pa ako nag hihintay sayo,"
"Ang sarap ng tulog ko kaya napatagal ako,"
"Ganun ba?"
"Oo!"
"Nagbayad na ako halika na at mas inaantok akong mag hintay sayo," Iritable niyang sambit sa akin.
"Oo na!"
Nag madali na akong maglakad palapit sa kanya at lumabas na kami sa spa. Bago pa man kami makalayo ay napansin kong lumapit 'yung babaeng naghilot sa akin sa kasamahan niya at tila ba'y nag bubulungan silang dalawa na nakatingin sa akin.
Napatitig ako ng masama dun sa babae kaya madaling nag kalasan din silang dalawa.
"Saan mo na gustong pumunta ngayon?" tanong ko kay William.
"Mag gogrocery tayo 'di ba?"
"Oo?"
"Sige na mamili na tayo ng pang stocks natin para makauwi na tayo at antok na antok na ako,"
"Ok sige!"
Tumungo na kami ni William sa grocery upang mamili ng mga pagkain namin at pagkatapos ay umuwi na rin kami agad na dalawa.
Punong-puno ng mga plastic ang taxi dahil sa mga pagkaing pinamili ko.
"Bakit ang dami mong grinocery?" tanong ni William sa akin.
"Ano ba dapat?" pabalik kong tanong sa kanya. "Ngayon pa lang kasi ako nakaranas ng mag grocery kaya hindi ko alam kung anong pakiramdam ng nag gogrocery ka,"
"Hindi ka ba namimili nung mag isa ka?"
"Bumibili lang ako ng mga pagkain ko like itlog, hotdog tapos mga noodles at can goods,"
"Puro naman pala unhealthy ang mga kinakain mo,"
"Sarili ko lang naman ang iisipin ko kaya ganun,"
"Simula ngayon ay makakakain ka na ng mga masasarap at healthy na pagkain dahil ako na ang bahala sayo,"
"Edi mabuti,"
"Pag uwi natin sa bahay mag pahinga ka na at ako na ang mag aayos nito,"
"Ayy ayoko naman ng masyado akong bini-baby,"
"Edi magtulungan na lang tayong dalawa,"
"Hmmm... Ok sige!"
Lumipas ang ilang minuto ng biyahe namin ay nakauwi na din kami ni William. Tinulungan kong ibaba ang lahat ng mga pinamili naming dalawa at sinamahang buhatin itong lahat patungo sa apartment namin.
"Ang dami-dami talagang binili nito!" asar na sambit ni William sa akin.
"Wala kang magagawa kung ganito ako," natatawang sambit ko sa kanya.
"Kung hindi lang talaga kita mahal nako!"
"Anong gagawin mo? Baka gusto mo ako kumutos sayo!"
"Hala wala naman akong sinasabi eeh,"
"Eeh ano ngang gagawin mo?"
"W-wala naman iki-kiss ka lang ganun,"
"Siguraduhin mo lang,"
"Opo!"
Pag pasok namin sa apartment ni William ay agad kong ibinaba ang mga pinamili namin sa sahig at kumaripas ako ng takbo patungo sa sala.
Napatingin sa akin si William at napakamot ng ulo niya.
"Akala ko ba tutulungan mo ako?"
"Wait lang ang sakit ng paa ko,"
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko eeh!"
"Saglit lang naman!"
Pakamot-kamot lang na nakatingin sa akin si William hanggang sa siya na lang rin ang nag ayos ng mga pinamili naming dalawa.
Patawa-tawa akong nakatingin ngayon sa kanya hanggang sa tumayo na ako sa kinauupuan ko at tumulong sa kanya na mag ayos.
"Saan ba natin ilalagay itong mga 'to?" tanong ko sa kanya.
"Sa cabinet 'yang mga 'yan,"
"Ito? Ok!"
Kumuha ako ng upuan at tumungtong ako dito para maabot ko ang cabinet. Abot-abot ni William sa akin ang mga pinamili naming mga can goods ng bigla siyang napangiti sa akin.
"Ano na naman 'yang ngiti na 'yan?"
"Itaas mo nga ulit 'yung kamay mo?"
"Ganto?" tanong ko sa kanya.
"Oo ganyan." sambit niya habang nakangiti sa akin.
Napatingin ako sa katawan ko at napansin ko na lumilislis ang damit ko at umangat ito kaya nakikita ni William ang tiyan ko.
Ibinaba ko ang kamay ko at sumimangot bigla sa akin si William.
"Sasapakin kita diyan isa pa!"
Ngumiti lang siya sa akin at tumatawa na inililislis ang damit ko.