EPISODE 37

1381 Words
Habang nag aasaran kaming dalawa ni William ay hinipo niya ang beywang ko sabay hawak sa sugat ko. "Mag hihintay ako na buksan mo ang ibang pahina pa ng buhay mo." malambing na sambit ni William sa akin. Ngumiti ako sa kanya at nagpatuloy ako sa pag oorganize ng cabinet niya. Kaya ko na ba talaga buksan ang buhay ko sa kanya o masyado pang maaga? Kinakabahan ako na natatakot dahil hindi ko alam kung paano ko sisimulan magkwento sa kanya. Napakaraming blurd ng buhay ko na hindi ko pwedeng sabihin sa kanya dahil ang identity ko ay nakaw lang. Inaamin ko na nagkamali ako sa nakaraan ko kaya nga pinipilit kong baguhin at itama ito ngunit habang tumatagal ang panahon ay parang nasisiraan na ako ng ulo. "Pagkatapos nating mag ayos ng mga pinamili natin kain na tayo ng dinner para makapag pahinga na tayo," sambit ni William sa akin. "Mag salang ka na kaya ng kanin at ako na ang magtatapos nito or gusto mo ikaw sa pwesto ko?" Tumingin si William sa paligid niya at nakita niya ang napakaraming plastic na may lamang pagkain. "Mag luluto na lang ako," nakangisi niyang sambit. "Madaya ka talaga!" natatawang sambit ko sa kanya. "Bala ka diyan ginusto mo 'yan eeh!"  "Tsss... Sige na ako ng bahala dito." Umalis na sa harapan ko si William at kinuha na niya ang rice cooker para mag luto ng makakain namin. "Anong piling ng magkasama na tayong dalawa dito sa apartment ko?" tanong niya sa akin habang nag huhugas ng bigas. "I feel secured although may mga gumugulo pa rin sa akin pero atlist may nakakasama na ako," "Gusto mo bang mag pa psychiatrist?" "Psychiatrist? Bakit mukha ba akong nababaliw?" "Hindi naman dahil mag papa psychiatrist ka eeh may sayad ka na. Hindi ganun 'yun," "Eeh ano?" "Tutulungan ka nilang maayos ang problema mo ngayon. Tatanggalin nila 'yung mga kaba diyan sa dibdib mo," "Pag iisipan ko pa William kasi hindi madali para sa akin na pumasok sa ganung lugar," "Wag kang mag alala Aga dahil nandun lang ako sa tabi mo para subaybayan ka." Tumingin lang ako sa kanya nito at bumaba na ako sa upuan. Madami pang hindi naaayos na mga groceries pero tamad na tamad na ako sa ginagawa ko. "Bakit kasi ang dami kong pinamili." inis na sambit ko sa sarili ko. Umupo ako sa upuan para mag pahinga habang tinitingnan si William na naghuhugas ng bigas. "Magluluto na lang ako ng noodles," sambit ko sa kanya. "Sige ganun na lang wala na tayong choice dahil late na at hindi din tayo nakabili ng pagkain." Tumayo ako sa kinauupuan ko at kinuha ko ang kasirola nilagyan ko ito ng tubig at isinalang sa kalan. Sa pagluluto ng noodles hindi mo naman kailangan na bantayan agad ito dahil kailangan mo pang pakuluin ang tubig nito at sa pagsalang naman ng kanin sa rice cooker hihintayin mo lang naman ito hanggang maluto. Napaka simple lang naman magluto ng mga ganito lalo na't medyo hightech na din ang mga gamit ngayon hindi katulad noong araw na magsisiga ka pa ng mga kahoy para magkaapoy at mag iigib ng tubig sa balon para lang magkaroon kayo ng stock ng tubig. Ilang minuto lang pagkasalang ko ng kasirola na may tubig sa kalan ay kumulo na ito. Inilgay ko na ang noodles at pagkatapos ay inilagay ko na rin ang seasoning. "Bakit kayo nag hiwalay nung Ex mong si Kendra?" tanong ko na lang bigla kay William. "Bakit?" "Tinatanong kita tapos babalikan mo ako ng tanong rin?" "I mean bakit mo natanong?" "Wala lang! Gusto ko lang malaman kung bakit kayo nag hiwalay na dalawa!" inis na sambit ko sa kanya. "Kayo talagang mga babae ang hilig niyong magbalik ng nakaraan,"  "Ngayon lang ako nag tanong William! Bakit parang nagagalit ka ata sa akin?" "Hindi naman sa ganun Aga," "Anong ginawa kung bakit ganun na lang kung makalingkis ang babaeng 'yun sayo?" "She cheated on me! ok ka na? pwede na tayong kumain?" "Bakit sabi niya kanina ikaw daw ang nag cheat? Sino ang totoong nagsasabi?" "Alam mo Agatha naghahanap ka ng pag aawayan nating dalawa. Ayoko ng pag usapan pa si Kendra dahil wala na siya sa picture she is just a past memory sa akin kaya please lang Agatha stop na," "Pe," putol na sambit ko dahil tinakpan niya ang bibig ko. "Ssshhh... Don't mind Kendra she is a piece of trash na dapat ay binabaon na lang sa nakaraan," "Ba," "Wag ka ng makipag argue pa sa akin let's just enjoy our companionship," "Ok." Tumayo ako sa kinauupuan ko at tiningnan ko ang niluluto ko. "s**t! Sobrang soggy na ng noodles!" inis na sambit ko kay William. "Ikaw nag luluto niyan," nakangisi niyang sambit sa akin. "Urghhh! Nakakainis!" "Food Deliver na lang tayo?" "Hindi! Kakain ko na lang 'to at gutom na talaga ako." Sumandok na ako ng kanin at inilagay ko ito sa mangkok pagkatapos ay inilagay ko ang mainit-init na sabaw ng noodles. "Hindi mo ba ako se-serban?" tanong sa akin ni William. "Bulbulin ka na kaya, kaya mo na 'yan!" "Ang harsh! Bawal na pala mag lambing sa maganda at masipag kong asawa." Napatingin ako sa kanya at napaismid ako sa kanya. "Hayy! Fine!" Inilapag ko ang mangkok ko sa la mesa at kumuha rin ako ng parte ni William pagkatapos ko siyang pag silbihan ay kumain na kaming dalawa. "Ang swerte ko naman sa asawa ko," pang lalambing ni William sa akin. "Tsss..." "Sa susunod ulit huh?" "Ako dapat ang pag silbihan mo dahil ako ang boss dito," "Ok po boss! masusunod po," "Ayan! Mabuti alipin! Pagkatapos natin kumain ay maghuhugas ka ng pinagkainan," "Yes ma'am!" "Good!" Ngumiti ako kay William at kumain na kaming dalawa na masaya. Pagkatapos naming kumain na dalawa ay naghugas nga ng pinggan si William habang palagay akong nakaupo sa sala. Hindi na din ako lugi kay William kasi kahit na masungit ako sa kanya ay hindi pa rin siya nagsasawa sa akin. Sana kahit sobrang sama ng ugali ko ay mag stay pa rin siya sa akin. Lumipas ang ilang minuto ng paghihintay ko kay William ay nakatulog ako sa sofa. Sobrang bigat ng katawan ko at pagod na pagod ako sa tagal ng pag ikot-ikot namin ni William sa mall kaninang hapon. Sa mga oras na ito wala na akong maalala pa kung anong nangyari sa akin. Kinabukasan. Nagising ako sa kama ni William. Palinga-linga ako sa paligid at napansin kong medyo maliwanag na ang kapaligiran kaya agad kong tiningnan ang cellphone ko ngunit hindi ko ito makita. "Asan ang cellphone ko?" kinakabahang tanong ko sa sarili ko habang hinahanap ito. Tumayo na ako sa kinahihigaan ko at kinuha ko na ang towel ko at agad akong bumaba sa kusina para maligo ng nakita ko si William na nagluluto ng agahan. "Hindi mo ako ginising," inis na sambit ko sa kanya. "Maaga pa naman," "Anong oras na ba?" "Hmmm... Alas sais pa lang ng umaga," "Jusko po! Late na ako!" "Huh? Bakit? Anong oras ba ang pasok mo?" "Alas otso pasok ko sa trabaho!" "Maaga pa naman sige na maligo ka na at pagkatapos mo maligo ay mag agahan ka na," "Hindi na," "Bakit?" "Hindi ako nag be-breakfast," sambit ko sa kanya habang papasok sa kasilyas. "Pwes ngayon kakain ka na para magkaroon ng laman ang tiyan mo pag nasa trabaho ka na," "Coffee and Bread lang pwede na ako," "Makakatanggi ka ba kung paborito mo ang niluluto ko?" "Yes!" "Ok! Edi baunin mo na lang ito at sa work mo na lang kainin," "Urghh! Fine! Sige na nagmamadali na ako!" sigaw ko sa kanya mula sa banyo. Mabilis akong nagbuhos ng tubig sa katawan ko at napansin ko itong medyo mainit kaya binuksan ko ang gripo para madagdagan ng tubig sabay sigaw kay William. "Nilagyan mo ba ng mainit na tubig yung sa balde?" "Yes! Bakit?" "Medyo mainit pa pero bearable naman! Thank you love!" "Welcome! Para sa asawa ko," "Sige na! Malandi ka na naman!" Pasigaw -sigaw pa ako pero kilig na kilig na 'yan. Iba talaga ang pakiramdam na inlove ka. Ito ang pangalawang beses na iibig ako at naniniwala ako na this time ay nakatagpo na ako ng lalaking mamahalin ako habang buhay at tatanggapin kung sino ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD