"Mag pakabait ka sa work aah," sambit ni William sa akin habang hinahawakan ang buhok ko.
"Sige."
Bumaba na ako sa taxi at pumasok na ako sa loob ng building na pinag tatrabauhan ko. Habang naglalakad ako patungo sa elevator ay nakaramdam ako ng kabog sa dibdib ko at parang may pwersang nag pipilit sa akin na wag pumasok ngunit ipinag walang bahala ko lang ito.
Pumasok ako sa elevator at napansin kong may mga tao na palakad-lakad sa labas at bago pa man sumara ang pinto ng elevator ay dumating ang isang babae na nakasuot ng formal at umupo ito sa upuan sa tabi ko.
"Anong floor ma'am?" tanong nito sa akin.
Napatingin ako sa kanya na parang nagtataka ako.
"Aaah ano? 10th floor,"
"Ok."
Pinindot niya ang number 10 at isinara ang pinto ng elevator. Parang naguguluhan ako sa nangyayari ngayon pero pinag wawalang bahala ko na lang ito.
"Pang gabi na ba ang mga attendant ng elevator ngayon?" nagtatakang tanong ko sa sarili ko.
Pagbukas ng pinto ng elevator sa floor namin ay agad akong naglakad papunta sa opisina namin.
"Aahhh... It's good to be back!" masayang sambit ko sa sarili ko.
Binuksan ko na ang pinto ng aming opisina at sa pagbukas ko nito ay nagtinginan sa akin ang mga tao.
"Bakit? Anong meron?" nagtatakang tanong ko sa kanila.
Walang sumagot sa tanong ko kaya't dumiretso na ako sa opisina ko. Pag upo ko sa upuan ko ay agad akong napaliyad dahil napahinga ng malalim.
"Namiss ko ang umupo sa upuan na 'to." nakangiting sambit ko sa sarili ko.
Binuksan ko ang computer sa harap ko at inilapag ko sa la mesa ang laptop ko ng mahawakan ko ang makapal na alikabok sa aking la mesa.
"Eww!" inis na sambit ko.
Tumayo ako agad sa kinauupuan ko ng mahawakan ko ito at lumabas ako sa silid ko upang kumuha ng basahan pamunas sa dumi.
Habang naglalakad ako sa hallway ay nakita ko si Jean ang Head Hr ng kumpanya ngunit umiwas ako ng bahagya upang hindi niya ako makita ngunit nagkamali ako.
"Agatha!" sigaw niya sa akin.
Napatingin ako sa direksyon kung nasaan siya at ngumiti ako sa kanya.
"Kumusta ka ma'am Jean?" tanong ko sa kanya.
"Ikaw ang kumusta? Ok ka na ba?"
"Ok na ako ma'am,"
"At talagang nag pa transformation ka pa aah? Ang ganda mo girl,"
"Salamat ma'am,"
"Teka? Bakit ka nandito ngayon?"
"Ngayon ang balik ko sa work,"
"I mean bakit ang aga mo? 'di ba ang schedule mo night shift?"
"Huh? Wait? Anong oras ba ngayon?"
"Mag 8:30 pa lang ng umaga,"
"Omygad ma'am Jean! Nagkamali ako ng oras."
Natawa ng malakas si Jean sa akin dahil sa pagkalutang ko ngayong araw.
"Kaya pala hindi ko kilala ang mga tao dito ibang shift pala ang napasukan ko,"
"Ok lang 'yan ma'am pwede ka pa naman umuwi,"
"Nako wag na matutulog na lang ako sa opisina ko,"
"Pwede naman 'yung ganun kasi wala namang CCTV sa office natin,"
"Sige ma'am punta muna ako sa pantry at kukuha ako ng panglinis ng opisina ko ang dumi kasi,"
"Kakalinis lang nung nakaraan dyan sa opisina mo,"
"Talaga ba? Maalikabok kasi siya ma'am kaya linisin ko muna,"
"Ganun ba? Sige ikaw na ang bahala maglinis diyan," nakangiting sambit niya sa akin.
"Sige." tugon ko sa kanya.
Pagkatapos namin mag usap ni Ms. Jean ay nagmadali akong tumungo sa pantry para kumuha ng basang basahan para panglinis ng desk ko sa office. Medyo nakakahiya lang yung pag pasok ko ng maaga ngayon dahil tinawanan ako ng malakas ni Ms. Jean although ok lang naman sa akin 'yun pero para lang akong lutang sa ginawa ko.
"Excited pa naman akong pumasok ng trabaho ngayon tapos maling oras pala ako pumasok." inis na sambit ko sa sarili ko.
Pumasok na ako sa opisina ko para linisan ito ngunit nang bumalik ako dito ay parang nagbago ang itsura niya. Nawala ang mga agiw at alikabok sa la mesa na kanina ay nakapa ko pa.
"Ginagago mo na naman ba ako?" inis na tanong ko.
Dahil sa urat ko ay bigla kong naihagis ang basang basahan sa upuan ko dahilan para mabasa ito.
"Punyeta!" bigla kong sigaw.
Nagtinginan ang mga tao sa labas sa akin kaya bigla akong napaupo na lang sa basa kong upuan.
"Unang araw ko sa trabaho tapos ganito! Nakakainis naman!" inis na sambit ko.
Gusto kong umalis na lang muna sa opisina ngunit nahihiya naman na akong lumabas ng opisina ko kaya umupo ako sa sofa sa opisina ko at humiga ako.
Habang nakahiga ako sa sofa ay biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako dito.
"Ayy nakakaistorbo ba ako Ms. Agatha?" tanong ni Ms. Jean sa akin.
Napaupo ako ng nakita ko si Ms. Jean at tumugon sa kanya.
"Bakit? May kailangan ka Ms. Jean?"
"Papapirmahan ko lang sana itong leave form po para walang deduction sa salary mo this cut off,"
"Aaah ok sige."
Kinuha ko ang papel at agad ko itong binasa at pinirmahan.
"Ito na Ms. Jean,"
"Mabuti na lang talaga at maaga kang pumasok kasi hindi kami makapag pang-abot ni Ms. Angela,"
"Aaah ganun ba?"
"Oo. Sige na mag pahinga ka na diyan,"
"Sige salamat."
Umalis na si Ms. Jean sa harapan ko at naiwan na muli ako sa opisina ko. Sobrang boring sa loob ng opisina ko kaya kinuha ko ang bag ko at umalis na muna ako ng opisina.
Paglabas ko ng opisina ay agad akong pumasok sa elevator at bumaba sa lobby.
"Saan kaya ako pupunta? Sa Cafe o sa bahay ni Ma'am Angela?" tanong ko sa sarili ko.
Habang hinihintay kong magbukas ang pinto ng elevator ay bigla na lang sumagi sa isip ko si William kaya pag baba ko ng elevator ay agad ko siyang tinawagan.
Mabilis naman sumagot si William sa tawag ko.
"Nasaan ka?" tanong ko sa kanya.
"Nasa trabaho?"
"Punta ako diyan,"
"Sigurado ka?"
"Oo! Hindi ko pa pala shift ngayon nalutang na naman ako,"
"Ayan na nga ba sinasabi ko eeh," natatawa niyang sambit sa akin.
"Kasi naman hindi mo pinaalala sa akin na gabi ang pasok ko,"
"Malay ko ba? Ikaw dapat ang nakakaalam niyan kasi ikaw ang nagtatrabaho diyan,"
"Oo na! Sabi ko nga nalutang na naman ako!"
"Gusto mo ba sunduin na lang kita?"
"Bakit iiwan mo trabaho mo para sa akin?"
"Malamang?"
"Edi sige. Magkita tayo sa cafe na pinupuntahan ko,"
"Saan? Dun sa nakipag away ka sa akin?"
"Mabuti at naalala mo pa,"
"Ok sige."
Pinatay ko na ang tawag namin ni William at naglakad na ako patungo sa cafe na lagi kong pinupuntahan.
Habang naglalakad ako patungo sa cafe ay hindi maalis ang tingin ng mga tao sa akin. Wala akong magawa kung hindi yumuko na lang dahil sa hiya ko.
Pag dating ko sa cafe ay agad akong binati ni Mang Robert.
"Kumusta ka Ma'am Agatha? Ang ganda niyo ngayon aah,"
"Nako Mang Robert bolero mo talaga,"
"Hindi ma'am nag bago ang anyo niyo ngayon parang mas gumanda kayo,"
"Salamat Mang Robert kung talagang nagandahan ka sa akin." sambit ko sa kanya sabay pasok sa loob.
Pagpasok ko sa loob ng cafe ay nakita kong walang nakapwesto sa favorite place ko kaya madali akong naglakad papunta doon. Ngunit habang naglalakad ako ng mabilis patungo doon sa pwesto ko ay nadulas ako.
"Good catch!" sambit ng isang lalaki sa akin.
Napatingin ako sa kanya at laking gulat ko ng nakita ko ang kanyang mukha.
"Yael?" tanong ko sa sarili ko.
Napayuko ako sa kanya at mahina akong nag pasalamat sa kanya.
"Salamat." sambit ko sa kanya sabay madaling tumayo at naglakad ng mabilis pa labas ng cafe.
Paglabas ko sa cafe ay agad akong kinausap ni Mang Robert.
"Alis na kayo agad ma'am Agatha?" tanong niya.
"Oo manong may nakalimutan ako sa office." tugon ko sa kanya sabay madaling umalis.
Naglalakad na ako ng mabilis nito baka sakaling sundan ako ni Yael ngunit nagulat akong tumakbo siya palapit sa akin.
"Syrina!" sigaw niya.
Mas lalong binilisan ko ang paglalakad ko ngayon dahil magiging sanhi siya ng kaguluhan sa buhay ko ngunit hinawakan niya ako sa kamay ko.
"Syrina," hingal niyang sambit.
"Bitawan mo ako!" sigaw ko sa kanya.
"Syrina, kumusta ka?"
"Hindi ako si Syrina baka nagkakamali ka lang,"
"Hindi ako pwedeng magkamali ikaw si Syrina."
Tumingin ako sa kanya ng masama at sinagot muli siya.
"Hindi ako si Syrina."
Hawak pa rin ni Yael ang kamay ko nito ng may biglang bumusina ng kotse sa harapan namin. Pag lingon ko dito ay nakita ko si William na masama ang tingin.
"Pakiusap bitawan mo ako," sambit ko kay Yael.
"Sagutin mo muna ako. Ikaw si Syrina 'di ba?" tanong niya sa akin.
Nanginginig na ako nito at hindi na ako makapagsalita ng biglang dumating sa tabi ko si William at pinagsasapak sa mukha si Yael.
"Anong ginagawa mo sa girlfriend ko huh?" galit na sambit ni William kay Yael.
Tumilapon sa gilid si Yael habang sinasalo ang mga suntok ni William kaya pumagitan na ako sa kanilang dalawa.
"Tama na William!" pamimigil ko.
"Sino ba 'tong lalaking ito? Minamanyak ka ba nito o niloloko mo ako?" asar na tanong ni William sa akin.
"Ano ka ba William hindi kita niloloko. Nagkamali lang siya ng tawag sa akin akala niya kilala niya ako pero hindi naman,"
"Sino ka ba?" tanong ni William kay Yael.
"Bakit hindi mo itanong sa girlfriend mong si Syrina?"
"Syrina?" nagtatakang tanong ni William.
"Oo! 'Di ba ikaw si Syrina?" tanong ni Yael sa akin.
"Hindi nga ako si Syrina! Nagkakamali ka lang sa akin! Wala akong kilalang Syrina!" sigaw ko sa kanya sabay takbo palayo sa kanilang dalawa.
Kinakabahan ako habang umiiyak ng mga oras na ito dahil baka ito na nga ang katapusan ng pagtatago ko ng identity ko kay William.
"Bakit kasi nagkita pa tayo dito Yael." sambit ko habang mabilis na tumatakbo palayo sa kanila.
Habang tumatakbo ako papalayo sa kanila ay bigla akong tinawag ni William sa pangalan ko at tumakbo papalapit sa akin.
"Agatha!" malakas na sigaw ni William sa pangalan ko.
Hindi ko siya nilingon at patuloy lang akong tumatakbo papalayo sa kanila hanggang sa naabutan ako ni William at hinawakan ng mahigpit sa kamay ko.
"Anong problema Agatha? Bakit mo ako tinakbuhan?" galit na tanong niya sa akin.
"A-ano k-kasi," utal kong tugon sa kanya.
"Ano? Bakit tinatawag kang Syrina ng lalaking 'yun?"
"H-hindi ko alam! Ewan ko! Baka nagkamali lang siya!"
"May tinatago ka ba sa akin? Agatha o Syrina?" galit na tanong niya sa akin.
Hindi ko alam ang isasagot ko kay William kaya napaluhod ako sa harapan niya at umiyak ako nang umiyak.