Nakadalawang palabas na rin kami ni William at medyo nakakaramdam na rin ako ng antok kaya habang nanunuod kami ni William ng pangatlong palabas na sinalang niya ay papikit-pikit na ang mga mata ko na nakatingin dito hanggang sa itinulog ko na lang talaga ito dahil inaantok na talaga ako. Hinayaan ko na si William na tapusin ang palabas na mag isa at tinulugan ko na siya para bawiin ang mga utang na tulog ko dahil sa hindi rin naman ako nakakatulog ng maayos sa ospital dahil sa pabalik-balik ang mga doctor doon upang suriin at tingnan ang progression ng recovery ko. Lumipas ang mga oras at nagising na muli ako mula sa mahimbing na pagkatulog ko. Pag dilat na pag dilat ng mga mata ko ay nakita ko na madilim ang kapaligiran ngunit may liwanag pa rin na tumataba sa mukha ko sapagkat naiwang

