Hindi mawala ang tingin ko kay William ngayon parang nag niningning siya sa mga mata ko. Hindi ko alam parang nasa balon ako ngayon. Lunod na lunod ako sa pagmamahal ni William sa akin kaya pinapangako ko sa sarili ko na mamahalin ko siya ng tapat mag mula ngayon at hinding-hindi na ako gagawa ng ikakasama ng loob niya. "Dalian mong kumain may pupuntahan pa tayo," nakangiting sambit niya sa akin. "Saan?" "Secret," sambit niya sa akin sa pilyong mukha. "Ayan ka na naman sa mga secret mo huh! hmm..." "Syempre! Paano magiging maganda 'yung outcome kapag hindi secret!" "Oo nga naman." natatawang tugon ko sa kanya. Lumipas pa ang ilang minuto bago namin maubos ang pagkain nakahain sa amin. "Wooh!" Sigaw ko na lang bigla habang himas-himas ang tiyan ko. "Busog ba ang baby ko?" "Yes!"

