Nagising ako sa isang boses na naririnig ko sa tabi ko. Isang boses na nakiiusap at nag darasal ng malakas sa tabi ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nakita ko si William na umiiyak sa tabi ko. Agad kong hinawakan ang mga kamay niya kaya napatingin siya sa akin. "Diyos ko maraming salamat at dininig mo ang panalangin ko!" Masayang sambit ni William habang hinihipo ang pisngi ko. "Anong nangyari?" nagtatakang tanong ko sa kanya habang pinipilit na tumayo sa kinahihigaan ko. "Ooh? Wag ka munang umupo at masyado pang sariwa ang mga sugat mo," "Bakit? Anong nangyari?" pailing-iling na tanong ko sa kanya. "Dalawang linggo ka ng walang malay dahil sa nangyari sa inyo ni ma'am Angela." malungkot na saad niya sa akin. Napatulala na lang ako bigla habang inaalala kung anong nangya

