Napapayuko ako ng mga oras na ito dahil sa mga bagay na bumabagabag sa akin. Binuksan ko na ang computer ko at nag simula na akong mag trabaho kahit pa lumipas na ang tatlong oras na trabaho. "Napakatigas ng mukha mo natulog ka pa sa trabaho." inis na sambit ko sa sarili. Pagbukas pa lang ng computer ko ay lumabas na agad ang sandamakmak na mga chat sa akin ni Zach. "Hey! Why are you sleeping?" tanong niya sa akin. "Hey!" Wake up!" "Hey! I miss you!" "I miss the old you," "I love you." Hindi ko pinansin ang mga chat ni Zach sa akin nito dahil parang wala ng saysay para makipag usap pa ako sa kanya dahil tapos na ang pagkakaibigan naming dalawa dahil sa mga ginagawa niya sa akin ngayon. Blinock ko si Zach sa mga social media accounts ko at pati na rin sa cellphone ko dahil nakakata

