Makalipas ang ilang oras ay uwian na rin namin sa trabaho. Madali akong nag ayos ng lamesa ko at nag ligpit ng kalat ko para sunduin si ma'am Angela sa opisina niya. Palinga-linga ako sa paligid at pagkatapos ay pinatay ko na ang ilaw tsaka alis sa opisina ko. Naglakad na ako patungo sa opisina ni ma'am Angela at nakita ko siya na seryosong nakaupo sa harapan ng computer niya. "Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko na lang sa kanya. Napatingin siya sa akin sabay tugon na lang sa akin. "Nandyan ka pala? Pwede namang umuwi na rin ako," "Halika na? Sabay ka na sa akin umuwi," "Ok sige." Pinatay na niya ang computer niya at pagkatapos ay tumayo na siya sa kinauupuan niya. Hinawakan ko agad ang kamay ni ma'am Angela at nilambing ko siya. "Na-miss kita ma'am Ange!" masayang sambit ko sa kanya.

