Mula ng sumakay kami sa taxi ay wala ng salitang lumabas sa aming mga bibig ni Zach. Ayoko ng magsalita at magtanong pa sa kanya sapagkat nauuwi lang ito sa away parang kami ni William lagi ang nangyayari sa aming dalawa. Kapag nag uusap kami ng seryosohan nauuwi ito sa hindi pagkakaintindihan.
Masyado bang makitid ang utak ko at mahirap makaintindi kaya lagi akong umaapila sa kanila? Kaya nga ayokong makipag relasyon kasi mas mahal ko ang sarili ko kaysa sa kanila. Nasubukan ko ng mag mahal dati at bumabalik siya ngayon pero hindi ko alam kung bakit wala ng spark. Wala na akong spark sa lahat ng lalaki na pumapalibot sa akin.
Si William, kilala na niya ako na Syrina pero hindi niya ako iniwan. Si Zach, kahit na may William na ako mahal pa rin niya ako at handa siyang mag hintay para sa akin.
'Di ba? Napakagulo ng puso ko ngayon. Minsan parang gusto kong lumayo sa kanila para hindi masira ang ulo ko pero heto ako ngayon parang tanga na sumasalo lang ng problema ng puso nila.
Nakatingin lang ako sa kawalan nito habang hinihintay na tumigil ang sasakyan ng bigla akong tinapik ni Zach sa balikat ko. Napatingin ako sa kanya at sabay halik niya sa labi ko.
Nagulat ako sa ginawa niya sa akin kaya nasampal ko siya ng pagkalakas-lakas sa kanyang pisngi.
"Aray ko naman!" sigaw niya sa akin habang hipo-hipo ang pisngi niya.
"Hinalikan mo ako eeh!" galit na sigaw ko sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya na nakatingin sa akin sabay tugon.
"Minamanyak mo ba ako sa isipan mo kaya napakatahimik mo diyan?" tanong niya sa akin.
"Anong minamanyak? Eeh hinalikan mo nga ako!" galit na sambit ko sa kanya.
"Hala ka? Tinapik lang kita pero hindi kita hinalikan!" natatawang sambit niya sa akin.
"Hindi ba?" nagtatakang tugon ko.
"Oo! Anong tingin mo sa akin manyak? Gusto kita pero hindi ako manyakis noh!"
"Sorry,"
"Ok lang sanay namanna ako sa'yo," nakangiti niyang sambit sa akin.
"Pasensya na talaga."
Huminto na ang sasakyan at kumuha na ng pera si Zach sa bulsa niya kaya bumaba na ako sa taxi at hinintay siya sa b****a ng building.
Medyo nakakatakot talaga ang building namin kapag gabi kasi walang masyadong tao bukod sa gwardiya at nag iisang receptionist sa kabila.
Pagkababa ni Zach sa taxi ay lumakad na ako sa bandang elevator para buksan ito. Pagbukas ng pinto nito ay pumasok na ako agad kasunod si Zach.
Pagsara na pagsara pa lang ng pinto ng elevator ay nagulat na lang ako ng bigla akong isinandal ni Zach at dahan-dahang hinalikan sa labi ko. Hindi ako makagalaw ng mga oras na ito hindi ko mailapat ang kamay ko sa kanyang pisngi bagkus ay napapapikit ako sa kanyang halik habang dinadama ang napakalambot niyang mga labi.
Ilang segundo rin magkalapat ang mga labi namin sa isa't-isa hanggang sa bumukas ang pinto ng elevator. Madali ko siyang itinulak sa kabilang dako ng elevator at agarang lumabas ng elevator.
"Agatha!" sigaw ni Zach ng pangalan ko.
Hindi ko nilingon si Zach at diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa natumbok ko ang opisina namin at sa laking gulat ko na nakapatay ang lahat ng ilaw rito.
"Nasaan sila?" tanong ko na lang sa sarili ko.
Lumapit sa akin si Zach at tinanong ako.
"Bakit nakapatay ang mga ilaw?" nagtatakang tanong niya sa akin.
"Aba malay ko?" naguguluhang tugon ko sa kanya.
"Buksan mo kaya 'yung pinto para malaman mo kung bakit walang ilaw sa loob?"
"Ikaw na! Mamaya kung ano pang makita kong multo diyan eeh!"
"Edi hawakan mo kamay ko para hindi ka matakot,"
"Nako ayan ka na naman sa ganyan mo Zach tigilan mo ako!"
"Tsss... Ok ako na ang mag bubukas ng pinto pero dito ka sa likuran ko,"
"Sige-sige."
Dahan-dahang binuksan ni Zach ang pinto ng opisina namin at dahan-dahan siyang umabante papasok sa loob. Sumunod lang ako sa kanya ng biglang may tumunog ng malakas sa loob at napayakap ako ng mahigpit kay Zach kasabay ng pagbukas ng ilaw.
"Welcome back Ms. Agatha!" sigaw nilang lahat.
Pagsabi na pagkasabi pa lang nila nito ay bigla na lang silang natulala sa akin sapagkat nakayakap ako kay Zach habang nakapikit ang mga mata.
Agad na kumalas sa akin si Zach kaya tinawanan at tinukso kami ng mga katrabaho namin.
"Uyy! Kayo ba?" tukso sa amin ni Ms. Karla.
"Huy ma'am hindi aah! Nagulat lang ako kaya napayakap ako,"
"Aysus! Diyan nag sisimula 'yan sa payakap-yakap kuno tapos malalaman na lang na mag jowa na pala,"
"Nako ma'am may boyfriend na si Agatha macho at gwapito," singit ni ma'am Angela.
"Totoo ma'am may boyfriend na ako at best friend ko lang si Zach," nakangiting tugon ko sa kanya.
"Tama po si ma'am Agatha mag kaibigan lang po kami,"
"Okey sabi niyo eeh! Halika na kayo at mag sikain na tayong lahat!" Masayang sambit ni ma'am Karla sa amin.
Inabutan ako agad ng plato ni ma'am Angela at tinukso-tukso ako.
"Nag enjoy ka bang kasama si Zach? Kapag kasi sumama ako sa inyo hindi ko na maaasikaso 'tong welcome back party mo," natatawang sambit niya sa akin.
"Salamat!" malambing na tugon ko sa kanya.
Tinapik-tapik lang ni ma'am Angela ang likuran ko bilang tugon sa akin. Inilapit niya ako sa mga nakahilerang pagkain at nilagyan ako ng mga pagkain sa aking plato.
"Ang dami naman nito!" Pamimigil ko sa kanya.
"Nako ok lang 'yan isang buwan ka ba naman nawala kaya dapat isang buwan rin ang bawi sayo,"
"Grabe ka naman sa akin ma'am Ange tataba ako nito eeh,"
"Edi mabuti!"
"Ayoko! Hindi pwede baka maghanap si William ng iba,"
"Nandito naman ako," biglang singit ni Zach sa amin.
"Sshhh... Manahimik ka nga diyan,"
"Bakit kasi hindi na lang ako ang piliin mo?" dagdag pa niya.
"Ang kulit mo talaga Zach."
Umalis na ako sa harapan nila ni ma'am Angela at pumasok na ako sa opisina ko.
Pangiti-ngiti ako sa kanila habang nagkakasiyahan silang lahat sa labas ngunit tinatago ko na naman ang sarili ko sa opisina ko. Mula sa loob ng opisina ko ay tanaw ko silang lahat na nagkakasiyahan sa labas kaya kinawayan ako ni ma'am Karla at pinasok sa loob.
"Ooh bakit ka nandito sa loob ng opisina mo?" tanong niya sa akin.
"Nako kilala mo naman ako ma'am hangga't may pagkakataon na magtago ako nag kukubli talaga ako,"
"Aysus! Ang tagal mo na dito ganyan ka pa rin. Halika sa labas at magkasiyahan muna tayo bago ka muli sumabak sa trabaho,"
"Sige na nga po ma'am lalabas na ulit ako,"
"Mabuti!"
Lumabas na si ma'am Karla sa opisina ko at sumunod na rin akong lumabas at umupo sa tabi ni ma'am Angela.
"Ano? magtatago ka pa huh?" natatawang sambit niya sa akin.
"Tatakas nga sana ako eeh kaso nahuli,"
"Sabi ko nga sa'yo na magbago ka na dahil iba ang buhay natin dito. Wag ka kasi laging nag lilimlim sa loob akala mo naman manok ka,"
"Oo na susubukan ko ng makipag halubilo,"
"Tama 'yan."
Kumain na lang akong muli sa tabi ni ma'am Angela at pagkatapos naming mag sikain na lahat ay bumalik na kami sa kanya-kanya naming trabaho.
"Hayy... Sobrang saya ng araw na ito parang ayoko ng matapos pa." sambit ko na lang sa sarili ko habang nakaupo ako sa upuan ko sa loob ng opisina ko.
Hindi ako makapag trabaho ng maayos ngayon parang ang bigat-bigat ng tiyan ko dahil sa mga kinain ko kaya tumayo na lang muna ako sa upuan ko at naglakad-lakad ako sa loob ng biglang nahagip ng paningin ko si Zach na nag te-take ng calls.
"Bakit ngayon ko lang nakikita na gwapo rin pala itong kumag na 'to?" tanong ko na lang sa sarili ko.
Pangiti-ngiti akong nakatingin kay Zach ng mga oras na ito ng bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti.
Sa hiya ko napaupo ako bigla sa sahig at nagtago sa kanya.
"s**t naman Agatha! nakakahiya ka!" inis na sambit ko sa sarili ko.
Habang nag tatago ako ay biglang bumukas ang pinto.
"Ma'am?" tawag sa akin.
Lumingon-lingon si Randolf sa paligid at nakita niya akong nakaupo sa sahig kaya agad niya akong nilapitan at tinulungan na tumayo.
"Ma'am anong nangyari sa inyo?" natarantang tanong niya sa akin.
"W-wala ito napaupo lang ako,"
"Aaah akala ko kung ano nangyari sa inyo,"
"Hindi ok lang ako. Bakit ka naparito Randolf?" tanong ko sa kanya.
"Sayo na daw po ako magpapaalam para sa leave ko," nakangiting sambit niya sa akin.
"Ayy leave? Bakit anong meron at mag li-leave ka?"
"Mag uunwind lang sana ako kasama ang girlfriend ko sa dagat,"
"Wow! Sana all nakakapag unwind sa dagat,"
"Ok sige! Nasaan na ang form mo para mapirmahan ko na?"
"Heto po."
Inabot ko ito agad at pinirmahan ito at pagkatapos ay lumabas na si Randolf.
Pagkatapos ng ilang oras na tambay ako ay nagkaroon rin ako ng wisyo na magtrabaho muli.
Abalang-abala na ako sa trabaho nito ng biglang bumukas muli ang pinto at pumasok si Zach.
"Not now Zach busy ako,"
"Huh? Nandito ako para mag papirma,"
"Pirma ng alin?"
"Resignation letter ko," nakangiting sambit niya sa akin.
"Huh? Bakit?" gulat na tanong ko sa kanya.
"Matagal-tagal ko na ding pinag isipan 'to,"
"Ang alin?"
"Nasasaktan kasi ako kapag nakikita kita kaya ako na ang lalayo,"
"Ang korny Zach! Umayos ka nga,"
"Ang hirap lang gumalaw sa isang lugar na kasama mo ang mahal mo pero hindi ka mahal,"
"Jusko! Akin na pipirmahan ko na!" inis na sambit ko sa kanya.
"Grabe ka naman! Mag-leleave lang ako,"
"Saan ka naman pupunta aber?"
"Mag so-soul searching lang ako,"
"Ganun ka ba ka-broken hearted?"
"Hindi,"
"Eeh hindi naman pala! bakit kailangan pang mag leave?"
"Bakit mo ko pinipigilan mag leave? siguro gusto mo akong makasama araw-araw noh?"
"Utot! Wag na umasa,"
"Edi pirmahan mo na 'yung leave form ko para matapos na 'to,"
"Ilang araw ba?"
"Isang buwan,"
"Ano? Grabe ang tagal naman!"
"Bakit pipigilan mo ba ako?"
"Hindi."
Inabot ko na ang papel ni Zach ngunit nakikipag hilahan pa siya rito kaya inabot ko na lang muli pabalik sa kanya.
"Sige na pirmahan mo na," malungkot na sambit ni Zach sa akin.
"Ok,"
"Hindi mo ba ako pipigilan?"
"Bakit naman kita pipigilan kung kailangan mo naman 'to?"
"Sige na nga."
Pinirmahan ko na ang leave form ni Zach at pagkatapos ay umalis na siya.
"Wag mo sana ako ma-miss!" natatawang sambit niya sa akin sabay sara ng pinto.
Pailing-iling na lang ako habang nakatingin ako sa kanya habang papalayo sa akin.
"Sana pala hindi ko na lang inudyok si Zach na mag tapat sa akin ako tuloy ang dehado sa aming dalawa." inis na sambit ko sa sarili ko.
Muli ay bumabalik ako sa pag ta-trabaho upang kahit papaano ay makatapos ako ng tambak kong trabaho.
Ilang oras na lang pala ang gugugolin ko dito sa trabaho at uwian na muli.