EPISODE 52

1957 Words
Lumipas muli ang ilang oras at bumalik muli si Zach sa opisina ko. "Tara na?" nakangiting tanong niya sa akin. "Tara na saan?" "Mag break ka naman huy! Hindi ka robot Agatha. Alam kong marami kang gagawin dahil natambak na ang trabaho mo pero hindi naman ibig sabihin nito na magpapapako ka sa trabaho mo," "Aaah mag be-break lang eeh ang dami pang sinabi! Asan si ma'am Angela?" "Tayo na lang daw muna at sunod na lang siya kasi may tinatapos pa daw siyang report pero mabilis lang naman daw 'yun,"  "Aah ganun ba?" Tumayo na ako sa kinauuupuan ko at kinuha ko ang bag ko at sumama ako kay Zach palabas ng opisina. Nakatingin lang ako kay Zach ng mga oras na ito at wala ng lumabas na salita mula sa aking bibig. Para akong nauutal sa kanya ngayon ng di ko alam nakakatunaw ang kanyang ngiti at ang kanyang tingin sa akin. Pumasok na kami sa elevator at walang salita ang lumabas sa aming bibig ng mga oras na ito. Tahimik lang kaming dalawa at nag kakahiyaan na makipag usap dahil sa naging bad history naming dalawa ni Zach. "Ahmmm Zach?" nahihiyang tawag ko sa kanya. "Ano 'yun?" tanong niya sa akin sabay ngiti. "Pwede ba wag kang mag pa-cute sa akin!" inis na sigaw ko sa kanya. Napatulala siya sa akin at biglang humagalpak ng tawa. "Luh? ganda ka?" natatawang tanong niya sa akin. "Yun! Bumalik na ang dating Zach na kilala ko! Siraulo at pala-asar!" "Gan'to pa rin naman ako aah?" "Oo nga ganyan ka pa rin naman pero kasi," nahihiyang sambit ko sa kanya. "Ano?" "Ano kasi," "Nai-in love ka lang sa akin eeh!" pang aasar niya sa akin. "Huy! Ang kapal mo!" "Aysus! Umamin ka na nga madam! Kanina ko pa ina-kalkula ang kilos mo. Kinikilig ka sa akin noh? Bakit ang pogi ko ba?" natatawang tanong niya sa akin. "Siguro kung nag ayos na ako ng sarili ko simula pa lang baka sakaling makuha pa kita noh?" seryosong sambit niya sa akin. Napapalunok nalang ako habang nakatingin ako kay Zach. Bumukas na ang pintuan ng elevator at lumabas na kaming dalawa. Paglabas namin ng elevator ay sobrang tahimik sa baba kaya hindi ko maiwasang mapalingon sa paligid. "Saan mo gusto kumain?" tanong niya sa akin. "Kahit saan," "Ok sige ako na ang bahala." Sinundan ko lang si Zach patungo sa kakainan naming dalawa.  "Nakakainis naman naka heels pa ako ngayon tapos pag lalakarin lang pala ako ng mokong na 'to." inis na sambit ko sa sarili ko. Padabog akong naglakad papalapit kay Zach ng bigla akong natapilok. Napasigaw ako ng malakas at napapikit dahil sa gulat.  "Good catch!" nakangiting sigaw ni Zach sa akin. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at nakita ko si Zach na nakangiting nakatingin sa akin habang buhat-buhat ako. Ilang segundo din kaming nagkatitigan na dalawa hanggang sa bigla na lang akong bumalik sa ulirat ko. Tinulak ko si Zach palayo sa akin at pinilit kong makatayo sa pagkakahimlay sa kanyang bisig. "Hindi pwede 'to Agatha! Hindi ka pwedeng mahulog kay Zach!" sambit ko sa sarili ko. "Mabuti na lang at nasalo kita," nakangiting sambit ni Zach sa akin. "S-salamat," utal kong tugon sa kanya. "Sa susunod wag kang mag ha-high heels para maging komportable ka mag lakad," "Oo bukas mag flat shoes na lang ako," "Malapit naman na tayo sa kakainan natin kaya kaunting tiis na lang," "S-sige."  Nag lakad na muli kami ni Zach patungo sa pupuntahan namin. Dalawa lang kaming nasa kalsada ng mga oras na ito kaya medyo kinikilabutan ako. Mas lalong umigting ang takot ko ng biglang namatay ang ilaw sa poste at napatakbo muli ako kay Zach sabay yakap sa likuran niya. "Huy!" sigaw ko sa kanya habang natatakot. "Bakit?" tanong niya sa akin. "Malayo pa ba? Hindi mo naman sinabi na namamatay pala ang ilaw dito!" inis na sambit ko sa kanya. "Hindi ko alam kasi lagi naman akong nakain dito," "Sige na! Dalian na natin baka masira na naman utak ko!" "Ok!" nakangiting sambit niya sa akin sabay abot ng kamay niya. Nakatingin lang ako sa kanya nito at napangiti na lang ako sa kanya sabay abot ng kamay niya. Magkahawak kamay kaming dalawa ng tumungo kami sa pagkakainan naming dalawa. Madilim pa rin ang lugar ng nilalakaran namin kaya napapahigpit ang hawak ko sa kamay niya hanggang sa nakarating na kami sa maraming tao kaya bumitaw na ako sa kanya. "Sorry," sambit ko sa kanya sabay punas ng kamay ko. "Bakit?" tanong niya sa akin. "Medyo pasmado ang kamay ko ngayon," "Kinakabahan ka," "Oo. Ayoko kasing may makakita ng pag hawak ng kamay ko sa'yo mamaya kung ano na namang issue ang lumabas," "Wala namang makakakilala sa atin dito," "Kahit pa! hindi mo naman alam ang mangyayari," "Ok! Ok!" Naglakad na kaming muli ni Zach ng maayos at ilang minuto pa ay nakarating na kami sa pupuntahan namin. Pag dating namin sa restaurant ay umupo na kami agad sa upuan. Pag upo ko sa upuan ay agad kong tinanggal ang sapatos ko at hinipo-hipo ang paa ko. "Ang sakit! Mag kakapaltos ako nito." inis na sambit ko sa sarili ko. Paaray-aray ako ng mga oras na ito dahil sa sakit ng paa ko kaya napansin ako ni Zach. Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa akin sabay upo sa harapan ko. Inabot niya ang paa ko at inilagay niya ito sa kanyang hita at minasahe ito ng marahan. "Masakit pa ba?" tanong niya sa akin. Napatingin ako sa kanya at nahihiyang tumugon sa kanya. "Hindi mo kailangang gawin 'to Zach," seryosong saad ko sa kanya. "Just let me. Kahit ito lang Aga pakiusap," "Hindi mo kasi naiintindihan Zach ayoko ng gulo paano kung may makakilala sa akin dito at nalaman ni William na magkasama tayo ngayon? Edi nag kagulo tayo ngayon," "Hindi 'yan tsaka iti-treat lang naman kita ng pagkain," "Edi umupo ka na  upuan mo at mag order na tayo para makakain na tayong dalawa," seryosong sambit ko sa kanya. "Nasaan na ba si ma'am Angela? Bakit wala pa siya?" inis na tanong ko sa kanya. Hindi tumugon sa akin si Zach kaya kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si ma'am Angela. Nakailang ring din ang cellphone ko bago niya sinagot ang tawag ko sa kanya. "Ooh bakit?" tanong niya sa akin. "Anong bakit? Akala ko ba susunod ka dito?" inis na tanong ko sa kanya. "Oo nga susunod nga sana ako kaso biglang nagkaroon ng emergency dito kaya hindi ako nakasunod diyan," tugon niya sa akin. "Kayo na lang muna ni Zach at babawi na lang ako sa susunod," "Hayy nako! Sige na!" inis na tugon ko sabay patay ng tawag ko sa kanya. Paralbal kong itinago ang cellphone ko sa bag ko at masungit akong tumingin kay Zach. "Masungit ka na naman diyan," pang aasar ni Zach sa akin. "Eeh paano! Hindi na daw siya susunod dito kasi nagkaroon daw ng emergency sa office," "Anong emergency daw?" "Hindi ko na naitanong dahil sa inis ko. Order na nga tayo para makabalik na tayo agad sa office," inis na sambit ko kay Zach. "Ayaw mo ba akong kasama?" "Ang kulit mo rin Zach! Ayoko nga kasi may makakakita sa ating dalawa dito mamaya ma-issue ako na nakikipag date ako sa ibang lalaki!" sigaw ko sa kanya. "Ok sige order na tayo." malungkot na tugon ni Zach sa akin. Itinaas ni Zach ang kanyang kamay at lumapit agad sa amin ang isang lalaki kung saan ay kinuha niya ang mga order namin ni Zach. Pagkatapos niyang kunin ang order namin ni Zach ay agad ding umalis ang lalaki sa harapan namin at pumasok sa isang silid. Habang nag hihintay kami ni Zach ng order namin ay tumunog muli ang cellphone ko at pagtingin ko dito ay si William ang tumatawag. Sinagot ko ito agad at kinausap siya. "Hindi ka pa natutulog?" tanong ko sa kanya. "Hindi ako makatulog talaga. Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin. "Kakain pa lang," "Sinong kasama mo?" "Saan?" tugon ko sa kanya. "Sa pagkain mo," "Aaahh si ano," "Ano?" "Hello po ma'am and sir ito na po ang order niyong salmon with asparagus," singit ng waiter. "Sir?" tanong ni William sa akin. "Ano k-kasi," nahihiyang tugon ko sa kanya. "Sino bang kasama mo? Huh?" galit na tanong niya sa akin. "S-si," utal kong tugon. "Zach. Kasama ko si Aga ngayon," singit ni Zach sa usapan namin ni William. "Kaya pala hindi ka makasagot siya pala kasama mo? Bakit siya ang kasama mong kumain ngayon at hindi si ma'am Angela?" malumanay na tanong sa akin ni William. "Inis-scam ako eeh! Sabi niya susunod siya tapos biglang may emergency sa office," "Aaah ganun ba? Ok sige ingat ka na lang diyan aah. I love you," malambing na sambit niya sa akin. "Hindi ka galit?" nag tatakang tanong ko sa kanya. "Hindi? bakit  naman ako magagalit? Kwera na lang kung may ginagawa kayong kakaiba para may ikagalit ako," "Aaahhh... W-wala naman kaming ginagawang masama," utal kong tugon. "Edi mabuti! Sige na kumain ka na diyan para magkaroon ka ng lakas at miss na miss na talaga kita!" "Miss na miss na din kita love! I love you! Sige na matulog ka na at limang oras na lang ay magkakasama na tayong dalawa," "Ok po! Sige na enjoy!" masayang sambit niya sabay patay ng tawag niya sa akin. "Hindi nagalit si William na ako ang kasama mo?" tanong ni Zach. "Hindi. Mabuti na lang at understanding si William tsaka wala naman dapat ika-selos si William sa atin kasi magkaibigan lang tayo," nakangiting sambit ko sa kanya. "Sayo kaibigan lang pero ako-," putol niyang tugon. "Ssshhh... Tumigil ka na diyan Zach," "Ok! Sa susunod na lang kita ulit kukulitin malay mo 'di ba? Magbago ang isip mo para sa akin," "Hindi." Ngumiti lang sa akin si Zach bilang tugon at sabay tuon sa pagkain sa harapan namin. "Masarap sanang kumain ng kumain kapag kasama mo ang mahal mo noh?" tanong niya bigla sa akin. "Syempre naman masarap kumain kapag kasama mo ang mahal mo," "Kaya ang sarap ng kain ko ngayon," "Jusko naman talaga Zach!" inis na sambit ko sa kanya. "Sige na kumain ka na binibiro lang kita eeh!" Asar na tumingin ako kay Zach at sabay kain ng pagkain na inorder ko. Hindi naman ganito si Zach dati sobrang torpe niya noon pero ngayon parang ang lakas-lakas ng loob niyang maglahad ng nararamdaman niya para sa akin. Ibang Zach na ang nasa harapan ko ngayon. Ilang minuto ang lumipas buhat ng kumain kami at ngayon ay nag papahinga na kaming dalawa upang sumabak muli sa lakaran pabalik sa opisina namin. "Anong naisipan mo at nag ayos ka ng sarili mo Zach?" tanong ko sa kanya. "Ngayon? Nag aayos naman ako ng sarili ko hindi mo lang napapansin," "Ooh come on Zachary! Ilang taon na tayong mag kaibigan na dalawa pero ngayon ka lang nag ayos ng ganyan," "Grabe ka sa Zachary aah," "Seryoso ako Zach bakit ngayon? Bakit ngayon pa na may mahal na akong iba?" "Hindi ko alam kung bakit? Kung paano?" "Ewan ko sayo! Sa susunod na lang tayo mag usap ng maayos kapag maayos ka ng kausap!" inis na sambit ko sa kanya. Tumingin ako sa relo ko at nakita ko na oras na para bumalik kami sa opisina kaya tumayo na ako sa kinauupuan ko. "Ikaw? Bakit ka nag ayos ngayon? para makasunod ka sa porma ng boyfriend mo?" "I do this for myself Zach not for others." seryosong tugon ko sa kanya sabay talikod sa kanya. Naglakad na ako papalayo sa kanya upang makahinga ako ng maluwag mabilis naman akong hinabol ni Zach at inaya na sumakay na lang ng taxi pabalik sa opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD