EPISODE 51

2012 Words
"Ayy taray naman ng boyfriend ng kaibigan ko," pang aasar ni ma'am Angela sa akin. "Nako! Sobrang sweet kasi ng mokong na 'yun kaya ganun," "Oo nga ang sweet nga niya pero sana wag kang masyadong bumigay sa kanya kasi sa gwapo niyang 'yan sigurado akong iiyak ka ng todo," "Grabe ka naman ma'am Ange," "Sinasabi ko lang naman girl! Anyway kumusta ka?" tanong niya sa akin. "Teka? May sugat ka sa noo? Anong nangyari diyan? Baka naman naging suki ka na nag hospital aah?" "Daming tanong ma'am? easy ka lang ako lang 'to?," natatawang sambit ko sa kanya. "So ano ngang ganap sa'yo?" "Wait lang baba lang tayo sa elevator at chika ko sa'yo sa office," "Sige-sige." nakangiti niyang sambit sa akin. Madali kaming lumabas ng elevator at naglakad papasok sa loob. Nagkatinginan lahat ng empleyado sa akin at lahat sila ay nakangiti na nakatingin sa akin. "Anong problema? May dumi ba ako sa mukha?" nagtatakang tanong ko sa kanila. "Ang ganda niyo ma'am! Ayan ba 'yung tinatawag na glow up after hospitalization?" nakangiting tanong ni Randolf sa akin. "Sira!" natatawang tugon ko sa kanya. Nag madali na kaming maglakad ni Ma'am Angela patungo sa opisina ko at doon ay nag kwentuhan kaming dalawa. "So ano na ngang ganap sa'yo?" nakangiting tanong ni ma'am Angela sa akin. Umupo ako sa upuan ko at huminga ako ng malalim. Isang panibagong chapter na naman ng buhay ko ang bubuksan ko kay ma'am Angela at ito ang pinaka ayoko sa lahat ang pag usapan ang mga ganap sa buhay ko. "Naging kami na ni William," tugon ko sa kanya. "Oo alam ko," okray na tugon niya sa akin. "Huh?" gulat na tanong ko sa kanya. "Anong huh ka diyan? Alam ko na 'yan eeh! Wala bang fresh na chika?" "Aah alam mo na ba 'to? Ano? Ahh... Hmmm...," "Ano nga? So ano na lang nangyari sa noo mo?" "Alam mo ma'am Ange ang chismosa mo?" "Grabe ka naman sa akin matagal na akong chismosa ngayon mo lang nasabi 'yan?" "Ano na nga medyo nagkakagulo kasi kami," "Bakit? Ang aga niyo naman magkagulo ni pogi," "Nanggugulo kasi 'yung ex niya," "Ayun! Ayun ang bagong chika! Tapos anong nangyari?"  "Nag karoon kami ng madugong ingkwentro nung nakaraan," "Kaya ka nagkaroon ng bangas sa noo?" "Hindi 'yan kasama iba pa 'yan," natatawang sa'ad ko sa kanya. "Anong nangyari sa inyo? Paanong madugong ingkwentro?" naguguluhang tanong niya sa akin. "Hindi kasi maka-move on 'yung ex ni William sa kanya kaya ako pinag bubuntungan," "Ooh tapos?" "Tinangka akong patayin sa pool kagabi," natatawa kong sambit sa kanya. "Ooh 'di nga? Tapos? Anong nangyari? Nilunod mo?" "Malamang hindi! Bago pa siya makalapit sa akin umiwas na ako sa kanya tapos ayun siya ang napahamak sa kagagahan niya," "Paanong napahamak?" "Edi ang gaga nagkamali ayun tumama ang ulo sa pool at sumabog ang utak," "Sumabog ang utak?" kinakabahang tanong niya sa akin. Tinapik-tapik ko ang balikat ni ma'am Angela at tiningnan ito ng nakakaloko. "Ikaw Agatha aah! May nakakatakot ka pa lang ugali," nakangiwi niyang sambit sa akin. "Gagi! Aksidente 'yun at hindi ko kasalanan na nabagok ang ulo niya sa pool siya naman may kasalanan 'nun kasi gusto niya akong itulak sa pool pero malas niya at nakaiwas ako sa kanya kaya siya ang nalaglag," "Aaah... Akala ko ikaw ang may gawa 'nun sa kanya," "Duh? Anong pake ko sa kanya? Hindi naman ako desperada magka-jowa kung hindi lang ako pinilit ni William na sagutin siya," "Eh anong nangyari diyan sa noo mo?" "Nung isang araw kasi nag pakalasing si ate mo girl tapos umuwi ako sa bahay ng lasing na lasing at ayun nasubsob ako sa cr at doon nag pass out," "Ayy ang tanga! Bakit kasi nag pakalasing ka? Siguro nag away kayo noh? Ke bago-bago niyo pa lang nag aaway na kayong dalawa," "Hindi ko naman kasalanan na ganto ugali ko. Kaya nga ayokong makipag relasyon kasi hindi pa ako talaga ako handa para diyan," "Eeh bakit sinagot mo kung hindi ka naman pala handa," "Hindi ko na bibitawan 'yang si William kasi may nakaabang!" natatawa kong tugon sa kanya. "Hayy nako Aga. Wag mong paglaruan damdamin nung taong 'yun muka pa namang seryoso sa'yo," "Seryoso naman ako sa kanya at hindi ko naman siya niloloko noh. It's just hindi pa talaga ako full prepared sa deep relationship," "Hayyy... Basta wag mo lang lokohin 'yung tao as long as na ok ang pakikitungo niya sayo," "Oo naman! Mahal ko naman 'yung taong 'yun infact nag sasama na kaming dalawa," "What!?" "Mag sama na daw kaming dalawa para daw mabantayan niya ako at soon mag papakasal din kaming dalawa," "So fast! Grabe iba ka Agatha!" "Siya ang mabilis taga sagot lang ako," natatawang tugon ko sa kanya. "Anyway, Kumusta ka na pala? Hindi na siya nanggugulo sa'yo?" "Sino?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Aah? The f*****g multo? Nanggugulo pa rin ang kupal! pero medyo nasasanay na ako," "Ang bilis naman maka-adopt," natatawa niyang tugon sa akin. "Nasa tabi mo nga siya ngayon eeh," seryosong tugon ko sa kanya. "Gago!" takot na sigaw niya sa akin. Nakatingin lang ako ng seryoso kay ma'am Angela habang nakikita ko siyang nanginginig sa takot. "Kung ako sayo wag kang kikilos baka sundan ka niya," seryosong sambit ko sa kanya. "Hindi magandang biro 'yan," "Totoo nga!" Napapapikit na lang sa takot si ma'am Angela dahil sa sinasabi ko sa kanya. Ako naman itong tuwang-tuwa na nakikita siyang natatakot. "Nakakatakot noh? Ganyan 'yung pakiramdam ko nung tinakot mo ako sa elevator," natatawa kong sambit kay ma'am Angela. "Tang ina naman Agatha!" sigaw ni ma'am Angela sa akin. "Akala ko totoo na!" takot na sambit niya sa akin. "Takot ka noh? Siraulo ka kasi eeh!" "Sabi ko nga hindi na kita tatakutin ulit," natatawa niyang tugon sa akin. "Ok sige titigil na din ako. So ako naman ang magtatanong ngayon? Anong ganap sa inyo dito nung wala ako?" "Wala namang bago ganun pa rin naman dito nung wala ka," "Aaahh... Si ano?" "Sino?" "Alam mo na?" "Sino nga 'yung ano na 'yun?" "Para namang tanga 'tong si ma'am Ange ooh! Sino ano?" "Si Zach ba?"  "Oo," "Wala na siya dito nag resign na," "Huh!?" gulat na tugon ko sa kanya. "Anong nangyari? bakit siya nag resign?" "Parang hindi mo naman alamn kung bakit," "Dahil sa ni-reject ko siya? Ganun ba 'yun? Napaka immature naman niya," asar na sambit ko. "Ewan ko sobrang nasaktan ata nung nawala ka." malungkot na tugon niya sa akin. Habang nag ku-kwentuhan kami ni ma'am Angela ay may narinig akong tawanan sa labas kaya sumilip ako dito at nakita ko si Zach. Tumingin ako ng matalim kay ma'am Angela at asar na tumugon sa kanya. "Akala ko ba nag resign na?" tanong ko sa kanya. "Joke lang!" natatawang sambit ni ma'am Angela sa akin. "Ayy bakit kailangan mag joke ng ganun ma'am? Napaka childish mo," "Ito naman na-miss lang kitang inisin. Hindi mo mapapalayas dito 'yang si Zach sa tigas ba naman ng mukha niyan," natatawa niyang tugon sa akin. "Mabuti naman at hindi siya aalis dito," nakangiti kong sambit sa kanya. "Bakit na-miss mo siya?" "Hindi naman masyado," "Ok ikaw nagsabi eeh. Ooh siya paano at anong oras na balik na ako sa opisina ko," sambit niya sa akin. "Mamaya aah ikaw sagot sa food ko," natatawang sambit ni ma'am Angela sa akin. "Ok!" tugon ko sa kanya. Tumayo na sa kinauupuan si ma'am Angela at lumabas na siya ng opisina ko. Pagkaalis na pagkaalis pa lang ni ma'am Angela ay binuksan ko na agad ang laptop at computer ko para simulang silipin ang mga naimbak na trabaho para sa akin. "Hayy it's good to be back!" nakangiting sambit ko sabay sandal sa upuan ko. Ilang minuto lang ang lumipas mula ng umalis sa opisina ko si ma'am Angela ay may kumatok na sa pinto. "Pasok!" sigaw ko. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang pamilyar na tao. Si Zach. "Ooh? Anong meron?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin ng pagkalaki-laki at nilapitan ako. "Kumusta ka?" tanong niya sa akin. Napatitig ako sa kanya dahil nag iba din ang awrahan ni Zach ngayon hindi ko alam na may kagwapuhan din pala siyang tinatago. Napalunok ako habang papalapit sa akin si Zach nakataas ang mga buhok niya na kulay ng papalubog na araw. Ang fresh niyang tingnan ngayon kumpara mo nung nakaraang buwan. "Hey!" sigaw niya sa akin habang winawasiwas ang kanyang kamay sa mukha ko. "Ooh? I-ikaw p-pala 'yan," utal kong sambit sa kanya. "Kumusta ka? Ang ganda mo ngayon aah. Ganyan talaga kapag in love ka," biro niya sa akin.  "Ha? Hindi naman," nakangiting tugon ko sa kanya. "Ayun ooh! Mas lalo ka talaga gumaganda kapag ngumingiti ka," "Bolero! So anong meron at naparito ka?" tanong ko sa kanya. "May nakita kasi akong isang magandang binibini sa labas kay napapasok ako ng di oras," "Daming alam!" "Nagpakabait ka naman nung wala ako?" "Oo naman mabait na ako noh! Tsaka mas ginalingan ko pa," "Mabuti kung ganun," "Sige alis na ako at oras na para mag trabaho," "Sige."  Madaling lumabas ng opisina ko si Zach. Kilig na kilig ako sa kanya ngayon hindi ko alam kung bakit sobrang nasabik ako na makita siya.  Habang pangiti-ngiti ako na nakatingin sa pinto ay biglang bumukas ito ulit at nakita kong nakangiting nakatingin sa akin si Zach. "Sasabay ako sayo kakain mamaya aah? Treat ko!" nakangiting sambit niya sa akin. "Kasabay ko-!" putol na tugon ko sa kanya. Sinara agad ni Zach ang pinto ng opisina ko at nakangiting tumungo sa upuan niya. "Siraulo talaga kahit kailan 'tong mokong na 'to," kinikilig na sambit ko sa sarili ko. "Ssshhh no Agatha! bawal ang nasa isip mo!" pamimigil ko sa sarili ko. Itinuon ko na ang atensyon ko sa pagbabasa at pag aayos ng aking mga naiwang trabaho. Nakakawindang ang ganito karaming trabaho paano naman kasi isang buwan din naimbak ang trabaho ko at hindi ako nakapag trabaho sa bahay. Ilang oras na ang lumipas buhat ng nagsimula ang oras ng pagtatrabaho namin at unti-unti ko na ring nababalik muli ang sigla ko sa pag tatrabaho. Habang nag tatrabaho ako ay tumunog ang cellphone ko at tumatawag si William sa akin. Sinagot ko ito agad at masaya akong kinausap siya. "Hindi ka pa tulog?" tanong ko agad sa kanya. "I can't sleep," malungkot niyang tugon sa akin. "Nako! Masanay ka ng matulog na wala ako kasi mamayang umaga pa ang uwi ko love," "Yeah I know! Pero how can I sleep right now? Sanay na akong kayakap ka," "Urghh... I don't know! Find a way para makatulog ka," "I miss you so much!" "We've just separated for almost 3 hours pa lang miss mo na ako agad?" "Yes! Hindi mo ba ako na-miss? Sabagay sanay ka namang ganyan," "I love you! Sige na matulog ka na at anong oras na ooh! I will be home at 8  in the morning," "Sunduin kita?" "Kaya mo ba?" "Oo naman! Dalhin ko 'yung kotse para hindi ako mahirapang mag sundo sayo," "Ehh 'di ba nasa work mo 'yung kotse mo?" "Yes! Gigising ako ng maaga para makuha ko 'yung kotse sa work then after nun ihatid kita sa bahay at ako naman ang mag tatrabaho," "Para pala tayong LDR noh? Gising ako sa gabi ikaw naman tulog na tapos gising ka naman sa umaga tulog ka sa gabi," "That's why you should resign Aga. Kaya naman kitang buhayin," "Nandyan ka na naman William. Ayokong umasa sa pera mo dahil hindi ako lumaking palaasa," "Hindi ka naman aasa sa akin eeh! Kung gusto mo mag business ka! Bigyan kita ng puhunan mo para naman magkasama tayong dalawa. Please love?" "Let me think love kasi hindi madali para sa akin na bitawan ang matagal ko ng iningatan na trabaho," "Ok! Mag hihintay ako sa sagot mo basta susunduin kita bukas mga quarter to 8 nandyan na ako," "Ok sige!" "I love you Agatha! Mag iingat ka diyan!" "Yes! I love you too!" Binaba ko na ang tawag ni William at bumalik na ako sa pag tatrabaho ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD