EPISODE 50

1895 Words
Nakakapagod man ang ginawa naming dalawa ni William ngayon ay sobrang satisfying naman ito para sa akin. Everytime na nag se-s*x kaming dalawa ay may pakulo siya sa akin kaya hindi ka mabo-bored bagkus ay mas lalo kang gaganan sa kama. It's been a week na sinagot ko si William at mag iisang buwan na din akong hindi pumapasok sa trabaho. May natitira pa naman akong leave sa work ngunit ayoko na itong ubusin para sa susunod na may lakad ako ay magagamit akong leave. Ilang oras din ang lumipas bago ako nagising at sakto din sa oras ng pag gising ko na tumunog ang aking cellphone. "Alas syete na pala." sambit ko sa sarili ko. Medyo maliwanag ng kaunti ang loob ng silid namin sapagkat naka dim light lang kami ni William kaya tumayo na ako sa kinahihigaan ko at lumabas ako ng silid upang mag handa ng hapunan para kay William. "Ano bang masarap na lutuin?" tanong ko sa sarili ko habang dahan-dahang bumababa sa hagdan. Tulog pa si William ng mga oras na ito kaya hindi ko na siya ginising pa mukang pagod siya dahil sa ginawa niya kanina. Madilim ang kapaligiran sa baba kaya hindi ko makita ang daanan kaya kumapa-kapa na lang ako sa dilim hanggang matuntong ko ang switch ng ilaw. Binuksan ko ito at tsaka lumiwanag ang buong kapaligiran. Napakatahimik ng kapaligaran kapag wala si William. Nakakabagot at napaka lungkot lang ng awra. Binuksan ko ang tv para mag bigay ng ingay sa paligid at para hindi ako masyadong matakot dahil sa sobrang tahimik ng lugar. Binuksan ko ang ref at tumingin ako ng pwedeng iluto. "Chicken." sambit ko sabay dampot ng manok sa freezer. "Anong pwedeng iluto dito bukod sa prito?" sambit ko habang iniisip kung anong pwedeng iluto dito. Habang nag iisip ako kung anong klaseng luto sa manok ay ibinabad ko na muna ito sa tubig upang lumambot at pagkatapos ay bukas ko muli ng ref upang tumingin kung ano pang pwedeng iluto rito. "Nako ang dami pang gatas." sambit ko habang inaabot ito sa loob.  Tiningnan ko ang expiration date nito at napangiti na lang ako sapagkat malayo pa naman ang expiration nito. "Mabuti at pwede pa siya." nakangiti kong sambit. Ibinalik ko muli ang gatas sa loob ng ref upang manatili ang lamig dito at pagkatapos ay naghanap ako ng iba pang pwedeng iluto. Sa ilang minuto ko sa paghahanap ay wala na akong makita kaya sinara ko na lang ang pinto ng ref at tumingin naman sa cabinet. Kinalkal kong lahat ang laman ng cabinet sa kusina at nakakita ako ng pang pareha ko sa manok. "Pwedeng pritong manok na lang tapos mushroom soup para hindi malungkot ang ulam namin. Ito lang din naman ang alam kong iluto." natatawa kong sambit. Nilinisan ko muna ang mga lutuan na gagamitin ko para sigurado ako na malinis ang gagamitin kong mga pangluto. Nagsaing na ako para habang pinapalambot ko 'yung karne ng manok ay maluluto na ito. Umupo muna ako sa sofa sa tapat ng tv upang namunod ng palabas habang nagluluto ako ng kanin. Ilang minuto pa ang lumipas ay kumukulo na ang tubig sa sinaing kong kanin at pagkatapos ay sinimulan ko ng magsalang ng kawale sa lutuan at pinainitan ito bago lagyan ng mantika. Malambot-lambot na ang karne ng manok ng mga oras na ito kaya sinimulan ko na itong ipadaan sa breading at pagkatapos ay inilagay ko na ito sa mainit na mantika. Upang maluto ng maayos ang karne ng manok ay hininaan ko ang apoy sa prinito at tinusok-tusok ang karne upang pumasok roon ang mainit na mantika. Ilang sandali pa'y luto na naluto na ang kanin at paluto na rin ang ulam kaya nagluto na rin ako ng soup na pwedeng ipares sa ulam namin. Habang kumukulo ang soup ay sumigaw na ako sa bandang hagdan upang gisingin si William para magsabay kaming kumain na dalawa. "William! Kakain na!" sigaw kong malakas mula sa baba. Nakailang sigaw muna ako bago bumukas ang pinto ng silid namin kaya naghain na ako ng gabihan naming dalawa. Mula sa kusina ay rinig na ang yabag mula sa hagdan kaya alam kong gising na si William at papunta na siya dito. Maya-maya pa ay naglakad na si William sa sala patungo sa akin sabay pasok sa loob ng banyo. "Dalian mo na diyan at kakain na tayo! Masarap 'to kapag mainit-init pa." sambit ko sa kanya. Walang salita ang lumabas kay William kaya hinayaan ko na lang siya.  Mula sa labas ay rinig mo ang pagbukas ng tubig sa banyo ng biglang nakarinig muli ako ng yabag sa hagdan. Napatingin ako sa hagdan kung saan nanggagaling ang yabag at bigla na lang kinilabutan ang buong katawan ko dahil sa pag hampas ng malakas na hangin mula sa likuran ko. "Punyeta! Tigilan mo ako huh! Hindi ako natutuwa sayo!" sigaw ko na lang bigla. Dahil sa takot ko ay napatayo ako sa kinauupuan ko at tumakbo ako patungo sa pinto ng banyo upang puntahan si William. "William?" tawag ko sa pangalan niya mula sa labas. Hindi sumasagot si William sa loob ng banyo kaya kinatok ko ito ng kinatok hanggang sa nakita ko si William sa tapat ng sala na nakatingin sa akin. Agad kong dinampot ang kutsilyo sa tabi ko at itinapat ko ito sa kanya. "Lumayas ka dito! Tigilan mo ako!" galit na sigaw ko sa kanya. "Ano? Bakit nagagalit ka na naman sa akin?" nagtatakang tanong niya sa akin. "Tumigil ka! Nandito sa loob ng banyo ang tunay na William!" sigaw ko sa kanya. "Umayos ka nga diyan Aga! Kakababa ko palang noh." Habang galit na kinakausap ko si William na nasa harapan ko ay biglang namatay ang tubig sa loob ng banyo. "Narinig mo 'yun?" takot na tanong ko sa kanya. "Ako 'to mahal ko," tugon ni William sa akin. Itinulak ko ng bahagya ang pinto ng banyo at bumukas ito at sa pagbumukas nito ay sumilip ako dito at nakita kong walang tao sa loob kaya bigla akong napatakbo ng mabilis kay William. "William!" sigaw ko ng malakas. Niyakap ko ng mahigpit si William sabay tulo ng luha ko. "Ano na naman ba ito William!" sambit ko sa kanya habang lumuluha. "Wag mong intindihin kaya natin 'to," pang kakalma niya sa akin. "Bakit ba lagi na lang ganito? Bakit hindi na lang niya ako tigilan!" "Kapag mahina ka lagi ka niyang lalapitan kaya dapat maging malakas ka para lubayan ka na nya," "Bakit kasi ako? Bakit hindi na lang ibang tao?" "Hindi ko din alam. Gusto mo ba lumapit ulit tayo sa albularyo para bigyan ka ng pangontra sa kanila?" "Hindi ko alam William. Natatakot ako," "Akong bahala sayo." Pinaupo ako ni William sa upuan at inaliw ako para mawala ang takot ko. Nagpatawa si William sa akin at hinaingan ako ng pagkain. "Sige na kain na tayo anong oras na at papasok ka pa sa trabaho," paanyaya niya sa akin. "Sige." tugon ko sa kanya. Kumain na kami ni William at pilit kong iniiba ang isip ko para hindi ko maalala ang nangyari sa akin kani-kanina lang. Pagkatapos naming kumain ay naghugas na si William ng pinagkainan naming dalawa at ako naman ay naligo na sa banyo na nakabukas ang pintuan. Hindi na ako nahihiya kay William kaya sa ayaw niya o sa gusto ay maliligo akong nakabukas ang pintuan. Natatawa lang si William sa akin habang nagkukuskos ako ng katawan ko ngunit wala akong pake kung anong reaksyon pa ang gawin niya basta ang mahalaga ay makaligo ako ng maayos. "Wag kang aalis diyan!" utos ko sa kanya. "Oo na hindi na ako aalis dito at papanuorin lang kitang maligo." natatawa niyang sambit sa akin. Pagkatapos kong maligo ay inaya ko na si William sa loob ng kwarto upang doon naman ako samahan na magbihis. "Basta gusto mo ulit? Alam mo na?" malanding tanong niya sa akin. "Ssshhh... Tigilan mo ako William! Pinagbigyan na kita kanina aah," "Sabi ko nga po," "Umupo ka lang dito at bantayan mo akong mag bihis," "Gusto mo ako na magbihis sayo?" "Wag na! Baka kung saan na naman mapunta 'to," "Ok!" natatawa niyang tugon. Pagkatapos kong magbihis ay nag ayos na ako ng sarili ko. Dati ligo lang ok na ako ngunit ngayon na nag aayos na ako ay tumatagal ang oras ko. Lumipas ang isa't halating oras ko sa pag aayos lang at tamang-tama lang ang oras ko para pumasok sa trabaho. "Ihatid na kita sa work mo," sambit ni William sa akin. "Sige." tugon ko sa kanya. Pag labas namin sa apartment ay agad na pumara ng taxi si William at doon ay sumakay kami. "Bakit hindi mo na lang gamitin 'yung sasakyan mo para hindi na tayo gumastos ng pamasahe?" tanong ko kay William. "Mas magandang mag taxi kasi uupo ka lang at mag hihintay na dumating kayo sa paroroonan niyo kumpara mo sa sasakyan na ikaw ang mag mamaneho," "Sus! Sabihin mo tamad ka lang!" pang aasar ko sa kanya. "Ayun na nga! Tamad nga ako mag maneho," natatawang tugon niya sa akin. "Edi mag aaral ako ng pag da-drive ng sagayon ay hindi ka na mag maneho," "Kung ayaw ko? May magagawa ka ba?" "Ibenta mo na lang sasakyan mo kung ayaw mong mag drive," "Kung mag hire na lang tayo ng driver? Para gamit natin ang kotse ko hindi ako nag da-drive at pati ikaw?" "Jusko gastos na naman!" "Ayos lang naman sa akin gumastos noh! Atlis nakakatulong ako sa iba. Ano call?" "Bahala ka nga diyan," "Ok call! Bukas na bukas pag uwi mo may driver na ako," "Ang bilis mo naman mag hire ng driver?" "Madami akong source kaya mabilis lang ako makakapag hire," "Wala munang background check? Mamaya may pending case 'yun? Sige ka," "Sus! Easy lang 'yun!" "Ok sige ikaw na bahala kung anong gusto mo," "Yes ma'am!" Nagkangitian kaming dalawa ni William at sa hindi namin namamalayan ay malapit na pala kami sa opisina ko. "Dito na pala tayo love," nakangiting sambit ko kay William. "Oo nga eeh! Ang bilis naman magpatakbo ni kuya," "Hayaan mo na mas magandang maaga ako sa trabaho kaysa malate ako," "Ok sige." Nagbayad na si William ng pamasahe namin at bumaba na kami sa taxi. Mula sa labas ng building ay nakasalubong ko si Ms. Angela. "Ma'am Angela!" masayang bati ko sa kanya. "Huy! Kumusta ka? Grabe parang hindi na ospital huh? At talagang doon ka pa nag glow up aah?" "Hindi naman. Ginawa ko lang ito for a change," "Aysus! Ooh siya pasok na tayo?" Tumingin ako kay William at nginitian ito.  "Pasok na kami," nakangiting sambit ko sa kanya. "Sige ingat ka." Tumalikod na ako kay William at naglakad ako palapit kay Ma'am Angela ng bigla niya akong hinawakan sa kamay kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti sa akin si William at bigla na lang niya akong hinalikan sa labi nang nakatingin si Ma'am Angela. "Huy!" nahihiyang sambit ko kay William. "Sige na pasok ka na. Tawag ka na lang sa akin kapag may free time ka o kapag uuwi ka na lang mamaya," "Sige," "Sige na," "I love you," malambing na sambit ni William sa akin. "Oo na sige na I love you too! Pakabait ka girl!" "Opo!" Pumasok na ako sa elevator kung saan naroon si Ma'am Angela at pagkatapos nito ay mabilis na sumara ang pinto ng elevator.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD