EPISODE 48

2002 Words
Akala ko magiging payapa ang tulog ko ngunit mga ilang minuto lang mula ng natulog ako ay biglang nagsalita si Kendra. "Gu-guys?" tanong niya sa kanila. Agad naman tumugon ang mga kaibigan namin at tinanong siya kung anong problema. "Bakit Kendra? Anong kailangan mo? May problema ka ba?" nag aalalang tanong ni Mary sa kanya. Napadilat ang mga mata ko habang pinaparinggan si Kendra ngunit bigla ring umurong ang kanyang bibig nang nakita niya akong nakatingin sa kanya ng matalim. "W-wala s-salamat pala sa pag aalaga niyo sa akin kahit na medyo naging masamang kaibigan ako sa inyo," "Nako walang bago 'dun! Ok lang sa amin at tanggap ka namin," nakangiting tugon ni Pat sa kanya. "Mag move on ka na Kendra para sa ikakasaya ng lahat," sambit naman ni Mary sa kanya. "O-oo naka-move on naman na ako kay William," "Mabuti naman kung ganun! Let's be friends Kendra," nakangiting sambit ni William sa kanya. "Oo nga! Kalimutan na natin ang nakaraan at maging magkaibigan tayong lahat!" nakangiting sambit ko sa kanya. "O-oo naman maging mag kaibigan tayo," "Masyado bang malamig ang paligid at parang utal-utal kang kumausap sa amin?" natatawang tanong ni Pat kay Kendra. "Malamig nga nanginginig ako sa lamig piling ko lalagnatin ako dahil nalamigan ang likod ko at natuyuan ako ng tubig sa katawan." Tumayo sa kinauupuan si William at hinawakan ang noo at leeg ni Kendra para chekin kung anong temperatura ni Kendra. "Mainit ka," sambit ni William. "Hindi naman." tugon ni Kendra. Tumayo rin sa kinauupuan si Mary para tingnan si Kendra at kumpirmadong ito ay nilalagnat kaya agad na pinatawag ni Mary ang nurse kay Pat. "Nilalagnat si Kendra, Pat tawagin mo 'yung nurse para mabigyan ng paunang lunas si Kendra," "Ok sige!" Lumabas si Pat ng kwarto at tumungo sa nurse lounge para humingi ng gamot para kay Kendra. Kaming mga naiwan sa loob ay patuloy ang pag papaganda ng pakiramdam ni Kendra. "Nilagnat dahil sa binantaan ko." nakangising sambit ko kay nakatawa akong nakatingin kay Kendra. "Anong meron? Bakit ka nakangisi kay Kendra?" biglang tanong ko ni William sa akin. Nagulat ako sa kanya kaya napatulala akong nakatingin sa kanya. "Ano?" gulat na tanong ko sa kanya. "Bakit nakangisi ka kay Kendra?" mahinang tanong niya sa akin. "Wala lang," natatawang tugon ko sa kanya. "May binabalak ka na namang kalokohan noh?" "Huy! Hindi!" "Eeh bakit ka nga nakangisi sa kanya," "Wala lang naman 'yun ang issue mo naman sa ex mo," "Baka kasi dinadasalan mo na si Kendra eeh," "Ano ako mambabarang? Tsaka wala naman akong pake sa kanya kahit pa pinagtangkaan niya 'yung buhay ko," asar na sambit ko sa kanya. "Ooh? Sorry na hindi na kita aasarin. Nagagalit ka na naman eeh," "Ang hirap kasi ng mga paratang mo sa akin William," "Hala! galit na siya sa akin," "Iniinis mo kasi ako eeh!" "Sorry na po madam." Sinimangutan ko lang si William kaya ito na naman siya kung makalambing sa akin wagas. Habang nag lalambingan at nag kukulitan kami ni William sa tabi ay bigla na lang sumingit sa amin si Kendra. "Ang swerte mo naman Agatha kasi ganyan ka-sweet si William sa'yo," sambit ni Kendra bigla sa akin. "Bakit hindi ba siya sweet sa'yo?" tanong ko sa kanya. "Sweet naman siya pero hindi ganyan katulad ng sa'yo," "Ewan ko ba dito kay William sobrang clingy niya tapos kapag nagagalit ako sinusuyo niya ako agad tapos kahit may kasalanan ako sa kanya siya pa rin 'yung suyo nang suyo sa akin." nakangiting sambit ko sa kanya. Gusto kong pagselosin si Kendra at inggitin para madagdagan ang sama ng loob niya. Gusto ko sanang kitilin na ang buhay nitong si Kendra kaso biglang natakot sa akin kaya umurong ang kanyang dila at naging maamong tupa sa harapan ko. Subukan lang talaga niyang kalabanin ako dahil kabaong ang mapupuntahan niya. "Sana magtagal kayong dalawa," nakangiting sambit niya sa akin. "Wala lang wakas para sa aming dalawa ni Agatha," nakangiting sambit ni William kay Kendra. "I hope I can go back to the past tapos ako ang nasa pwesto ni Agatha ngayon," malungkot na sambit ni Kendra kay William. "Huh?" nakataray na tugon ko. "I said ako sana ang nasa posisyon mo! Ako dapat 'yan Agatha!" sigaw niya sa akin. "Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo kanina?" inis na tanong ko sa kanya. "I can't hide it anymore! Gusto akong patayin ni Agatha!" sigaw ni Kendra bigla sa aming lahat. Nagulat si Mary sa narinig niya at takot na nakatingin sa akin. "What the hell are you talking about Kendra?" galit na tanong ni William kay Kendra. "Agatha pushed me in the pool kanina kaya nagkaganito ako," "What?" tanong ni William sabay tingin sa akin. "Stop fooling them Kendra! Bakit binabaliktad mo ako bigla? Ano bang nagawa ko sa'yo at ganito mo ako kung sirain?" tanong ko kay Kendra sabay tulo ng luha sa mga mata ko. "Tigilan mo ang kakaiyak mo 'dyan Agatha sabihin mo sa kanila ang totoo kung bakit tayo nag pangabot sa pool kanina! Sabihin mo kay William na nag cheat ka kay William at nakipag s*x ka sa ibang lalaki!" sigaw ni Kendra sa akin. "Ano?!" galit na tanong ni William sa akin. Hinawakan ni William ang damit ko at hinila niya ito habang nanlilisik ang kanya mga mata na nakatingin sa akin. "Totoo ba 'tong sinasabi ni Kendra, Agatha?" galit na tanong niya sa akin. "Sa tingin mo magagawa ko 'yun? Wag kang tanga William! Kilala mo akong hindi mahilig sa mga lalaki in fact pinilit mo lang ako na sagutin ka 'di ba?" galit na tanong ko sa kanya. "Well, that's true! pero don't you dare to cheat me kung ayaw mong magkalokohan tayo dito!" "Sinong paniniwalaan mo? Ako na girlfriend mo o 'yung ex mo na niloko ka?" "Of course ikaw!" "See! Akala ko makakakita na ako ng friendship sayo Kendra but I'm not! Isa kang inggeterang talunan na ex!" galit na sambit ko kay Kendra. Tumawa ng malakas si Kendra sa harapan naming lahat. "I have proof b***h!"  "Where?" "Nasa cellphone ko ang lahat ng ebidensya na may kalaguyo 'yang sinasabi mong mabuting girlfriend mo William," natatawang sambit ni Kendra kay William. "Asan ang phone mo?" tanong ni William. Hinanap ni Kendra ang bag niya at hindi niya ito makita kaya kahit pa ipilit ni Kendra na may kalaguyo ako ay hindi naniniwala si William sa kanya. "Wala ka naman pa lang ebidensya Kendra," sambit ni Mary kay Kendra. "Alam mo Kends tumigil ka na kasi sobrang nakakaawa ka lang tingnan sa ginagawa mo," "Alam mo Mary ganyan pala ka pathetic ang kaibigan mo," "Hindi ko na siya maintindihan ngayon kung saan nanggagaling ang mga ganyan sa kanya," malungkot na sambit ni Mary sa akin. "Nasaan na ba si Pat at bakit hanggang ngayon wala pa rin ang mga nurse para i-check si Kendra?" inis na sambit ni Mary. "I-check ko si Pat sa labas," sambit ni William kay Mary. "Itigil niyo na ang bangayan niyong dalawa kung pwede lang." galit na sambit ni William sa aming dalawa ni Kendra. Madaling umalis si William patungo sa  nurse lounge at naiwan na lang kaming tatlo sa loob. Patuloy akong tinitira ni Kendra ngunit hindi ako nagpapatalo sa kanya. "Masyado ka namang nag babait-baitan ka sa harap ng boyfriend mo," natatawang sambit ni Kendra sa akin. "Alam mo Kendra? punong-puno ka na ng inggit sa katawan mo? Kaya ka minamalas eeh kasi sobrang pangit ng ugali mo!" "Makuha ko lang ang cellphone ko tapos kang pokpok ka!" "Pokpok? Sino kaya sa atin ang pokpok Kendra? Ikaw 'di ba? Ilang lalaki na ba ang naglaway sa katawan mo?" "Tingnan na lang natin Agatha," "Ok! Akala mo naman uurungan kita? No way! Kanina mo pa akong binabarambado Kendra mabait ako sa mabait pero ewan ko na lang talaga kung anong magawa ko sa'yo kapag sinagad mo ako," "Bakit papatayin mo ako gaya ng sinasabi mo kanina sa akin? Lakas naman ng loob mong bulungan ako ng ganun!" "Tingnan mo 'tong kaibigan mo Mary kung ano-ano nang sinasabi na walang kwenta. Alam mo kung gusto kitang patayin Kendra 'edi hindi ganyan ang natamo mo? 'Edi sana pinag lalamayan ka na ngayon," "Tumigil na nga kayong dalawa! Kababae niyong tao puro kayo ganyan!" inis na sabat ni Mary sa amin. "Wala na sana akong planong makipag argue sa kanya Mary kaso below the belt na mga sinasabi niya sa akin," paliwanag ko kay Mary. "I know Agatha. Isa pang ngawa mo Kendra aalisan ka naming lahat dito! Mahiya ka naman kay Agatha siya na nga ginawan mo ng masama pero tingnan mo nandito pa rin siya sa tabi mo para bantayan ka!" "Tsss.. Bantayan? Baka naman chine-check lang niya kung nagising pa ako kaso malas lang niya at malakas ako!" "Gagawin mo pa talaga akong mamatay tao Kendra! Kung ganung klaseng tao ka wag mo ako idamay." nakangiting sambit ko sa kanya. Habang mainit ang diskusyonan naming dalawa ay dumating na ang nurse na nakatoka para kay Kendra. Kinuhanan agad ng temperatura ng nurse si Kendra at nalaman niyang ito ay nilalagnat nga. Agad na lumabas ang nurse sa silid ni Kendra at kumuha ng gamot para kay Kendra. "So kamusta naman nung nasa labas ako?" tanong ni William sa aming tatlo. "Well, tahimik naman na nung umalis ka," tugon ni Mary kay William. "Bakit? May nangyari ba?" nagtatakang tanong ni Pat. "You dad? It's just a girly thing lang naman," "Aaahhh... Akala ko kung anong nangyari na sa inyo nung wala ako," "Kaya naman silang pigilan na dalawa pero hot lang talaga si Kendra," "Eeeh totoo naman talaga sinasabi ko!" "Ssshhh... Manahimik ka na kaya girl?" galit na tanong ni Mary sa kanya. Dumating na muli ang nurse sa loob ng silid at inabutan ng gamot at tubig si Kendra. "Inumin niyo po ito agad upang bumaba ang inyong lagnat," nakangiting sambit ng nurse kay Kendra. "Ok." tugon niya. Ininom ni Kendra agad ang gamot at pagkatapos ay pinahiga siya ng nurse sa kama. "Makakaramdam ka ng pagkaantok sa ininom mo ma'am Kendra," sambit nito. "Bakit hindi mo sinabi agad," mahinang sambit ni Kendra sa kanya. "Matulog po muna kayo at mag pahinga para mas mapabilis ang recovery niyo," "Ayokong matulog pa-" sambit ni Kendra sabay pikit ng mga mata niya. "Pwede na po kayong mag siuwi na muna para makapag pahinga ang pasyente," sambit ng nurse sa amin. "Ok lang po ba na iwan namin siya dito na walang kasama?" tanong ni Mary sa nurse. "Yes ma'am! Pwede na po kayong mag pahinga sa mga kanya-kanya niyong mga bahay. Kami na po bahala kay Ms. Kendra lagi naman po kaming nag momonitor sa pasyente kaya wala po kayong dapat na ipag alala," "Iwan na lang po namin ang number namin kung sakaling kailangan niyo ng tulong," sambit ni Pat. "Paano ba 'yan pare kayo na ang bahala kay Kendra hindi ko na kasi kayang makipag plastikan sa kanya ang hirap makipag kaibigan sa past mo lalo na't hindi pa rin siya nakaka move -on sa aming dalawa. Ayoko namang masira kami ni Agatha dahil lang kay Kendra," paliwanag ni William kay Pat. "Ano ka ba? Ok lang naman sa amin 'to sanay na kami kay Kendra," nakangiting sambit ni Pat kay William habang tinatapik-tapik ang balikat ni William. "Pasensya na kung nag away pa kami sa harapan niyo huh," paumanhin ko sa kanila. "Nako! Normal lang 'yung ganun ito lang naman si Kendra ang hindi maka move on kaya kung ano-ano pang mga pinag sasabi sa'yo. Ako na ang humihingi ng despensa sa kanya dahil sa mga pinag sasabi niya sa'yo," nahihiyang sambit ni Mary sa akin. "Sige," "Paano guys una na kami ni Agatha. May trabaho pa kasi 'to kaya kailangan na niyang mag pahinga," "Sige pre ingat kayo! Sa susunod ulit mag kita tayo," "Oo naman!" nakangiting sambit ko sa kanila. Lumabas na kami ni William sa silid ni Kendra at naglakad na kami patungo sa labas ng ospital upang maghanap ng masasakyan pauwi ng apartment namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD