EPISODE 47

1779 Words
Habang nasa kasarapan kami ng tulog ni Mary ay bigla na lang kaming nagising sa tunog ng cellphone. Bumangon si Mary sa pagkakahiga niya at agad na sinagot ang tawag na ito. "Hello hon?" tanong niya agad sa asawa niyang si Pat. "Kumusta diyan?" Ngumiti si Mary sa akin at itinaas ang kanyang hinlalaki. "Sige ibabalita ko agad kay Agatha para alam niya," sambit niya sa kausap niya sabay baba nito. "Anong balita?" tanong ko sa kanya. "Gising na si Kendra!" nakangiting tugon niya sa akin. "Huh? Bakit?" tugon ko sa kanya. "Anong bakit?" naguguluhang tanong niya sa akin. "Hindi! I mean bakit ngayon lang siya nagising simula kanina?" "Oo ngayon lang siya nagising. Mabuti naman at ok na si Kendra sobrang nag aalala talaga ako," "Tara puntahan natin sila sa hospital ngayon!" "Sige tara!" Nakapantulog kaming tumungo sa hospital ni Mary dahil sa nabalitaan naming nagising na si Kendra mula sa aksidenteng nangyari sa kanya kaninang madaling araw. Mabilis lang ang biyahe naming dalawa at nakarating agad kami sa ospital. Pagdating naimin sa ospital ay agad kaming tumungo sa silid ni Kendra at pag pasok namin doon ay nakita namin si Kendra na natutulog. "Akala ko ba gising na?" tanong ni Mary kay Pat. "Oo nagising na siya natutulog lang ulit ngayon," "Aaah mabuti naman kung ganun," "Kumusta anong sabi ng doctor?" "Tinahi siya sa ulo kasi malaki ang bangas dito." Nakatingin lang ako sa mag asawa habang nag uusap sila tungkol kay Kendra. Wala si William ng mga oras na ito kaya tinanong ko agad si Pat kung nasaan si William. "Si William?" tanong ko kay Pat. "Bumili lang ng kape," "Aaah.. Ok sige kumusta si Kendra? May sinabi na ba siya sa inyo?" "Hindi pa namin nakakausap si Kendra pero nagkamalay na siya kanina," "Aaahh mabuti naman at nagkamalay na siya," mangiyak-ngiyak kong sambit sa kanya. "Ooh bakit?" nag aalalang tanong ni Pat sa akin. "Kasi naaalala ko 'yung ginawa niya kagabi sa akin kung hindi ako nakaiwas sa pagtulak niya sa akin ako sana ang nasa pwesto niya ngayon," paawa ko sa kanila. "Ano bang nangyari kagabi? Bakit kayo nagkaroon ng sagupa ni Kendra?" "Nasa pool area kasi ako kagabi nag papawala ng kalasingan ng biglang dumating si Kendra sa tabi ko galit na galit siya sa akin kasi daw inagaw ko si William sa kanya tapos binantaan niya akong papatayin kapag hindi ko daw hiniwalayan si William," "Talaga? Sinabi niya 'yun?" gulat na tanong ni Pat sa akin. "Oo daw hon alam ko na kung anong nangyari kanina pa kasi nag kwento nga si Agatha sa akin tungkol sa nangyari sa kanila ni Kendra sa pool," singit ni Mary sa amin. "Hindi ko inexpect na magiging ganyan si Kendra kalala tanggap naman namin na medyo may pagkabrat siya pero hindi ko talaga alam na papatay siya para lang sa makuha ang gusto niya," "Ganyan na talaga si Kendra simula noong unang kita pa lang namin sa bahay ni William. Pumasok na lang siyang bigla sa bahay ni William at hinalikan niya sa labi si William nung mga araw na 'yun si William at ang masama pa 'nun ay nakaharap ako sa kanilang dalawa," "Huh? ginawa niya 'yun?"  gulat na tanong ni Mary sa akin. "Oo ginawa niya 'yun sobrang galit na galit ako noon kay William dahil sa ginawa ni Kendra pero hindi ko siya ginawan ng masama bagkus ay binuhos ko kay William ang galit. Kasi pwede namang hindi siya mahalikan ni Kendra kung umiwas siya 'di ba?" "Paano naman ako iiwas kung bigla na lang siyang humalik sa akin?" singit ni William. Napatingin ako kay William at bigla ko siyang tinirikan ng mata. Lumapit si William sa akin at niyakap ako mula sa likuran ko. "Kumusta ka? Ang aga-aga nag susungit ka na naman aah," pang aasar niya sa akin. "Ikaw kasi eeh! Ako 'yung naargabyado pero siya ang binabantayan mo," umiiyak kong sambit kay William. "Ok ka naman 'di ba? Tingnan mo si Kendra ooh? Kawawa naman 'yung sitwasyon niya ngayon," "Kasalanan ko na pala na umiwas ako sa pagtulak niya sa akin sana ako na lang ang naaksidente para maging masaya ka na," inis na sambit ko kay William sabay labas ng silid. "Agatha!" sigaw ni William. Nakangiti akong lumabas ng silid ni Kendra kahit na may luha sa mga mata ko. Kumukuha lang ako ng simpatya dahil alam kong magsusumbong 'yang si Kendra kapag bumalik na ang ulirat niya at nakapagsalita na siya pero hinding-hindi ito mangyayari dahil ako na mismo ang kikitil ng buhay niya para hindi na siya mabuhay pang muli. "Agatha!" sigaw ni William muli sa akin sabay hablot ng kamay ko. Tumingin ako sa kanya ng masama habang hingal na hingal siyang nakahawak sa akin. "Doon ka na sa Kendra mo baka kung anong mangyari pa sa kanya nakakaawa naman!" galit na sambit ko sa kanya. "Wag ka namang ganyan! Walang mag aalaga kay Kendra kundi kami tayong mga kaibigan nya lang," "Sorry hindi ko siya kaibigan," "Walang pamilya si Kendra dito sa Pilipinas," "Ooh tapos?" "Walang mag aalaga sa kanya kawawa naman 'yung tao," "Edi alagaan mo! Kawawa pala eeh!" "Sobrang pangit naman ng ugali mo Agatha!" sigaw niya sa akin. "Anong gusto mong gawin ko? Alagaan ko siya? Eeh siya nga ang dahilan kung bakit siya ganyan! Gusto mo bang makihalobilo ako sa taong gusto akong patayin? Ganun ba 'yun William?" "Hindi naman sa ganun Agatha pero kasi-" putol na sambit ni William sa akin. "Kasi? Mahal mo pa siya?" galit na tanong ko kay William. Hindi makasagot sa akin si William kaya tinalikuran ko na siya agad at naglakad ako papalayo sa kanya. "Ikaw na ang mahal ko Agatha! Sana naman pakinggan mo ako!" sigaw ni William sa akin. Hindi ko pinansin si William sa mga sinasabi niya sa akin at patuloy lang ako sa paglalakad palayo sa kanya. Akala ko susundan niya ako ngunit mas pinili niyang bantayan si Kendra kaya mas lalo umigting ang galit ko kay Kendra mas naging pursigido akong patayin siya ngayon. Habang nag lalakad ako palabas ng ospital ay naalala ko na lang bigla ang sinabi sa akin ni Kendra. Nakita niya kung anong nangyari noong gabing nagkaroon kami ng pagtatalik ni Yael.  "Lasing na ako ng mga gabing 'yun at hindi ko na maalala kung anong nangyari noon ngunit sa dinami-daming kalalakihan sa loob ng bar na 'yun si Yael pa ang nakasama ko." sambit ko sa sarili ko. Malalim ang iniisip ko ng mga oras na ito at hindi ko alam kung paano ko magagawa ang patayin si Kendra sapagkat may mga bantay siya ngayon. "Kailangan ko ba ng kutsilyo? Anong pwedeng iturok sa kanya para mamatay na siya agad?" mga tanong sa aking isipan. Tumungo na muna ako sa malapit na kainan sa ospital at doon ako nagpalipas ng oras at kumain ng agahan. Habang kumakain ako ng agahan ay bigla na lang akong nakaisip ng isang pangyayari na pwede kong gawin mamaya. Pangiti-ngiti ako ngayon habang kumakain ako ng agahan ko dahil mabubura na din si Kendra sa mundong ito. Pagkatapos kong kumain ay nagpabalot pa ako ng mga pagkain para sa kanila dahil ibang Agatha na naman ang makikilala nila ngayon. Maganda na muli ang mood ko ngayon dahil nakahanap na ako ng paraan kung paano ko papatumbahin si Kendra.  Nakangiti akong pumasok sa silid ni Kendra at sa oras na ito ay gising na siya. Napatingin silang lahat sa akin dahil sa pagdating ko kaya medyo napatingin ako ng matalim kay Kendra na nakatingin sa akin habang hawak-hawak ang dalawa niyang kamay. Ngumiti ako sa kanilang lahat at isa-isa kong inabot ang pagkain sa kanila. "Pasensya na sa nangyari kanina huh? Baka nagulat kayo sa akin dahil nag tamtrums ako," "H-hindi ok lang 'yun," nakangiting sambit ni Mary sa akin. "Kain  na kayo ng agahan alam kong gutom na kayo," nakangiting sambit ko sa kanila. "Sige salamat!" nakangiting tugon ni Pat. Lumapit ako kay William at sabay abot ng pagkain na dala ko. "Sorry love," malungkot na sambit ko sa kanya. "Ganyan ka naman eeh!" inis na sambit niya sa akin. "Sorry na please! Hindi ko na po uulitin 'yung ginawa ko." Hinawakan ni William ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo ko. "I love you," malambing na sambit ni William sa akin. "Mas mahal kita." sambit ko sa kanya sabay halik sa labi niya. Hinayaan ko ng kumain si William ng agahan at tumungo naman ako kay Kendra upang iabot ang pagkain na binili ko. "Kain ka na muna para manumbalik ang lakas mo," nakangiting sambit ko sa kanya. "S-salamat," utal niyang tugon sa akin habang parang takot na nakatingin sa akin. "Kain ka ng madami aah? Masarap 'yan! Kakalimutan ko na kung anong masamang nangyari sa ating dalawa kagabi sana ikaw rin?" Nakatingin lang sa akin si Kendra na parang nagtataka sa sinasabi ko. "Ayoko na sana ng gulo pa Kendra kaya sana pabayaan mo na kami ni William na magsama ng masaya," "S-sure," "May nervous breakdown ka? Bakit kinakabahan ka? Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya sabay hawak sa ulo niya at bulong. "May malaman lang ako na nagkwento ka sa kanila tungkol sa nangyari ng gabing nakita mo ako with other guy ako na mismo ang papatay sayo," bulong ko sa kanya sabay ngiti sa mga kaibigan namin. "O-oo naman maganda na ang pakiramdam ko," "Mabuti naman kung ganun! Sana mabilis ang recovery mo para makapag bonding naman tayo! Gusto pa kitang makilala ng lubusan Kendra! Ang I hope na maging magkaibigan tayong dalawa," masayang sambit ko sa kanya. "See? Sabi ko sayo mabait si Agatha masyado ka lang kasi brat Kendra," sambit ni Mary. "May pagkasiraulo lang si Agatha at sobrang moody pero mabait naman 'to," nakangiting sambit ni William kay Kendra. "Mag celebrate tayo kapag nakalabas na ng hospital si Kendra," nakangiting sambit ko sa kanilang lahat. "Magandang idea 'yan!" masayang tugon ni Pat sa akin. "Pero syempre wag na tayo masyadong uminom ng alak. Alam niyo na baka may buhay pang mawala dahil dun," "Oo may point si Agatha,"  "Ooh siya-siya magsikain na kayong lahat para makapag pahinga na tayo,"  "Sige." Umupo na ako sa tabi ni William at pinag masdan ko lang silang kumain na lahat hanggang sa nakaramdam na ako ng antok sa kaya isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni William habang nag aalmusal siya. "Sleep na muna ako love," sambit ko kay William habang humihikab-hikab. "Sige lang mahal ko matulog ka lang hanggang sa gusto mo basta dito lang ako sa tabi mo," "Salamat mahal ko." nakangiting sambit ko sa kanya. Ipinikit ko ang mga mata ko at nagsimula akong matulog sa balikat ni William.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD